Agad naman silang tumigil ng kaniyang pinsan na si Robert, nakangiwi pa siya ng dahan-dahang humarap dito.
"Ahhm, sorry po Sir nadala lang ako ng sobrang kasiyahan bale nasanay lang po kasi kami ni Robert ng ganon," tarantang paumanhin niya dito. Pinagpapawisan na siya dahil hindi pa rin ito nagsasalita, nakakunot ang noo na tila inaarok kong totoo ang kaniyang sinasabi.
"Ai oo nga po Sir, alam nyo naman na may kalambutan akong kumilos diba? So ayon, medyo nahahawa sakin si couz pero sigurado po ako na parehas kaming barako, pasensya na po Sir," hinging paumanhin din ng kaniyang pinsan dito.
"Ah, sige. Pero next time, wag nyo na gagawin sa harap ko yan ha medyo masagwa kasing tingnan," nakangiwi at tila nandidiri na pahayag nito.
"Oo naman po Sir, promise po hindi na," wika niya.
"Siguro naman hindi ka bakla Aki ano?" pahabol na tanong naman ni Sir Clyde.
"Naku! Hindi po Sir!" malaki ang boses na sagot niya.
"Good, buti na iyong malinaw,"nakangiting wika nito.
Saglit na nagpaalam sa kanila ang kaniyang boss, pagbalik may dala-dala na itong maliit na paper bag. Iniabot iyon sa kanya at sinabing i-check niya.
Napanganga siya ng makita ang laman ng paper bag, pera iyon na tig-iisang libo. Kinuha niya iyon at binilang, seventy thousand pesos ang total, halos hindi siya makapaniwala na hawak na niya ang perang kailangan niya. Sa totoo lang ngayon palang siya nakahawak ng ganon kalaking pera at hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Naluha siya sa galak, at dahil sa sobrang kagalakan hindi na siya nakapag-isip pa. Bigla niyang niyakap ang kanyang boss, tsaka paulit-ulit na sinasabi ang katagang 'salamat'.
Nanigas naman si Amiro dahil sa ginawa ng kanyang alalay, first time may yumakap sa kanya ng ganito, isa pa totally stranger pa ito sa kanya kahit si Clyde hindi siya nito niyayakap ng ganon. Nakasubsob pa ang mukha nito sa kaniyang balikat lalo pa at may kaliitan itong lalaki pero imbis na masagwa siya. Kakaiba ang epekto ng yakap nito sa kanya. Maging ang natural na amoy nito na animo amoy ng isang babae, ang amoy ng buhok nitong maiksi nga ngunit halatang alagang-alaga dahil napakabango at makintab. Mukha mang bagong gupit ngunit bumagay naman dito ang gupit, yon nga lang nagmumukha itong binabae.
Napatikhim siya, tsaka pasimpleng lumayo sa lalaki. Hindi niya nagustuhan ang naging epekto sa kanya ng yakap nito, kakaiba, di talaga niya ma-explain.
"S-Sorry ulit Sir." malaki ang boses na hinging paumanhin nito sabay pinahid ang luha.
Bahagya na lamang siyang tumango.
"Seventy thousand yan, sixty thousand para sa six month na salary mo at yong ten thousand tulong ko na sayo iyon," pahayag niya.
"Ten thousand po ang monthly ko Sir? Napakalaki po niyon para sa isang alalay, sobrang salamat po talaga Sir," wika nito muling tumulo ang luha.
"Aki, pansin ko lang medyo iyakin ka kumpara sa ibang kalalakihan no?" wika naman ni Clyde tila nakakaloko ito sa pagkakangiti.
"P-pasensya na po Sir, medyo emotional lang po talaga ako ngayon dahil sa totoo lang po hindi ko po talaga akalain na may mabuting puso ang tutulong sa akin ngayon. Ang tatay ko po nasa ospital ngayon at ang lupain po namin ay kinamkam ng ganid sa lupang taga sa amin kaya hindi ko po talaga maiwasan ang hindi umiyak," naluluhang pahayag nito.
Medyo nakaramdam siya ng awa para dito, maswerte pa rin talaga siya na hindi niya dinaranas ang mga ganitong problema kaya naman kapag talaga may lumapit sa kanya lalo na isa sa mga tauhan nila hindi siya nagpapahindi, namana niya ang ugaling ito sa kanyang ama kaya naman kapalit ng kabutihan nila sa mga ito ay ang matapat at dobleng kasipagan ng mga ito sa trabaho.
"Opps, sorry hindi ko alam," wika nito itinaas pa ang dalawang kamay.
"Ikaw talaga dude puro ka kalokohan, sige na Robert ihatid mo na ang pinsan mo, alas sinko na din naman tsaka para magawa pa niya ang dapat niyang gawin dahil bukas ng umaga nais kong andito na siya sa bahay," pahayag niya.
"Opo Sir, salamat po," wika naman ng kaniyang assistant na si Robert.
"Maraming salamat po ulit Sir, aagahan ko nalang po bukas," wika naman ng pinsan nito.
"Sige na, bukas ka nalang din bumalik Robert mas mainam kung sabay na kayo ng pinsan mong magtungo dito," wika niyang muli.
"Salamat po Sir, aalis na po kami." magkasabay na paalam ng mga ito, magkasunod na rin itong lumabas ng bahay.
"Dude, akalain mo yon mabait ka pala! As in, ganon-ganon lang nagbitaw kana kaagad ng ganon kalaking pera? Pano kung di pala nagsasabi ng totoo ang lalaking yon, mamaya niyan kasabwat pa niya ang pinsan niyang iyon para may pera sila pantsiks," palatak ni Clyde.
"Sira, hindi ganon ang assistant ko noh. Ilang buwan ko na rin siyang kasama kaya kilala ko na siya. Tsaka nasa kanila na iyon kung lolokohin nila ako basta ako tumulong dahil sa nangangailangan sila, kung sakakarampot na halaga na iyon ay sisirain nila ang tiwala ko, nasa kanila na iyon sila ang nawalan, hindi ako," pahayag niya, umiral nanaman ang pagiging kuripot at pagkapraktikal ng kanyang bestfriend.
Kaya naman sa edad nitong twenty seven may sarili na itong negosyo na ito mismo ang nagtayo, walang tulong mula sa mga magulang nito dahil mahirap lamang ang mga ito, sipag at tiyaga lamang ang pinairal nito kaya naman nakapagpatayo na ito ng sampong branch sa ilang lugar sa Manila at maging bahay na pangarap nito sa magulang ay nauipatayo na nito. May sarili na rin itong bahay, yon nga lang sadyaang malikot ito sa mga babae kaya hindi pa ito nag-aasawa.
Matanda siya ng tatlong taon dito pero hindi iyon naging hadlang para hindi sila magkasundo. Nagkakilala sila sa isang bar, nag-away kasi sila noon ng ex niya at naisipan niyang magbar mag-isa, napaaway siya sa ilang lasing na guest, lima ang mga ito at nag-iisa lamang siya. Nacorner siya ng isa at anyong papaluin na ng bote ng alak ngunit biglang may sumipa dito mula sa likuran at iyon na nga si Clyde. Doon nagsimula ang malalim nilang pagkakaibigan, maging ang kwento nila ng kanyang ex ay alam nito at alam din nito ang hirap na pinagdaanan niya bago siya makamove on mula sa panloloko sa kanya ng kasintahan.
Pinagpalit siya ng kanyang pinakamamahal na kasintahan sa nag-iisa niyang bestfriend na si Arnel. Ito talaga ang bestfriend niya bago pa man dumating si Clyde, si Arnel ay kababata niya anak ng kaibigan ng kaniyang Papa. Sabay silang nag-aral noon sa Manila at sa condo pa niya ito tumira para hindi na ito magdorm. Hanggang sa makagraduate sila at magtrabaho ito sa isang kilalang kompanya sa Makati.
Siya naman matapos na makagraduate ng college, agad na isinabak ng kaniyang ama sa trabaho. Hindi bilang isang boss o ano pa mang mataas na tungkulin sa kompanya nila na nakabase sa Laguna. Nagsimula siya sa pinakamababa ang pagiging production operator. Tumagal siya ng anim na buwan hanggang sa mapromote siya bilang team leader, hindi niya maaaring ipaalam na anak siya ng may ari. Nais ng kaniyang ama na makilala ang kaniyang kakayahan at tumaas ang kanyang ranggo dahil sa kakayahan niya hindi dahil anak siya ng may-ari.
Makalipas lamang ang tatlong taon, nasa pinakatop na siya at iyon ay ang pagiging President ng kompanya, hindi makapaniwala ang karamihan sa mga nasa mataas na posisyon na siya pala ang anak ng Chairman. May mga time kasi na isa siya sa mga nabu-bully ng mga nakatataas, kadalasan nagiging utusan pa ng team leader, lahat naman iyon ay tiniis niya at dahil na rin sa magandang performance niya kaya naging sunod-sunod ang pagkakapromote niya at ang huli na nga ay mismong kanyang ama na ang nagpromote sa kanya. Nahihirapan na rin kasi itong magpabalik-balik sa Manila at sa probensya nila kaya tuluyan ng pinamahala sa kanya ang kanilang company.
Matapos ang limang taong pamamalagi niya sa company, nakilala niya si Ellaine ang nag-iisang babaeng bumihag ng husto sa kanyang puso. Isa itong production operator sa katabing factory ng kanilang company. Nakipagkilala siya dito at ginawa niya ang lahat para pumayag itong ligawan niya at dalawang buwan na matiyagang panunuyo, sinagot siya nito. Ngunit hindi siya nagpakilala na President ng company at hindi rin nito alam na mayaman ang pamilya nila.
Ngunit kahit ganon, tiniyak naman niyang maipadama dito na mahal na mahal niya ito, lalo na kapag mga special na araw nila dinadala niya talaga ito sa mamahaling restaurant at nireregaluhan ng mamahalin ngunit palagi lamang niyang sinasabi na pinag-ipunan lamang niya iyon dahil special na araw nila. Ilang beses na rin niya itong naisama sa condo niya ngunit sinabi din niya na si Arnel ang may ari ng condo niyon.
Maraming beses na rin na may namagitan sa kanila, sa katunayan sa loob ng tatlong taon nilang pagiging magkasintahan, kulang na lamang sa kanila ay kasal. Akala niya noon ay mahal na mahal siya ng babae, hanggang sa inaya na nga niya itong magpakasal at balak niyang sa hacienda sana ganapin ang kasal. Ngunit isang gabing umuwi siya sa condo, doon niya nahuli ang kahayupan ng dalawa.
Kapag pala hindi siya umuuwi sa condo, doon pala gumagawa ng milagro ang dalawa. Kadalasan kasi sa opisina lamang siya natutulog dahil na rin sa medyo may kalayuan ang Laguna at Pasay. Hindi rin niya ginagamit ang kotse niya, palaging ang kanyang lumang motor ang kanyang gamit mas komportable kasi siya sa ganon. Kaya hindi talaga makakahalata si Ellaine sa tunay niyang katayuan sa buhay.
Nang mahuli niya ito, ito pa ang galit at ikinumpara pa siya kay Arnel na kesyo may maganda daw na trabaho hindi daw niya katulad na hamak na production operator lamang. Manager nga naman ito sa isang sikat na kompanya at may kotse daw ito samantalang siya ay motor lamang na kakarag-karag pa, ngunit sa pagkakaalam niya ay ang kotseng ginagamit nito ay pag-aari ng kompanyang pinagtatrabahunan nito. Napansin niya na tila nahihiya sa kanya si Arnel, ngunit hindi na niya ito kinompronta pa. Hindi na rin niya ito pinagsalita pa, basta niya kinuha ang mga gamit nito at itinapon sa labas ng kanyang condo.
Galit na galit pa noon sa kanya si Ellaine, iniinsulto siya na ano daw karapatan niya sa condo na iyon ei nakikitira lamang naman siya doon. Doon naman dina nakatiis si Arnel at sinabi sa babae ang totoo, halos di ito makapaniwala lalo na ng malaman nitong siya ang Presidente ng katabi ng pinagtatrabahunan nitong company. Lalo na ng sabihin ni Arnel na pag-aari nila ang company at isa siyang anak ng haciendero.
Halos maglupasay ito sa kakaiyak, paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kanya ngunit hindi na niya ito matatanggap pa. Lalo pa at nakilala na niya ang tunay nitong pagkatao. Mukha pala itong pera at wala lamang dito ang tatlong taong pinagsamahan nila. Hindi na rin niya inalam kung gaano katagal na siya nitong niloloko, ilang buwan din siyang namalagi sa Manila ngunit hindi siya pinatatahimik ni Ellaine kaya mas lalo siyang nasuklam dito. At maging ang lahat ng kababaihan ay nadamay na, lalo na at ganon din ang ginawa ng kanyang Ina sa kanila ng kanyang ama. Iniwan dahil sa sarili nitong kaligayahan.
Matapos ang ilang buwan, nagpasya siyang umuwi na lamang ng hacienda at heto na nga siya kahit papano namumuhay na siya ng normal. Yon nga lang, talagang ayaw niyang may makakasalamuhang babae, lalo na iyong thirty pababa ang edad.
"Sabagay dude, basta next time wag naman ganon kadaling magtiwala ha. Hindi lahat ng taong mukhang anghel ei mapagkakatiwalaan. Mabuti na iyong iwasan din natin ang lubos na magtiwala sa kapwa, dika pa ba natuto?" wika nito, may point naman ito kaya lang medyo double meaning na yata iyong huling katagang binanggit nito. Batid niyang tungkol nanaman iyon sa sinapit niya, hanggat maaari ayaw niyang mabanggit ang tungkol doon.
"Opo Teacher, halika na nga tinatawag na tayo ni Aling Meling oras na daw ng dinner," nakangiting wika niya dito para mabaling ang atensyon nito sa ibang bagay.
"What?! Again? Grabe 6'oclock palang dude!" palatak nito.
Natatawang hinila na niya ito para hindi na ito maglitanya pa.
ITUTULOY
ANNOUNCEMENT!!!
Mga lalabas ko, stop po ulit tayo sa update ng kwentong ito ha, yong PERHAPS LOVE muna po, yong kwento nina Jayson at Leslie... Salamatttt at pasensya na..