Vladimir
I WATCHED as Valentina left the parking space. When I saw her car disappearing from my vision, I turned my back and started walking down the dark aisle.
“This is just an underling, Pakhan.”
My hands are resting inside my pocket, but I am at the edge of breaking someone’s neck, though I am still trying to calm the s**t out of me.
“Any information?” I asked Yulian, my senior bodyguard.
“He doesn’t want to talk. But I think they are part of a syndicate that kidnaps women and rapes them. It’s a huge syndicate right now. I heard from the news.”
I clenched my jaw with the image of Valentina being kidnapped if I didn’t come. I gave my instructions to Yulian.
“Kill him.”
Yulian nodded his head before breaking the man’s neck while his last words were begging for me not to kill him.
I’m glad I followed my instinct earlier. Nang malaman ko na umalis si Valentina sa bahay nila ay nagpasiya akong alamin kung nasaan ito. Nalaman ko na nagpunta ito sa isang gym. Nang papunta na si Valentina sa kanyang kotse, I saw a shadow following her.
I didn’t hesitate to catch whoever the f**k was following her. I didn’t catch the big fish, but I’m glad nothing happened to Valentina.
“Mauuna na ako,” sabi ko kay Yulian nang tumigil ako sa harap ng big bike ko. “Make sure to find out sinong nagpapasunod kay Valentina.”
Tumango si Yulian sa akin. Hinintay niya na makasakay ako sa motor ko at makaalis bago rin siya umalis doon.
I wanted to go to Valentina’s house. I would look like a f*****g creep, following her everywhere if I did. Kaya nagdesisyon na lang ako na pumunta sa bar na pagmamay-ari nina Dmitry.
I was never obsessed with anyone. Well, maybe Aneesa. Pero hindi ko ginawa kailanman ang sundan siya. I know that Aneesa is in Valencia, Spain. Heck, I was the one who helped her to go there. Ganoon man, hindi ako nagpupunta roon para bisitahin siya parati. I went there to visit her before, but I never saw myself following her everywhere.
So, tell me now, why do I want to follow a woman named Valentina?
Naupo ako sa couch at agad akong dinalhan ng vodka. I am a regular here, kaya kilala na nila ako. Bukod pa roon, alam naman nila na ako ang magiging boss ni Dmitry Ivanov na siyang nagma-manage ng lahat ng ito.
“Good evening, Sir,” pagbati sa akin ng isang lalaki.
Hindi ko siya tiningnan but I know he’s the manager.
“Is there anything you need?” tanong niya.
I gave him a dismissing sign as I wanted to enjoy my alone time.
“We have a lot of good liquors, Sir…and women.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Kung noon siguro, magpapadala ako sa sinabi niya, but for some reason hindi ako interesado sa mga ito.
Hindi ko siya pinansin. Inisip ko na aalis na rin siya pero hindi pa rin.
“Magpapadala po ba kami rito—”
“Saan sa hindi ko pagpansin sa mga bullshit mo ang hindi mo maintindihan? Get the f**k out of my sight!”
Namutla ang lalaki at magalang na nagpaalam sa akin bago umalis.
Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking kamay. Sa hindi malamang dahilan, mainit ang ulo ko.
Who the f**k was the one following Valentina? Sinong nag-utos sa hayop na iyon na sundan si Valentina?
“What’s with the sour mood, cousin?”
Natigilan ako sa narinig kong boses. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang nakangisi kong pinsan.
“What the f**k are you doing here, Ali?”
Gareth Benavidez, my cousin. He wasn’t supposed to be here. Kaya nagtataka ako na nasa Puerto Rivas siya.
“Well, may inaasikaso akong development ng isa sa mga client namin kaya ako naandito,” sabi ni Gareth at naupo sa tabi ko. “I was here with some of my colleagues nang makita kita.”
Sinenyasan niya ang isang waiter para dalhan siya ng alak.
“What seems to be the problem, Vladimir? Ngayon lang kita nakitang wala sa mood—mali, parati ka nga pa lang nakasimangot.”
Tinaasan ko ng kilay si Gareth. “Nagsalita ang may pleasing personality.”
Tumawa si Gareth sa sinabi ko. Dumating ang waiter at ibinigay ang order nitong whiskey.
“Kung sabagay, wala nga palang matino sa pamilya natin.”
Gareth is my first cousin. Anak siya ng nakababatang kapatid ni Mama na si Uncle Gio.
“So, anong problema? Mukhang problemado ka ah?”
“I am not.” Kinuha ko ang baso ng vodka ko at ininom iyon.
“Uh-huh?” Sandali siyang natahimik. “Nagkausap na ba kayo ni Sylvester? They are back in the Philippines.”
Narinig ko pa lamang ang pangalan na iyon ay para bang mas lalong nawala ako sa mood.
“May dahilan ba para mag-usap kaming dalawa?”
I have a second cousin, Sylvester Montecalvo. Bukod sa hindi maganda ang relasyon ng Russian Mafia na pinamumunuan ko at Italian Mafia na pinamumunuan naman ng pamilya nina Silver, hindi rin ako masaya na gusto niya si Aneesa.
Pareho naming nakababata ni Silver si Aneesa. Alam ko na hindi maganda ang trato ni Silver dito, ganoon man, Aneesa would always tried her best para mapalapit kay Silver. Siguro iyon ang dahilan bakit masama ang loob ko. Habang ginagawa ni Aneesa ag lahat para kay Silver, binabalewala naman nito.
We’re even. Masama rin naman ang loob ni Silver sa akin.
“Opps,” sabi ni Gareth at tumawa. “Sabi ko nga.”
Muli kaming natahimik na dalawa. How I wish, nanatili na lang na tahimik si Gareth.
“Damn, man! I can’t believe may hidwaan sa pamilya natin dahil sa iisang babae. Pwede naman na maghanap ng iba.”
Tumingin ako sa kanya at sarkastikong ngumiti.
“If it was happened to you, I wonder if you could still say that. Paano kung may gusto si Serena sa isa sa mga pinsan natin, let’s say…Azriel? Matutuwa ka ba?”
Kumunot ang noo niya nang banggitin ko ang pangalan ng babaeng kinababaliwan niya.
“It’s not going to happen.”
Alam ko kaagad na masama ang loob niya sa sinabi ko.
“It’s just hypothetical.” Humalakhak ako. “See your reaction? Hindi pa tunay na nangyayari ay mukhang magwawala ka na.”
“Shut the f**k up!”
Nagpasiya ako na ibahin na lamang ang pinag-uusapan.
“How’s everyone in Manila?”
“Bakit hindi ka dumalaw para malaman mo?” sagot ni Gareth sa akin.
Tumawa ako sa inasta niya. “f**k you, Ali! Galit ka dahil sa itinanong ko? Hindi nga ako nagalit sa ‘yo nang banggitin mo si Sylvester.”
But I must say, the animosity that I am feeling for Silver was slightly deduced. Still, I hate that man.
Hindi ko alam kung saan nagsimula ang pagkaayaw ko kay Silver. Siguro dahil nakita ko kung paano niya parang ipagtabuyan at hindi itrato nang maayos si Aneesa noon.
Habang iniisip ko ang mga nangyari sa pagkabata namin, something came up. The image of a woman I wasn’t expecting to see.
“Pero seryoso, Vladimir,” sabi ni Gareth. “Humanap ka na lang kaya ng ibang babae? Ang dami naman diyan. Magparaya ka na lang kay Silver.”
“Sino bang kinakampihan mo? Hindi ba at mas kadugo kita?”
“Oo nga, ang sa akin lang naman, i-e-encourage pa kitang ilaban ‘yang nararamdaman mo para kay Aneesa kung alam kong ikaw ang gusto…”
Pinanliitan ko siya ng mata kaya nginisian lang ako ni Gareth.
“But you know.”
Dapat galit na ako sa sinabi niya at naiirita na sa mga salita niya. But it was actually unexpected na wala akong masyadong naramdaman.
“Manahimik ka na lang,” sabi ko kay Gareth.
“Tulungan kitang makakita ng babagay sa ‘yo.” Umakto siya na tumitingin sa paligid.
Inilingan ko na lang siya at ibinigay na lamang ang buong atensyon ko sa iniinom kong vodka.
“Just like that woman! Look at that. Blonde hair, sexy body, and a face like that. Bagay sa kagaya mo. Ayaw mo ba? Uunahan ka ng lalaking dikit nang dikit sa kanya.”
Hindi ko na sana papansinin ang sinabi ng pinsan ko nang mahagip ng mata ko ang tinutukoy niya.
Agad nagsalubong ang aking kilay at pinagmasdang mabuti ang babae.
Halatang hindi siya komportable at kanina pa iniiwasan ang lalaki.
May sinabi siya sa katabi niya at umalis muna.
Abala ang kasama niya sa pakikipag-usap sa bartender. Susundan ko na sana ang babaeng nakita ko nang mapansin ko na nilagyan ng lalaking gumugulo sa kanya ng kung anong powder ang inumin nito.
Nanuot ang galit sa akin.
“Saan ka pupunta? Vladimir!”
Hindi ko na pinansin pa si Gareth. Naglakad ako papunta roon pero bago pa ako makalapit ay bumalik na ang babae. Hinawakan niya ang baso niya at akmang iinumin nang kunin ko sa kanya.
Nakita ko pa ang pagkabigla sa mukha ng lalaking may nilagay sa inumin niya.
Tumingin ako rito at nanlalaki ang mga mata ng lalaki sa akin.
“What the hell did you put in her drink?” tanong ko.
“Wala akong nilalagay, ah—”
Hindi na ako nakapagtimpi. Binasag ko ang baso sa mukha niya at nakita ko ang pagdurugo nito dahil sa mga hiwang iniwan ng pagkabasag ng baso.
“I am f*****g asking you a question. What the hell did you put in her drink?”
Hinawakan ng babae ang braso ko. Tumingin ako sa kanya at halatang naguguluhan siya.
“Vladimir? Anong ginagawa mo rito?”
Umigting ang panga ko habang nakatitig sa kanya. “I should be the one asking you that, lapochka. What are you doing here without informing me, hmm?”
Tiningnan ko si Valentina na ngayon ay para bang gusto nang magpakain sa lupa.
No, hindi lupa ang kakain sa kanya. I’ll be the one to eat her and I will make sure I will savor her.