Vladimir “WHO are you?” Tinaasan ko ng kilay ang bata dahil sa pagtatanong niya. “Hindi ba dapat ay ako ang nagtatanong niyan sa ‘yo? Who are you and what are you doing here?” pabalik kong tanong dito. Sinenyasan ko ang guard at sinabi sa kanya na ako na ang bahala sa bata. “Why would I tell you my name? You’re a stranger. My mama told me not to tell my name to strangers and scary-looking dude.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya pero napangisi rin. At least he knows I’m scary. “I am just looking for my mama. I know she’s here! I followed her by riding the cab.” Itinuro niya iyong taxi sa hindi kalayuan. “I haven’t paid the driver yet. I don’t have money. I need my mama.” “Who’s your mama?” “V—” Tinakpan niya ang kanyang bibig. “Mama told me not to tell her names to strangers