Valentina HINDI ako makapaniwala na nakita ko si Vladimir dito sa bar. Niyaya ako ni Ayla na magpunta kami sa bar at dahil wala sina Papa at mag-isa lang ako, naisip ko na lubusin ang pagpapakasaya ko kaya pumayag ako. Nagpunta lang ako sa powder room at pagbalik ko, ganito na nga ang nangyari. Gulat na gulat din ako nang marinig mula kay Vladimir na may nilagay raw iyong lalaki sa inumin ko. I looked at Ayla and she was also shocked. Kung totoo man ang sinabi ni Vladimir, mabuti na lang talaga at hindi ko ininom iyong cocktail. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya pero agad akong nagsisi. Hindi ko masagot ang tanong niya. Bakit parang kailangan kong magpaalam sa kanya bago magpunta rito? Napansin ko ang pag-alis ng lalaki. Magsasalita sana ako para pigilan siya nang hawakan ni