Valentina NAG-IWAS na ulit ako ng tingin kay Vladimir. Nag-iisip na ang utak ko kung paano ako maglalaho sa paningin niya. Nagbubulungan ang aking mga katrabaho lalo na ang mga dalaga rito. Hindi nakawala sa akin kung paano nila purihin ang itsura at pisikal na anyo ni Vladimir. “Walang-wala ang dating ni Sir Kayden kay Sir Vladimir,” sabi ng isa. Napatingin ako roon, hindi nagustuhan ang sinabi ng katrabaho ko. “I mean, gwapo naman si Sir Kayden pero malakas talaga ang appeal ni Sir Vladimir. Ang gwapo pa at ang bango-bango!” Hindi iyon napapansin ni Kamila dahil maging siya ay titig na titig kay Vladimir. Lumapit ako sa dalawang babaeng nagbubulungan. “If you want to keep working here, I suggest not to gossip during working hours, especially about your boss.” Natigilan ang dalaw