Kabanata 6

1813 Words
"Insan, pano na to? Papano kung mahuli ako? Dyosko hindi ko naman akalain na magiging stay in ako," halos sumakit ang ulo niya sa kakaisip kung ano ang kanyang gagawin. "Naku galingan mo na lang sa pagpapanggap Insan, kasi kapag nahuli ka siguradong hindi lamang ikaw ang matsutsugi pati rin ako, sabi ko na nga ba ei medyo masama ang kutob ko sa plano mo na ito,"medyo histirical na wika nito. "Bahala na si bataman Insan, basta gagawin ko na lang ang lahat para hindi ako mapansin. Kesa naman magpakasal sa matandang hukluban na si Apong Igok, magtitiis nalang ako sa mansyon, aayusin ko na lang ang pagpapanggap." sagot naman niya sabay tayo mula sa hagdanang kahoy na kinauupuan. Nasa labas kasi sila ng kanilang bahay dahil nagpapahinga lamang sila saglit. Nakiusap kasi siya sa kaniyang pinsan na magtungo sila ospital para maibigay na niya sa kanyang Kuya ang pera. Tsaka para makapagpagpaalam na rin siya dito. "Ikaw ang bahala, alam mo naman na ang tranaho ko lang din ang inaasahan ko diba kaya mangako ka sakin na galingan mo ha, wag na wag papahuli," muling wika nito. "Opo, promise! Lika na, medyo gumagabi na don nalang tayo maghapunan sa bayan kuha lang ako ng ilang pirasong damit para may magamit si Tatay." sabi niya dito tsaka pumasok na sa loob ng bahay, sumunod naman ito sa kanya. Matapos maihanda ang lahat nagpasya na silang magtungo sa ospital. "Dyosko! Saan ka kumuha ng ganito kalaking halaga at tsaka anong nangyari sa buhok mo! Bakit nagpagupit ka ng ganyan!" gulat na tanong ng kaniyang Kuya James. Sinabi naman niya dito ang tungkol sa trabaho at maging sa gagawin niyang pagpapanggap ngunit hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Kahit kasi ganon lamang ang kuya niya hindi ito kaylanman nanlamang o nanloko ng tao kaya sa nalaman na magpapanggap siyang lalaki para lamang makapasok ng trabaho at para na rin sa perang hawak niya, hindi nito iyon nagustuhan. "Kuya, saka na natin isipin iyang pride mo o anumang patakaran mo sa buhay. Alam mo naman na ginagawa ko lamang ito para sa ating Tatay, para mailigtas siya. Hayaan mo na lang ako Kuya, please," naluluha niyang wika dito. Alam naman niyang mali ang kaniyang ginawa ei, nanloloko siya ng tao para lamang sa pera pero mas mahalaga ang taong pinaglalaanan niya ng perang iyon. Hindi siya makakapayag na hayaan na lamang itong tuluyang mawala sa kanila na wala siyang ginagawang kahit anong hakbang. Ayaw niyang maranasan muli ang sakit ng mawalan ng isang minamahal sa buhay. "Ngayon nagagawa mo ng ako ay pagsalitaan ng ganyan, dahil ba hindi ako makatulong kay Tatay Akisha? Dahil ba wala akong magawa kundi ang tumunganga nalang dito? O sige, ikaw na itong magaling! Ako na iyong walang kwentang panganay!" punong-puno ng sama ng loob na pahayag nito. Napahilamos siya sa mukha gamit ang sariling kamay. Mali ang pagkaintindi ng kanyang kuya, maling-mali pero masyado talaga itong matampuhin at medyo hindi rin naman talaga maganda ang kanyang mga nasabi. Kaya dapat lamang na mag-sorry siya dito. Medyo nawala rin siya sa tamang hulog dahil na rin siguro sa pagod niya at labis na pag-aalala sa kanilang Tatay. "Sorry kuya, masyado lang siguro akong nadala ng emosyon ko kaya nakapagsalita ako ng ganon. Pero please kuya, magtiwala ka naman sana sa akin. Kapag maging maayos na si Tatay pangako, ipagtatapat ko rin sa boss ko ang lahat. Gagawin kjo ang lahat para mapatawad niya ako kaya please kuya wag ka ng mag-alala ha. Isipin mo na lang na para kay Tatay ang lahat ng ito, para mailigtas natin siya," naluluha niyang hinging paumanhin dito. "Patawad din bunso ko, ang totoo kasi nahihiya ako dahil ako itong panganay sa ating dalawa tapos ikaw pa itong nakagawa ng paraan para mabayaran natin ang hospital bill ni Tatay, patawad dahil napakahina ko talaga kahit kelan hindi talaga ako maaasahan," umiiyak na wika ng kanyang kuya. "Ano ka ba naman Kuya, hindi ka mahina ikaw nga tong palagi kong takbuhan kapag may problema ako ei kaya wag mo namang sabihin yan. Naiintindihan naman namin ang kalagayan mo, syempre mas kelangan ka ng sarili mong pamilya kaya wag ka ng mag-isip pa diyan. Basta kuya, dadalaw nalang ako dito paminsan-minsan kapag may pagkakataon ha, ikaw na muna ang bahala kay Tatay habang wala ako." mahabang pahayag niya, tsaka niyakap niya ng mahigpit ang kanyang Kuya. Matapos niyang maiabot ang pera sa kanyang Kuya, lumabas muna sila ni Robert para maghapunan ang kaniyang kuya naman ay kumain na daw kaya ng inaya nila, tumanggi ito. Matapos iyon, bumalik sila ni Robert sa ospital. Saglit na nagising ang kanilang Tatay kaya kahit papano ay nakausap niya ito, may mga nakakonekta pa duitong tubo kaya puro senyas lamang ang naging sagot nito sa kanya. Hirap na hirap ito ngunit pilit siya nitong kinakausap, gustong-gusto na niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang makita siya ng kaniyang Tatay na umiiyak, ayaw niyang makita nito na pinanghihinaan siya ng loob. Kaya ng hindi na niya kinaya pa, tumalikod siya bago pa tumulo ang kanyang luha at mabilisang pinahid ang luha. Mahal na mahal niya ito, at kung pwede lamang sana na malipat na lamang sa kanya ang lahat sakit na nararamdaman nito kinuha na sana niya ang lahat ng iyon. Hindi niya kayang tingnan ang paghihirap nito. Ilang sandali pa at nagpaalam na siya sa kaniyang Kuya at pati na sa kanyang Tatay, pangako niya sa mga ito na dadalawin niya ito kapag may pagkakataon. Kailangan na nilang umuwi ni Robert dahil maaga pa sila bukas sa trabaho, isa pa manghihiram pa siya ng ilang damit sa kapatid nitong si Omel. Kinabukasan. Isang polo shirt na kulay maroon ang kaniyang suot, nagshort lamang siya dahil sa bahay lang naman siya ng kanyang boss magtatrabaho. Hindi kasi siya sanay na nakapantalon, palagi nga lang siyang nakapalda o kaya ay nakaduster sa bahay nila, ayaw niya kasi talaga ang masisikip na kasuotan. Naabutan niyang nasa labas na ng mansyon ang kanyang boss, paalis na ito muntik na pala silang malate ni Robert. Nagmadali na ito kaya hindi nito nasabi sa kanya o kung ano ba ang talagang trabaho niya. Ang alam niyang trabaho ng alalay ay palaging kasama ng boss pero bakit siya iniwan nito. Inaya na kasi agad nito si Robert na sumakay sa bagong-bago nitong sasakyan. Hindi tuloy niya alam ang kanyang gagawin. Napakalawak ng mansyon ng mga Del Azul marami siyang mga taong nakikita sa mansyon ngunit puro tauhan lang din ang mga ito sa mansyon, hindi manlang nga niya makita si Don Enrile ang may ari ng mansyon. Maya-maya ay may lumapit sa kanyang matandang lalaki, may kaliitan lamang ito ngunit mahahalataa na magandang lalaki ito noong kabataan nito. May dala-dala itong grass cutter, kaya napagtanto niya itong isang hardeniro. "Bago ka lang dito ano?" nakangiting tanong nito. "Ay opo Tatang, ako po ang bagong alalay ni Sir Amiro. Kaya lang po nagmamadali po siya, hindi ko po alam kung ano talaga ang trabaho ko kasi hindi naman po niya klinaro kahapon, basta sabi lamang po niya alalay," sagot niya dito, di niya naiwasan ang bahagyang pagsimangot kasi naman parang iniwan lamang siya sa ere ng kanyang boss. Kahit mga gamit niya ni hindi pa niya naipasok, sabagay isang bag lang naman iyon. Tatlong T-s**t na panlalaki, tatlong short at isang pantalon na hiniram pa niya kay omel. Mas marami pa nga ang panty niyang dala ei, may tatlong supporter din para sa dibdib. Ayaw na niya sanang gumamit non pero mahirap na baka mabuking siya kaya kahit halos hindi siya makahinga kailangan niyang suotin yon. "Ay pasensyahan mo na iyon hija, busy lang talaga ang taong iyon. Hayaan mo, bago maghapunan uuwi na rin naman iyon," wika nito. "Naku, hindi po ako babae Tatang, lalaki po ako," pagtatama niya, nagulat siya ng tawagin siya nitong hija. "Naku, hija wag mo nga akong pinagloloko alam kong babae ka, aba ei sa tanda ko ba namang ito magkakamali pa ang mata ko, kaya lang mukhang nabulagan na si Amiro. Galit siya sa mga babae pero heto at tinanggap ka niya bilang alalay," wika nito habang nakangiti pa sa kanya. Pinagpawisan naman siya ng malamig, hindi niya akalain na mabubuking siya ng matandang hardeniro, patay na pano na siya ngayon, baka magsumbong ang matanda sa boss nila. "Naku, Tatang pwede po bang secret nalang natin na babae po ako, lagot po kasi ako kay Sir kapag nalaman niya ei, baka mawalan po ako ng trabaho. P-Pero hindi naman po ako masamang tao Tatang, napilitan lamang po akong magpanggap na lalaki dahil po nasa hospital ang Tatay ko ngayon, buti nga po pumayag si Sir na mag-advanced ako ng sahod kung hindi po, wala po talaga akong mapagkukuhaan ng pera para mabayaran ang operasyon ng aking Tatay. Pero nangangako naman po ako Tatang na ipagtatapat ko pa rin po ang totoo kay Sir pero hindi palang po siguro sa ngayon. Nais ko lamang pong mabayaran ang pagkakautang ko kay Sir bago ko po ipagtapat sa kanya ang lahat at tatanggapin ko po ang anumang parusang ipapataw niya sa akin, kaya please po Tatang secret po muna natin ito ha," pakiusap niya sa matanda. "Oo naman hija, walang problema sa akin yon. Alam ko namang mabait kang bata at tsaka masipag, siguradong magagampanan mo ang tungkulin mo bilang alalay ni Amiro at maaaring ikaw ang makagamot ng sugatan niyang puso kaya pumapayag na ako," nakangiti nitong wika. "Naku, salamat po Tatang promise po, ipagtatapat ko rin ang lahat kay Sir, pero ano po iyong tungkol sa sugatang puso?" naku-curious na tanong niya dito. "Ay naku, wala iyon hija. Sige na iayos mo na ang iyong mga gamit sa iyong silid. Pumunta ka sa may silangang bahagi ng mansyon sa pinakang dulo, may makikita ka doong malaking silid, iyon ang silid ni Amiro sa katapat non doon naman ang silid mo," wika nito. "Ay ganon po ba, pero bakit nyo po alam na doon ang silid ko?" nagtatakang tanong niya, pero baka naman close ito ng kanyang boss kaya alam nito. Sabagay, mabait naman talaga ang matanda. Kung iba siguro, baka isinumbong na kaagad siya nito. "Nabanggit kasi sa akin ni Amniro kahapon ang tungkol sayo at nabanggit niya na doon ang iyong silid," sagot nito. "Ah ganon po ba Tatang ay sige po, dalhin ko na po itong gamit ko doon pero babalik po ako para tumulong sa inyo. Wala pa naman po akong gagawin ei, tsaka naiinip din po ako kaagad kapag walang ginagawa kaya tutulungan ko nalang po kayo," nakangiting wika niya. "Ay siya sige, ikaw ang bahala," nakangiting sagot nito kaya naman nagpaalam na siya dito, kumaway pa siya. Malawak naman ang pagkakangiti ng matanda habang tinatanaw ang papalayong si Akisha, sa kanyang isipan. Mukhang matutupad na pangarap niyang magkaroon ng asawa ang nag-iisang anak niyang si Amiro. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD