"Aki, penge nga akong water," wika nito pero nananatiling nakalingon lang siya sa kabilang panig ng dalampasigan. "Aki? Hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko pahingi ako ng tubig," wika muli nito. Sadyang iniiwas ni Aki ang mapatingin dito dahil baka mahimatay na siya. Kaninang tuyo pa ang swimming trunks nito medyo okey pa pero kanina na nakikita niyang palapit ito ei animo may ahas na nakabukol sa pagitan ng mga hita nito. At muling sumagi sa kanya ang malaking bagay na iyon na kanina lamang sa silid na inuukupa niya ay kanyang nasilayan. "Ha, ah, eh.... h-heto po Señorito." wika niya sabay abot dito ng bottled water, pero nananatiling nakapaling paiwas ang kanyang ulo. "Aki, napakapangit ba ng katawan ko kaya ganyan ka kung makaasta? Parang diring-diri kang makita ang hubad kong ka