Vladimir WALA akong naintindihan sa mga sinasabi ni Valentina habang nagpe-present siya. Nakatitig lang ako sa kanya at pinag-aaralan ang lahat ng nagbago sa kanya. She’s professional and I think she enjoys her work. Nakikita ko iyon sa kung paano siya magsalita nang walang takot sa harapan. Nakuha ng singsing na kumikinang sa kanyang daliri ang aking atensyon. Doon na nagbago ang emosyon sa mukha ko. Napalitan ito ng galit. Hindi pa tuluyang napoproseso ng utak ko ang sinabi ni Kayden kanina, because my brain is rejecting such idea. Ngunit ngayong nakikita ko ang singsing sa daliri niya, para bang wala na akong kawala sa ideyang iyon. She’s engaged. Hindi ba at dapat matuwa ako? Ito ang pinangarap ko para sa kanya noon. Pinangarap ko na maikasal siya sa lalaking aalagaan siya at hin