bc

MY ALALAY IN DISGUISE

book_age18+
10.8K
FOLLOW
57.2K
READ
arrogant
boss
maid
drama
comedy
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

WARNING: This book is rated 18+, read at your own risk!

Dahil sa patong-patong na problema napilitan si Akisha delos Santos na magpanggap bilang isang lalaki para makapagtrabaho sa Hacienda Del Azul. Kalalakihan lamang ang tinatanggap sa Hacienda dahil galit sa mga kababaihan ang anak ng may-ari na si Amiro Del Azul kaya nagpanggap siya bilang

isang lalaki.

Hanggang kailan kaya ni Akisha maitatago ang totoong pagkatao kay Amiro?

At ano ang magiging reaksyon ni Amiro kapag natuklasan niyang ang kanyang ginawang alalay at pinagkatiwalaan ay isa palang babae? Masuklam din kaya siya dito?

Tunghayan ang kanilang kwento.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Tapos ng magluto ng gulay na langka si Akisha ng makarinig siya ng kalabog mula sa maliit na silid ng kanyang Tatay. Mabilis siyang tumakbo at ganon na lamang ang kanyang takot ng makitang nakahandusay sa lapag ang kanyang Tatay at tila nahihirapang huminga. Agad niya itong dinaluhan. "Tay! Diyos ko! Mga kapit-bahay tulungan n'yo po kami!" sigaw niya, habang yakap-yakap ang ama at hinahagod ang likod nito. Nakailang sigaw pa siya bago dumating ang ilan nilang kapitbahay kasama ang kanyang Kuya James at ang asawa nito. Mabilis nitong binuhat ang kanilang Itay at isinakay sa tricycle nito, sumunod naman siya agad para siya ang mag-alalay sa kanilang Tatay. Halos isang oras din bago nila narating ang pinakamalapit na ospital at iyon ay sa kanilang bayan pa. Ngunit halos maiyak na siya ng pagdating nila sa maliit na hospital na iyon ay tanggihan sila dahil walang Doctor na mag-aasikaso sa kanila. Kaya naman mabilis nilang muling binaybay ang pinakang centro ng Bayan nila kung saan andoon ang malaking hospital. Ngunit malaking problema nila ay ang pera, bahala na makikipagsapalaran na lang sila. Sinalubong agad sila ng isang nurse at inasikaso naman ang kanyang Tatay ngunit ilang sandali lamang kinausap sila ng Doctor at tinapat sila na kailangan daw ng agarang operasyon sa kanyang Itay, nabarahan daw ang isang ugat na konektado sa puso nito kaya kapag hindi daw agad ito naoperahan, baka ikamatay iyon ng kanyang Ama. Kakailanganin ang malaking halaga para masimulan ang operasyon pero wala talaga silang mapagkukunan, kaya isang paraan nalang ang kanyang naisip. "Kuya James, umuwi ka ngayon din sa Tabas kausapin mo si Apong Igok para isanla ang ating lupain. Kahit pa buong lupain ay maisanla sa kanya ang mahalaga ang mabuhay ni Tatay," sabi niya sa kanyang Kuya. "Mabuti pa nga Akisha, dito ka lang muna ikaw na ang bahala kay Tatay babalik din ako agad," wika nito. Ilang sandali ng makaalis ang kanyang Kuya James, muling inatake ang kanyang Ama kaya walang nagawa ang mga Doctor kundi agad itong operahan, mabuti nalang pumayag ang mga ito kahit walang downpayment. May pinirmahan lamang siya at matapos iyon isinagawa na ang operasyon. Halos tatlong oras na ngunit wala pa ring lumalabas na doctor man o nurse sa operating room. Sobra-sobra na ang kanyang pag-aalala para sa Ama pero ang kinapitan na lamang niya ay ang nasa Itaas, alam niyang hindi sila nito pababayaan. Maya-maya dumating ang kanyang Kuya, laglag balikat nito at tila problemado. "Kuya, bakit?"tanong niya. "Aki, may naikwento ba sayo si Tatay?" balik tanong nito, sabay upo at tila hapong-hapo. "Wala naman Kuya, bakit?Anong nangyari sa lakad mo?" kinakabahang tanong niya sa kapatid. "Wala na tayong lupa Aki," tiim bagang na wika nito. "Ano?! P-Paanong nangyari yon?!" gulat na tanong niya. "Nakausap ko ang walanghiyang Apo Igok na yon! Kinausap pala siya ni Tatay para maisaayos ang papel ng ating lupa, pero ang hayop na yon pinapirma niya si Itay ng kasulatan na nagsasabing ipinagbili ni Tatay ang lupa dito. May titulo na rin ang hayop na matanda ng ating lupa! Pano na tayo niyan bunso, pano na si Tatay?" maluha-luhang pahayag nito. Gulat na gulat siya sa nalaman, hindi niya akalaing magagawa iyon ni Apo Igok na matagal ng kaibigan ng kanyang Tatay. Kaya siguro ilang araw ng tila may dinaramdam ang kanyang Tatay dahil iyon sa lupa at marahil kaya ito inatake dahil sa kakaisip sa problema na sinasarili nito. Awang-awa siya sa ama na ngayon ay nasa loob pa rin ng operating room at agaw buhay pa rin. Maya-maya'y lumabas ang Doctor mula sa operating room. Agad silang tumayo ng kanyang Kuya at lumapit sa Doctor. "Doc, kumusta na po ang Tatay namin?" nag-aalalang tanong niya. "Ligtas na siya sa bingit ng kamatayan hija, kailangan nalang niyang magpagaling kaya lang matatagalan pa bago ninyo siya pwedeng ilabas ng hospital. Kailangang mamonitor pa rin ang kalagayan niya lalo pa at medyo may edad na ang inyong Ama," wika ng Doctora. Nakahinga naman siya ng maluwag sa tinuran ng Doctora ngunit iniisip naman niya ngayon ang pambayad sa hospital. Wala pa nga silang hawak para sa operasyon nito, at lalaki pa ng lalaki ang bill nila dahil hindi pa nila maaaring ilabas ang kanilang Tatay. Isa nalang ang nag-iisang taong maaari niyang lapitan, iyon ay ang kanyang pinsan na si Robert. Nagtatrabaho ito sa Hacienda Del Azul, baka matulungan siya nito. Ngunit balak niyang kausapin din ang matandang may kagagawan ng lahat, hindi siya makakapayag na basta na lamang nito makuha ang lupang halos naging buhay na ng kanyang Tatay. Hindi magkakaganito ang kanyang Tatay kung hindi dahil sa gahaman sa lupang si Apo Igok. Matapos maisaayos ang kanyang Tatay sa silid na pinagdalhan dito na may tatlong pasyente pa ang kasama nito doon. Nagpaalam siya sa kanyang Kuya James na uuwi muna, hindi pa nagigising ang kanilang Tatay pero minabuti na niyang umalis para makagawa agad ng paraan, ayaw niyang mamroblema pa ang kanyang Tatay pagising nito. Una niyang pinuntahan si Apo Igok. Printing nakaupo ito sa balkonahe ng bahay nitong bungalo na nasa gitna ng palayang pag-aari nito na balita niya ang kinamkam, nasa kabilang panig naman ang lupa ng kanyang Tatay. "Aba, bakit kaya naligaw ang magandang anak ni Rolly? Balita ko inatake daw ang iyong ama, tsk-tsk-tsk kawawa naman," wika nito na iiling-iling pa. Tiningnan naman niya ito ng masama. "Wala talaga kayong konsensya! Pati lupa ng Tatay ko, hindi mo pinalampas!" galit na wika niya dito. Ngumisi naman ito, na lalo naman niyang ikinagalit. Nakukuha pa talaga nitong ngumisi sa kabila ng ginawa nito sa kanyang Tatay. "Hija, wag mo akong sisihin sa kamalasan ninyo ng Tatay mong mangmang. Tsaka ano bang problema nyo, binayaran ko naman ang Tatay nyo ah." wika nito sabay tayo at lumapit sa kanya. "Binayaran?! Talagang sagad na sa buto ang kasamaan mong matanda ka! Kahit isang kusing wala kang ibinigay sa Tatay ko! Ibigay mo sa akin ang peke mong titulo bago pa kita isumbong sa kinauukulan!" galit niyang pagbabanta dito, gano na ba kasama ito, bakit nasasabi nitong nabayaran. Batid niyang hindi dahil walang balak ang kanyang Tatay na ibenta ang lupang nila. "Hija, baon sa utang ang iyong Tatay sa akin. Sa mga pataba pa lamang na inutang niya sa akin at maging kapag nagigipit kayo sa akin ang takbuhan niya. Kung susumahin natin lahat ng utang niya kulang pa ang lupa ninyong pambayad. Ngunit dahil kaibigan ko naman ang iyong Ama, hinayaan ko na iyong natira kaya kung ako sa'yo umuwi ka na at mag-isip ka kung papano mo mailalabas sa hospital ang Tatay mo," tila nakakaloko pang wika nito sa kanya sabay ngisi. "Hayop ka! Napakasama mong matanda ka!Kaya siguro wala kang pamilya dahil sa ugali mo, gamahan!" galit na galit na sigaw niya dito. "Mautak lang ako Hija, pero sige naaawa naman ako kahit konti sa Tatay mo dahil may pinagsamahan naman kami. Ako na ang sasagot sa lahat ng gastos niya sa hospital at ibabalik ko ang lupa niya, ngunit sa isang kondisyon," wika nito na ikinakunot ng noo niya. "Anong kondisyon?" kunot noong tanong niya. "Magpakasal ka sakin," seryosong pahayag ng matanda. Halos masuka naman siya sa tinuran nito. ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

His Obsession

read
88.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook