"Nasugatan ka na pala kanina hindi mo pa sinabi sa akin, mas gusto mo pang kay Clyde sabihin," wika ni Amiro. Kanina, pinuntahan niya ito sa kabilang silid para sana sabihin ditong isasama niya ito sa anihan ng mangga mamayng hapon, itatanong niya sana kung marunong itong sumakay ng kabayo. Kaya lang wala ito sa kabilang silid kaya naman hinanap niya ito at natagpuan nga niya ito sa pasilyo. Kausap nito si Clyde, hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa pero kinainis niya ng hawakan ni Clyde ang braso ni Aki at tila sipatin iyon. Mabilis siyang lumapit sa mga ito at doon niya natuklasang nasaktan pala kanina si Aki ng bumagsak ito sa sahig, hindi lang niya napansin pero siko pala nito ang naidiin. Medyo nakaramdam siya ng konsensya pero nagpupuyos ang damdamin niya ng ayain