bc

Hiding the Mafia Boss' Son

book_age18+
7.5K
FOLLOW
81.0K
READ
billionaire
dark
escape while being pregnant
mafia
bxg
cruel
addiction
like
intro-logo
Blurb

Isang gabi, isang pagkakamali.

Si Valentina Daniilovna Petrova ay nagmamahal nang palihim sa lalaking alam niyang hindi niya maaaring makuha—ang boss ng Russian Mafia o Bratva—si Vladimir Vasiliev. Noon pa man ay mahal niya na ito ngunit puro palihim na pagsulyap lamang ang nakakayanang gawin nito para sa binata. Alam niya na minsan ay hindi niya ito maaabot, subalit nangangarap pa rin. Pilit pa ring ipinapanalangin ni Valentina na sana ay kahit kaunti, magkaroon siya ng pag-asa.

Isang gabi ay nagdesisyon si Valentina na puntahan si Vladimir. Ang nais lamang nito noong una ay kausapin ang minamahal, ngunit iba ang kinahantungan ng lahat—may nangyari sa kanila. Roon na nagsimula ang palihim na relasyon ng dalawa.

Nang dahil dito, mas lumaki ang pag-asa ni Valentina na mamahalin din siya ni Vladimir. Ngunit agad itong gumunaw nang maging opisyal ang usapang ipapakasal si Valentina sa ibang lalaki at upang palalain ang sitwasyon ay may basbas na ito ni Vladimir.

Nagdesisyon si Valentina na iwasan si Vladimir. Subalit paano niya iiwasan ang lalaking mahal na mahal niya at ang lalaking ngayon ay…magiging ama ng anak niya?

Dulot ng isang mainit na ganap sa kanila, nagbunga ang lahat. And Valentina decided not to let anyone know about her, carrying the mafia’s heir.

Valentina runs away from home with the conviction so hard; that it will never shatter. She will hide the mafia boss’ son.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Valentina ONE NIGHT, ONE MISTAKE. I was devastated. Hindi ko kinakaya ang pagkikimkim ng mga lihim na mayroon ako. Para akong sasabog ano mang oras. I fell in love with the man na hindi ko dapat mahalin at ngayon ay pumayag pa siya na ipakasal ako sa ibang lalaki. Hindi ako umangal. Bakit pa? In our world—the Bratva—women don’t have any voices. Kung anong sinabi ng nakakataas ay iyon ang masusunod. Nagdesisyon na ang aking ama at nagdesisyon na siya. Wala akong magagawa kung hindi ang tumupad sa usapan nila. Matagal nang pinaplano ng pamilya ko na ipakasal ako kay Dmitry Ivanov, pero ngayong gabi ay opisyal na ito. I hate it. Hindi naman sa ayoko kay Dmitry. He’s a good friend of mine, but I love…someone else. “Valentina, ano pang ginagawa mo rito?” Napatingin ako sa salamin at napatitig sa aking nakatatandang kapatid na si Inessa. “It’s your party! Ngayong ay opisyal nang idedeklara ang engagement mo kay Dmitry Ivanov!” Ipinatong ng kapatid ko ang kanyang kamay sa aking balikat at ngumiti sa akin mula sa salamin. Busangot ang mukha ko at wala kang makikitang kasiyahan dito. Hindi naman talaga ako masaya. Nakabihis na ako at nakaayos, pero hindi ko gustong lumabas ng silid. Mas pipiliin ko na lang na magkulong dito kaysa ang makaharap ang Bratva at makita ang lalaking ipapakasal sa akin at batiin naman ng congratulations ng lalaking…mahal ko. Bakit ba pinanganak ako sa ganitong pamilya? I tried to ask my father na huwag ituloy ito. Ang natanggap ko, isang malakas na sampal. Wala raw akong karapatan na umangal ganoong ang Pakhan o ang boss na ng Russian mafia ang nag-set up ng kasal para sa akin. Ikinuyom ko ang aking kamay, hindi ko matanggap! “Halika na, Valentina. Naghihintay na ang lahat.” Wala na akong nagawa nang higitin ako ng kapatid ko. Waa pa rin kasaya-saya sa mukha ko. Daig ko pa ang nahatulan ng death penalty dahil sa ekspresyon na ipinpakita ngayon ng mukha ko. Sumakay kami ng elevator ng hotel na tinutuluyan namin at pumunta sa ball hall kung saan gaganapin ang party. Hindi pa naman ito ang engagement party ko, pero i-a-anunsyo na ngayong gabi ang napagkasunduan ng aming pamilya at ng Ivanov family. Siniko ako ng kapatid ko. “Smile.” Nang bumukas ang elevator door ay ipinagkit ng aking kapatid ang kanyang ngiti. Alam ko naman na peke iyon. Unlike her, I can’t fake the expression on my face. Kaya hindi ko siya sinunod at hinayaan ang nakabusangot kong mukha. Kung sana ay may iba akong choice. Ngunit kapag sa ganitong pamilya ka pinanganak, wala kang ibang option kung hindi sundin ang iyong ama at hayaan silang diktahan ang buhay mo. I hate it so much, pero wala akong laban sa kanila. My hands are tied and I am shackled in this life forever. Dahil ang nag-iisang lalaki na inaasahan ko na magliligtas sa akin sa impyernong ito ay ang lalaking nagtulak pa sa akin para mapunta sa sitwasyon kong ito. Damn it! I feel so betrayed! “Here she comes!” sabi ni Papa. Ngayon ko lang siya nakita na nakangiti nang ganito sa akin at mukhang proud pa. For years, ang tingin niya sa akin ay disappointment. Parati kong naririnig na bakit hindi ako naging lalaki at naging babae pa. Kung sana raw ay naging lalaki man lang ako, may magpapatuloy ng apelyido namin. Kung sana hindi na lang ako isinilang sa mundo, baka masaya pa ako. “Meet my daughter, Valentina,” pagpapakilala ni Papa sa akin. Tumingin sa akin ang mga kasamahan niya sa Bratva or Russian Mafia. Binati nila ako pero wala naman akong sinabi. Kahit nga ang ngumiti ay hindi ko pa rin magawa. Naramdaman ko ang pagkurot ni Papa sa tagiliran ko. Napapikit ako dahil sa sakit pero alam ko rin na hindi ako pwedeng dumaing. “You better smile, Valentina, or I will make you.” Alam ko na makakatikim ako ng hagupit ng galit niya sa akin mamaya kapag hindi ko siya sinunod. Kaya kahit pilit at mukha akong nakangiwi ay ngumiti ako. Nagawa ko namang makisalamuha sa mga bisita. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na ang lalaking ipapakasal sa akin. Nginingisian ako ni Dmitry, halatang inaasar ako. Sinimangutan ko siya subalit nahuli ako ni Papa kaya naman agad akong ngumiti. “Mikhail!” pagbati ni Papa sa ama ni Dmitry. “Dmitry.” Tumango lang si Dmitry kay Papa. Hinila ako ni Papa para ipakilala sa kanila. “Of course, you already know my youngest,” sabi ni Papa. “This Valentina Petrova.” “Yes.” Tumingin si Mikhail Ivanov sa akin. Napayuko ako at ayoko silang tingnan ng diretso. “Hello, Valentina.” Tipid at magalang ko lamang silang binati. Mataas ang katungkulan ng Ivanov sa Bratva. Mas mababa kami sa kanila. Offending them is like offending the boss himself. Naiwan kami ni Dmitry para raw makapag-usap kami. Matagal ko na namang kilala si Dmitry dahil bata pa lamang ay ibinubugaw na ako sa kanya ni Papa. Hindi ko lang matanggap na…magkakatotoo. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi pa rin matanggap na nasa sitwasyong ito ako. Hindi siya ang gusto kong makasama. Alam kong imposible sa isang kagaya ko na mangarap na maabot ang lalaking gusto ko pero… “Don’t frown like that, Valya.” Masama kong tiningnan si Dmitry dahil sa itinawag niya sa akin. “Don’t call me that!” saad ko. Tinawanan niya lamang ako at hindi nakawala sa akin ang mapang-asar na ekspresyon ng mukha niya. “What’s wrong? Do you want me to call you Valechka instead? That’s more…intimate, right?” Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinampas si Dmitry sa braso niya. Kagaya kanina ay tinawanan niya lang ako. “Come on now. Don’t act like you hate this agreement so much. Ayaw mo pang mapangasawa ang kagaya ko? Swerte ka na sa akin. Damon is also attached to you. Walang problema.” Marahas akong bumuntong-hininga. Damon is his son. Kung sinong nanay ng anak niya ay hindi ko rin alam. “You know what, Dmitry? Screw you! Hindi kita gusto. I don’t even get why women lined up for you.” Marahang humalakhak si Dmitry. “Yeah? Because we both know who you like. It’s—” Hindi na naituloy ni Dmitry ang kanyang sasabihin nang may biglang magsalita. Binati ng lalaki ang lahat at maya-maya pa ay may tinawag na siya. “The Pakhan is present tonight, together with his mother. Let’s welcome Vladimir Vasiliev and Seraphine Vasilieva.” Napatitig ako sa nakita ko sa harapan. Nakita ko siya roon. Parang noon lang ay nararamdaman ko pa ang kamay niyang humahaplos sa akin. Parang kailan lang ay nararamdaman ko pa siya sa tabi ko at nakayakap sa akin, at ang mga halik niya sa aking labi at buong katawan. Akala ko pwedeng mangarap kahit imposible. Akala ko kaya ko siyang abutin kahit ang taas-taas niya. But I was wrong. “Dahil isang lalaki lang ang gusto mo,” sabi ni Dmitry. Hinawakan niya ang balikat ko at naramdaman ko siya sa likod ng tainga ko. “Too bad, no? Ipinamigay ka niya sa akin.” Kumirot ang puso ko pero nanatiling nakatingin kay Vladimir na binabati na ngayon ang mga bisita niya. Napabaling siya sa direksyon namin pero mabilis akong nag-iwas. Ang tingnan si Vladimir ngayon ay lalong nagpapawasak sa durog ko nang puso. Vladimir Vasiliev, the current boss of the Russian mafia, the man that I want and love, and the man who approved my marriage with another man. Nang akala ko ay makakaya ko na siyang abutin at malaya ko na siyang pangangarapin, tsaka niya naman sinira ang lahat ng iyon sa isang anunsyong binibigyan niya ng basbas na ipakasal ako kay Dmitry. Nalulungkot ako para sa sarili ko. Well, what should I expect? The man I love is in love with another woman. Kahit anong pinagsamahan namin noon, balewala iyon. I was just someone who warmed his bed, but his heart could never belong to me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.6K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.5K
bc

His Obsession

read
92.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook