KABANATA 6: FOLLOW

2274 Words
Valentina “SAAN mo nakuha iyan? Who told you I went to Valencia?” Hindi niya ba maalala na nakita ko ang ticket niya papunta roon kasama ang litrato ni Aneesa? “But no,” sabi niya sa akin. “Hindi ako pumunta ng Valencia. I was in New York, Valentina. You can ask Yulian for that.” Bumangon siya at inisip ko na aalis na siya. Naghaharumentado ang aking puso dahil ayokong umalis si Vladimir. Sana pala ay hindi na lang ako nagtanong. “Hindi naman importante kung sa Valencia or New York ka man nagpunta. It’s none of my business, hindi ba?” May kinuha si Vladimir at napagtanto ko na phone niya iyon. May kinalikot siya roon and he showed me a picture. Litrato iyon ng New York Times Square and it was dated sa isa sa mga araw na wala rito si Vladimir. “I was in New York.” Ipinatong niya sa side table ang kanyang phone bago bumalik sa tabi ko. “You don’t have to explain,” sabi ko sa kanya. “Is that the reason you were ignoring me? Akala mo ay nakipagkita ako kay Aneesa?” Tila kay hirap lunukin ng laway na naiipon sa lalamunan ko dahil sa tanong niya. Hindi ako sumagot pero mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. “f**k! I really thought it was because of another f*****g man,” sabi ni Vladimir. Mahina lang iyon kaya bahagyang hindi ko naintindihan. “Valentina, kung papasok man ako sa seryosong relasyon, ikaw ang unang makakaalam. I am not someone who’s going to cheat.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Hindi ako sigurado kung dapat ba akong matuwa roon o malungkot. Masaya akong malaman that he’s faithful, pero malungkot na baka hindi ako ang makaranas nito. I don’t want to imagine Vladimir falling in love with someone else. Hindi pa nga ba? Nagmamahal na siya pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya makuha ang babaeng mahal niya. Ito ako, nagmamahal din sa kanya at hindi ko rin siya magawang makuha. “Now, let me sleep.” Ngumiti ako. Mas gusto kong isipin ngayon ang mga bagay na nagagawa akong pasayahin at kapag sakaling dumating ang araw na kailangan ko nang tuluyang lumayo kay Vladimir, pakakawalan ko siya at ibibigay sa babaeng tunay niyang minamahal na may ngiti sa aking labi at bukal sa loob ko. Mahigpit kong niyakap si Vladimir. Naramdaman ko rin bigla ang pagod kaya dahan-dahan ay nakatulog din ako. Nang magising ako ay wala na si Vladimir sa gabi ko. Madilim na rin sa labas at mukhang gabi na. Hindi ko alam kung anong oras umalis si Vladimir. Hindi ko man lang naramdaman na wala na pala siya sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko. Napansin ko na may mensahe akong hindi nababasa. Vladimir: Umalis na ako. I don’t want to wake you up. I’ll see you again soon. Kinagat ko ang labi ko at napangiti. Kahit ano naman kasing gawin kong pagpipigil, hindi ko kaya. Simpleng ganito lamang ni Vladimir ay sobra-sobra na ang naipaparamdam sa akin. Lumabas ako ng kuwarto ko at nakasalubong ko ang isa sa mga kasambahay namin. “Miss, pupuntahan po sana kita sa kuwarto ninyo,” saad niya. “Hindi pa po kasi kayo nakain ng dinner. Kumatok po kami kanina sa pinto ng kuwarto ninyo pero walang nasagot. Tulog po ata kayo.” Roon ko lang naramdaman ang gutom. Naglakad ako papunta sa dining area at kasunod ko ang aming kasambahay. Napansin ko na bukod sa akin at sa iilang kasambahay namin ay walang tao sa loob ng bahay. Naupo ako sa dining area. Agad kong hinanap sina Papa at Inessa. “Nasaan sina Papa?” tanong ko. Pinagsilbihan nila ako at inihanda ang mga pagkain. “Umalis po si Sir Daniil kanina. Si Ma’am Inessa naman po ay umalis din kasama ang asawa.” Hindi ko alam na may mga lakad pala sila. I guess, wala akong dapat ipag-alala na makita nila si Vladimir. Hindi nila makikita kung wala naman pala sila sa bahay. “Saan daw pupunta si Papa?” tanong ko. “Business trip daw po. Wala naman pong ibang binanggit. Hindi rin po sinabi kung kailan siya babalik.” Itinago ko ang ngiti ko hanggang umalis ang mga kasambahay at mapag-isa ako. Kung maaari lang na sumigaw ay ginawa ko na. I’m free! Kahit pansamantala lang, walang Inessa o ang papa ko na magdidikta ng dapat kong gawin. People who don’t know me paint me as a villain. Sinasabi nila na masama rin ang ugali ko dahil masama ang ugali ng aking ama. Actually, hindi ganoon. Masama ang ugali ko sa mga taong masama rin ang ugali sa akin. Bakit ko pakikitunguhan nang maayos ang mga taong hindi ako inirerespeto. Hindi ako naniniwalang be the bigger person. Bullshit! Ganoon man, hindi rin naman ako makasarili na kagaya ng kapatid at ama ko. Alam ko kung saan ko ilulugar ang kamalditahan ko. Para bang nawala ang bigat ng aking nararamdaman dahil mag-isa ako sa bahay. “Nako! Ang dami talagang nawawalang babae ngayon!” Narinig kong sabi ni Nanay Mabel. Iyon ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Isa siya sa matagal na naming kasambahay. Simula nang lumipat kami rito sa Pilipinas, siya na ang namamahala ng lahat sa bahay. Kakagaling niya lang sa grocery, halata sa mga bitbit nila. “Hello, Nanay Mabel.” Ngumiti si Nanay Mabel sa akin. Para ko na rin siyang nanay at naging super close kaming dalawa simula nang magtrabaho siya sa amin. “Nakakain ka na ba, Valentina?” tanong nito na siyang ikinatango ko. “Nako, kapag ikaw ay lalabas ng bahay, magdadala ka ng bodyguards mo. Talamak ngayon ang mga kriminal na nangunguha ng babae! Ang dami ring rapist!” Napangiwi ako sa sinabi ni Nanay Mabel. Hindi ko kailangang matakot. Kriminal din naman ang mga kasama ko sa bahay na ‘to. Minsan siguro ay nawawala lang din sa isipan niya. Dahil wala pa rin sina Papa at mag-isa pa rin ako sa bahay, naisip kong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Kaya naman kinabukasan ay nagpasiya akong mag-gym. Wala kaming gym sa bahay dahil ako lang naman itong mahilig mag-work out. Kaya nagpa-member na lang ako sa isang gym na nagustuhan ko. “Saan ka pupunta, Valentina?” tanong ni Nanay Mabel nang makasalubong ko siya. “Sa gym lang po.” Tumango siya sa akin. “Mag-ingat ka. Bakit hindi ka magdala ng bodyguards mo? Sobrang delikado ng panahon ngayon. Ang dami nababalitaan na naki-kidnap at nare-rape.” Napangiwi na naman ako sa sinabi niya. “Sa gym lang naman po ako.” Umalis na ako at dinala ko ang kotse ko. Huminga ako nang malalim at nagtungo na kung nasaan ang gym. Medyo maraming tao nang dumating ako. Full na ang parking kaya kinailangan kong mag-park sa ibang lugar. Maglalakad na ako para lamang makarating sa gym dahil may kalayuan ang nakuha kong parking. Okay na rin dahil naisip ko na cardio. Hindi ako mahilig na lumabas ng bahay, lalo na kapag naandiyan sina Papa. Nakarating ako sa gym at binati ako ng nasa front desk. Pumasok ako dala ang gamit ko at nagpunta muna sa locker ko para ilagay ang mga dalang gamit. Nag-stretching at warm up muna ako bago ako magsimula sa workout routine ko. Lumilipad ang isipan ko habang tumatakbo sa treadmill. Hindi ko mapigilang isipin si Vladimir. Nagkita naman kami pero para bang gusto ko na naman siyang makita ngayon. Napangiti ako dahil sa mga inakto niya. Masama ba kung iisipin ko na simula nang bumalik siya ay tila ba may nagbago sa pakikitungo niya? Simula nang subukan ko siyang iwasan ay tila ba naging…sweet siya? Alam ko na hindi tamang pagsamahin ang salitang sweet at pangalan ni Vladimir sa iisang sentence pero…hindi ko mapigilang isipin. Malawak ang ngiti ko habang ginagawa ang lahat ng workout routine ko. Pakiramdam ko nga ay hindi ako napapagod. Habang nagli-lift ako ng weights, I was trying to do my best. Nagbuhat ako ng mas mabigat at kahit nag-struggle ay kaya ko pa naman. “Do you need help?” May lumapit sa aking isang lalaki. Hindi ko siya pinansin. Bukod sa hindi ko siya kilala at wala akong pakealam sa kanya, nakasuot ako ng earphones kaya’t wala akong naririnig. Nabasa ko lang ang paggalaw ng kanyang labi kaya naintindihan ko ang sinasabi niya. I am not someone na basta nakikipag-usap sa hindi ko kilala. Madalas man na tawagin na suplada, hindi ko talaga ugali na kaibiganin ang lahat. Walang ang award sa buhay ang pagiging friendly. Ngumisi ang lalaki. Akala ko ay aalis na siya pero lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking pulso upang alalayan ako sa pagbubuhat. Nagsalubong ang aking kilay pero tinapos ko ang set ko. Nang matapos ko ay ibinaba ko ang dumbbells at tiningnan ang lalaki. Tinanggal ko ang earphones ko. “Did I say I need your help? Iritado ako. Bukod sa pinakialamanan niya ako kahit hindi ko naman kailangan, hinawakan niya ako nang walang pahintulot ko. “I was just spotting you—” “At sinabi ko ba na kailangan ko ng tulong mo?” Tumayo ako at hinarap siya. Naiinis talaga sa inasal niya. “Next time, kung hindi naman nagpapatulong, huwag mong tulungan. Magsasalita naman kung kailangan.” Inirapan ko siya at umalis na sa harapan niya. Bukod kasi sa pakiramdam ko ay lalandiin niya lang ako, hindi ko gusto ang mayabang na ngisi niya na hanggang ngayon ay nakadikit sa labi niya. “Hey,” sabi niya at sinusundan pa rin ako. Nagdesisyon ako na umalis na. Wala na rin naman ako sa mood. “Can I just at least introduce myself.” Napatigil ako sa paglalakad. Hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko kanina. He was hitting on me. Kung akala niya na mababaw ako at magpapadala sa kapreskuhan niya, then I am not. Hindi ko siya pinansin at nagpanggap ako na walang naririnig. Marahan siyang humalakhak pero nararamdaman ko pa rin ang yabang sa pagtawa niya. “You’re the first woman to ignore me.” Tiningnan ko siya, tinatamad sa pag-uusap na ito. “Congratulations, I guess. If you’ll excuse me now.” Nagdesisyon din ako na magbihis na lang at sa bahay na ako maliligo. Hindi na rin kasi ako komportable. Paglabas ko ng shower room sa gym, naabutan ko nga ang lalaki sa labas. Ikinagulat ko na naroroon pa rin siya. “What the hell?!” He’s f*****g creeping me out now. “Anong ginagawa mo diyan? Are you a creep?!” Hindi ko itinago sa kanya ang pagkairita ko. Nginisian lang ako ng lalaki. Mas pinili ko na huwag na lang siyang pansinin. Umalis ako ng gym. Mabuti na lang, mukhang tinantanan na naman ako ng lalaki. Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko. Nakaramdam ako ng para bang may sumusunod sa akin. Hindi ko iyon pinagsawalang bahala. Agad akong lumingon at pinagmasdan ang paligid ko. There’s no one. Tila ba nagising ang lahat ng senses ko and I am on high alert. Binilisan ko ang aking paglalakad pero hawak na mula sa gym bag ko ang aking baril. I always bring a gun wherever I go. Para lang sigurado na kaya kong protektahan ang sarili kung may magtangka sa buhay ko as I hate bringing bodyguards that will report whatever I do to my father. Malapit na ako sa kotse. Kinuha ko ang susi at mas binilisan ang paglalakad. Nang bubuksan ko na ang kotse ko, naramdaman ko na may papalapit sa akin. I followed my instinct, got my gun, and pointed it on him. Nagtaas siya ng kamay habang nginisian ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siya. “Woah there, pretty. Is that how you greet me?” sabi niya. “Do you know the punishment for pointing a gun to the Pakhan? Do you want to be punished by the Bratva or to be punished by me?” Bumagsak ang balikat ko at ibinaba ang baril. Para bang nawala ang kabang nararamdaman ko kanina. “Vladimir!” Mas lalong gumaan ang nararamdaman ko nang makita ko siya. He’s only wearing a leather jacket. Hindi kagaya ng business suit na lagi niyang sinusuot. “Akala ko kung sino! Bakit ka ba nanggugulat?” tanong ko sa kanya. “I am not,” sabi niya. “I saw you, so I decided to follow you. Saan ka galing?” “Sa gym lang.” Ibinalik ko na sa loob ng gym bag ko ang baril. “Pauwi na rin ako, ikaw?” “Gym? That place is full of guys.” Sumimangot si Vladimir. Mukhang hindi niya nagustuhan ang ideya na naiisip niya. “And girls. Obviously, maraming nagpupunta sa gym na iba’t ibang tao.” Tiningnan ko kung may kotse siya pero parang wala naman. “Wala kang dalang sasakyan? Gusto mo bang ihatid kita?” “No, you’re not my driver,” sabi ni Vladimir at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. “Drive safely.” Nakuha ko ang gusto niyang ipahiwatig kaya hindi ko na kinalaban pa. “Bye. Mag-ingat ka rin.” Tumango siya sa akin at nang papaalis na ako, pinapanood niya lang ako. Tiningnan ko sa rearview mirror si Vladimir at nakita ko na nakatayo pa rin siya roon. Weird. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ang weird talaga ng nararamdaman ko. Bakit biglang nagpakita si Vladimir? Siya lang ba talaga ang nararamdaman kong sumusunod sa akin kanina? Ipinagkibit-balikat ko iyon. Still, I am happy I saw him again today.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD