Kabanata 4

1814 Words
Kunot noo namang nakatitig lamang si Amiro sa pinsan ng kaniyang assistant, para kasing pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Parang nakita na niya ito kung saan ngunit hindi lamang niya iyon matandaan. "Aba ei bakit naman yata parang nakakita ng multo itong pinsan mo Robert? Ei dinaig pa ang babae makareact ng masilayan ang mukha ni Amiro, aba wag mong sabihin na bakla ang pinsan mo," natatawang wika naman ni Clyde, napailing na lamang siya umiral nanaman kasi ang kalokohan nito. "N-Naku! Hindi po ako bakla Sir!" malaki ang boses na sabat naman ng may kaliitang pinsan ni Robert, napansin din niyang medyo namula ang mukha nito. Marahil nainis sa sinabi ng kaniyang kaibigan. "Oo nga naman po Sir Clyde, simula pagkabata po namin ay batid kong hindi binabae ang pinsan ko, talagang isa po siyang barako, katunayan nga po niyan parang nagpapalit lamang po iyan ng damit kung magpalit ng girlfriend at isa pa po may tatlo na rin po siyang naanakan!" wika ng kaniyang assistant. Medyo ikingulat niya ang huling katagang tinuran nito, aba ei matinik pala sa babae ang pinsan nito kaya marahil kailangan talaga nito ng pera hindi lang para matustusan ang ama nito marahil maging ang tatlo nitong anak. "Aba! Mukhang magkakasundo kami ng pinsan mo Robert ah, mukhang naungusan niya ako sa pagiging matinik sa tsiks ah," nakangising wika ng kaibigan niyang si Clyde. Si Akisha naman ay pinandilatan si Robert, sino ba naman matutuwa sa mga pinagsasabi nito, naku kung wala lamang ang kanilang mga boss sa harap nila kanina pa sana niya ito nabatukan. "Teka ano nga palang pangalan mo?" tanong ng kaibigan ng kaniyang magiging boss sa kaniya. Muli siyang tumikhim tsaka sinabi ang pangalan dito. "Aki?Akiro Delos Santos? Aba parang pang japanese ang name mo ah, mahilig ka ba sa manga?" muling tanong nito. Kunot noo naman siyang napatin gin dito, sa isip niya ano naman ang koneksyon ng pangalan niya na tunog Japanese sa manga. "Naku hindi po Sir, hindi po ako mahilig sa manga. Maasim po kasi, mas gusto ko pa po ang bayabas at langka doon," enosenteng sagot niya. Nang biglang humagalpak ng tawa ang tatlo, nagmukha tuloy siyang engot kasi naman hindi niya alam kung siya ba ang pinagtatawanan ng tatlo o ano? Napatitig siya sa kaniyang boss habang tumatawa, at hindi niya maiwasang hindi mahawa dito. Animo wala ng bukas kung tumawa pero nakakatuwa itong pagmasdan dahil lalo lamang itong nagiging pogi sa kaniyang paningin. Agad naman niyang sinuway ang sarili, at kelan pa siya natutong humanga sa itsura ng lalaki? Naku, mukhang nasapian siya ng masamang espiritu ah. Agad niyang inayos ang sarili, muli siyang nagseryoso at hinayaang tumawa ng tumawa ang tatlo. Kung pwede nga lamang sanang lapitan niya si Robert para mabatukan ei ginawa na niya. "Naku, nakakatawa naman pala itong pinsan mo Robert, sumakit tiyan ko don ah," natatawa pa ring pahayag ng kaibigan ng kaniyang future boss. "Naku pasensya na po kayo sa kaniya Sir, hindi po kasi iyan mahilig manood ng mga anime o kaya ay manga series kaya wala iyang alam sa mga ganon,"wika naman ni Robert. Muntik na niyang mabatukan ang sarili, ngayon lang niya napagtanto na hindi pala manga na prutas ang tinutukoy ng kaibigan ng magiging boss niya kundi iyong manga series. Kahit naman hindi siya mahilig sa ganon ei alam naman niya ang tungkol don, yon nga lang inabot yata siya ng kaengotan kasi di niya agad na-gets ang sinabi ng kaibigan ng kanyang future boss. "P-Pasensya na po Sir, hindi ko po agad na-gets ang sinabi nyo ei, dahil po siguro sa patong-patong na problemang kinakaharap ko ngayon," hinging paumanhin niya. "Naku, ayos lang iyon Aki hayaan mo mabait naman itong bestfriend ko ei siguradong bibigyan ka nito ng trabaho. Hindi ba tama ako dude?" nakangiti nanamang pahayag ng lalaki. Awtomatiko namang nabaling ang paningin niya sa kaniyang future boss, kanina maaliwalas ang mukha nito habang tumatawa ngunit ngayon muli itong nagseryoso. Tila nag-iisip kung dapat ba siyang tanggapin nito o hindi. "Hindi niya kaya ang trabaho sa maisan, maging sa tubuhan at maging sa iba pang trabaho dito sa hacienda. Kahit siguro tig kakalahating sako ng aning palay hindi niya mabuhat dahil maliit lamang ang pinsan mo. Baka nga mas mabigat pa sa kanya ang kalahating sako ng palay ei, pano ba iyan mukhang walang naaangkop na trabaho para sa kaniya," naiiling na pahayag nito. "N-Naku, sir pangako po kaya ko po ang lahat ng sinasabi ninyong trabaho. Kahit na po gawin ninyo po akong alalay, o kahit tiga hugas lamang ng plato dito sa inyong mansyon o kaya kahit hardeniro na lamang po Sir, pangako po aayusin ko ang trabaho ko kaya please po tulungan nyo po sana ako kahit para na lamang sa T-Tatay ko na may s-sakit," pagmamakaawa niya dito, gumaralgal pa ang kaniyang boses ng mabanggit niya ang kaniyang tatay. "Dude, mukhang nangangailangan talaga itong si Aki ng work ei, sige na pagbigyan mo na sya. Hayaan mong patunayan niya na kaya niya," wika naman ng kaibigan nito. Napabuntunghininga naman si Amiro, muling sinuyod ng tingin ang lalaking nasa kaniyang harapan. Kung wala lang talaga itong bigote mapagkakamalan itong babae. Lalo pa at maganda itong lalaki, napakakinis pa ng mukha at mamula-mula pa. Pero imposible namang babae ito lalo pa at batid ng kaniyang assistant na galit siya sa mga babae. Nag-isip siya ng maaaring trabaho nito, hindi naman niya maaaring tanggihan ito lalo pa at naging mabuti naman sa kaniya si Robert simula't-simula palang. Kaya bilang pasasalamat dito, tatanggapin niya ang pinsan nito. Pero dahil hindi rin naman daw ito nakapag-college kaya hindi rin ito pwede sa opisina. "Okey, tanggap kana, maaari ka ng magsimula bukas," seryoso pahayag niya. Napansin niya ang pagliwanag ng mukha ng pinsan ni Robert, namilog din ang mata nito at napatakip pa sa bibig nito ang kamay, napakunot noo tuloy siya animo babae itong kumilos. Ngunit agad itong tumuwid ng mapansing nakatingin siya dito. "Salamat po Sir, makakaasa po kayong pagbubutihin ko po ang trabaho," nakangiting pasasalamat nito sa malaking boses, medyo natatawa nga siya sa boses nito animo iniipit na iwan o sadyang pinapalaki nito. "Mabuti naman kung ganon, bukas na bukas din dalhin mo na ang iyong mga kagamitan dito sa mansyon," wika niya muli dito. "P-Po? Ibigsabihin po ba Sir, stay in ako dito?" medyo alanganing tanong nito. "Oo naman, bakit mukha yatang ayaw mo?" kunot noong wika niya. "Naku, hindi po Sir, gustong-gusto ko nga po ei, teka ano nga po palang magiging trabaho ko?" tanong nitong nakangiti pero halatang napipilitan lamang ang ngiting iyon, medyo nakaramdam tuloy siya ng inis. "Alalay, yan lang kasi ang maaari kong ibigay sayo ayoko namang sa sakahan ka ilagay o sa taniman mukha hindi mo kakayanin at mukhang wala ka talagang alam sa kahit anong trabaho ei, pero nasasayo kung ayaw mo, wala na akong magagawa pa doon," seryosong pahayag niya, pero ewan ba niya kunyari wala lamang siyang pakialam ngunit ang totoo kelangan niya talaga ito dahil mababawasan ang kaniyang mga gawain, simula ng mamuhi siya sa mga babae, wala na siyang pinapayagan pang humawak o gumalaw manlang ng mga gamit niya lalo pa at babae ang mga labandera nila sa mansyon. Kaya naman lahat ng paglalaba, paglilinis ng kaniyang kwartyo, maging ang pagsasa-ayos ng lahat ng pangangailangan niya ay personal niya iyong ginagawa kaya halos wala na siyang oras na magpahinga. Naging balisa ang lalaki, tila may sinisenyas ito sa pinsan nito kaya mas lalo siyang nainis. "Kung ayaw mo, maaari ka ng umalis ayokong sinasayang ang oras ko!" mariing pahayag niya. "N-Naku, payag po ako Sir! Payag na payag po akong maging alalay ninyo!" wika nito, habang nakangiwi. Sunod-sunod naman ang naging paglunok ni Akisha, hindi niya lubos maisip na magiging alalay siya ng lalaki. Sinabi lamang niya iyon kanina pero hindi naman niya akalaing tototohanin nito iyon. Papano naman niya kakayaning magpanggap bilang lalaki ng matagal na panahon lalo pa at araw at gabi pala niya makakasama ang kaniyang boss. Parang gusto tuloy niyang magback out na, parang hindi niya kayang pangatawanan ang pinasok niya. Ngunit kailangan niya ang trabahong ito, papano naman ang kaniyang Itay, ang bayarin sa hospital lalo na sa operasyon nito. Maging ang lupa nilang kinamkam ng walang kwentang si Apo Igok. Kaya wala siyang ibang choice kundi ang tanggapin ang trabaho bilang alalay ng kaniyang boss. "Ahh, bahala na si batman! Kayayanin ko ito para kay Tatay!" wika niya sa sarili. "Kung ganon naman pala ay maaari ka nang umuwi para makapag impaki kana," wika ng kanyang boss. Medyo naiilang siya na may taong nag-uutos sa kanya, pero natural lamang naman iyon lalo pa at alalay na siya nito, dapat na siyang masanay. Hindi rin niyang magawang tumingin ng deritso sa mukha ng kaniyang boss, ewan ba niya, naiilang talaga siya. "Aahm Sir, may nais po sana akong ipakiusap sayo. Ako na po ang makikiusap para sa pinsan ko," wika naman ni Robert. Alam niyang sasabihin na ni Robert ang tungkol sa pag-advance niya ng sahod sa kaniyang boss. Nakakahiya talaga lalo na at dipa nga siya nagsisimula manlang ei heto at ia-advance na niya ang sahod dito. HIndi pa nga niya alam kung magkano ang sahod niya para tuloy nais niyang pigilan ang pinsan sa pagsasabi sa kaniyang boss. "Ano ba iyon Robert?" seryosong tanong ng kanilang boss. Ang lalaki naman na kaibigan nito ay abala sa pagkalikot sa cellphone. "Sir, nais po sana ni Aki na mag-advance sa inyo ng sahod. Para po sa kaniyang Tatay na nakaratay ngayon sa hospital, naoperahan po kasi ito kanina lamang na umaga ngunit wala pa pong bayad iyon, kahit down ay wala pa kaya kailangang-kailangan po nila ng pera Sir, sana po ay mapagbigyan mo siya," pakiusap ng kaniyang pinsan. Kaya nahiling niya na sana lumubog na siya sa kaniyang kinatatayuan, o kaya lamunin na siya ng marmol na sahig ng mansyon ng kaniyang boss dahil sa matinding kahihiyang lumulukob sa kaniya. Pinagpapawisan din siya ng butil-butil lalo pa at hindi agad nakaimik ang kaniyang boss, maging ang kaibigan nito ay tila natigilan din at napatingin sa kaniya. "O-Okey lang po sir, kahit wag na po, p-pasensya na po," nahihiyang paumanhin niya dito. Tumingin naman sa kaniya ang pinsan, ngunit ang kaniyang boss ay nananatiling tahimik lamang. "Okey, ibibigay ko ang buong anim na buwang sweldo mo ngayon bilang tulong dadagdagan ko na rin ng sampung libo pero hindi iyon kasama sa babayaran mo tulong ko na iyon. Basta ipangako mo lang na aayusin mo ang trabaho mo at hindi mo ako tatakasan," nakangiti ng bahagyang pahayag ng kaniyang boss. "OMG! Totoo po ba Sir?! Waahh, salamat po!" bulalas niya, tsaka nilapitan niya ang kaniyang pinsan at hawak kamay silang tumalon-talon at may kasabay pang tili. Huli na ng marealized nila ang ikinilos nila. Kunot noong napatunganga sa kanila ang kanilang boss at kabigan nito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD