Naupo na si Amiro sa harapang upuan at umupo na din si Akisha sa likod. "Oh, sasama ka Dude?" takang tanong ni Clyde. "Yeah, pwede naman minsan mag-unwind diba?" seryosong wika nito. Nakita niyang ngumisi si Clyde pero hindi nalang niya ito pinansin. Kanina kasi ng pumayag siya, balak talaga niyang hayaan ang mga ito pero naisip niya kung paano tingnan kanina ni Clyde si Aki. Aminin man niya sa hindi pero nag-aalala siya para sa kanyang alalay. Alam naman niyang hindi masamang tao si Clyde pero gusto pa rin niyang makasiguro. Basta hindi rin niya maipaliwanag, parang kusa siyang dinala ng kanyang mga paa. "Heyyy! Heyyy! Seryoso ba kayo?! Hindi nyo manlang ako isinama, nalaman ko pa kay Aling Meding na gagala pala kayo." malakas na kumakatok si Brent sa salamin ng kotse at sandamako