Valentina “BITAWAN mo ako, Vladimir!” Itinago ko ang pangungulila ko sa kanya at ang kasiyahan na makita siya nang malapitan, maging ang takot sa galit niyang ekspresyon dahil napalitan iyon ng galit sa naalala ko kanina lamang na may nakalingkis na babae sa kanyang braso. Sinubukan ko na makawala kay Vladimir pero mahigpit ang hawak niya sa akin. Kahit na nanginginig ang aking tuhod, ginawa ko ang lahat para hindi matumba sa kinatatayuan. Paulit-ulit kong iniisip ang masasakit na salitang binitawan niya, ang hindi niya pakikipag-usap sa akin sa nagdaang araw, at ang pagdadala niya ng babae bilang date rito sa party, para lamang hindi ako bumigay sa kanya. “Why would I do that?” Ngumisi siya. “Para makabalik ka kay Dmitry?” Nagsalubong ang aking noo dahil sa sinabi niya. Dahan-dahang