Valentina “SAAN ka galing kanina?” Nakapamaywang ako habang nakatingin kay Aleksandr. Napayuko siya matapos niyang makita ang ekspresyon ng mukha ko. “Playground—” “Don’t lie to me, young man. Ang sabi ni Manang Mildred ay wala ka sa playground kanina. Tumakas ka sa kanya. So, saan ka nagpunta?” Hindi ako mapalagay. Alam ko na sasakyan ni Vladimir ang nakasalubong ko kanina. Did he go here? Alam niya na ba ang bahay ko? Kung oo, bakit niya ako sinusundan? Bakit ba kasi nagpakita pa siya at kung bakit siya pa kasi ang may-ari ng kompanyang bagong investor ng project namin! Sampung taon na simula nang umalis ako sa Puerto Rivas. Nagsimula ako ng panibagong buhay. Natutunan kong kalimutan ang sakit ng lahat ng nangyari sa akin at huwag nang lingunin ang pinanggalingan ko. Nakaya ko iyo