Halos isang linggo na rin si Akisha sa mansyon ng mga Del Azul pero halos wala siyang nagagawa. Konting linis sa kwarto ng kanyang Señorito, punas-punas at ayos ng mga gamit nito, tapos na agad na siya. Kapag naman maglalaba siya, napakabilis lang din niya matapos kasi may waching machine na automatic ang mga ito. Iyon bang isasalang lang after ilang minuto ei hahanguin mo ito na tuyo na at pwede mo ng tupiin o kaya ay plantsahin. Bagot na bagot na talaga siya, gusto naman niya lumabas nalang para dalawin ang kanyang Itay pero kabilin-bilinan naman ng kanyang Señorito, bawal siyang lumabas ng bahay hanggat hindi nito sinasabi. Bihira lang din siyang makipag-usap kay Brent dahil nagagalit ang kanyang Señorito sa tuwing nahuhuli siyang nakiipag-usap dito. Kahit makulit ito pilit talaga siy