Tempted_ 2

1623 Words
MULA sa malungkot na pagmumuni-muni ay parang may binulong ang hangin sa akin. Bulong na noon pa man ay batid kong tama ngunit palagi pa ring nananaig sa akin ang pag-asam. Ilang ulit kong kinurap kurap ang aking mga mata bago ko marahang tinapik ang aking pisngi. Sunod-sunod na buntong hininga rin ang aking ginawa para tuluyang lumayas sa aking katauhan ang lungkot at dala nitong vibes na nagpapahina ng aking loob at personalidad. “Tama na ang emote. Think Honey. Think!” Usal ko sabay balik tanaw sa napag-usapan ni Dad at Ate Blenna. Kahit naman nakukubli ako ay malinaw ko silang nakikita. May isang kakaiba envelope akong nakitang hawak ni Dad na ipinapakita kay Ate Blenna. Nang balutin ako ng kuryosidad ay agad kong kinuha ang aking cellphone to check the cctv footage. Yes, we belong to the rich family category but our family doesn't have any enemies like others. Maaaring marami kaming karibal sa negosyo pero hindi sila maituturing na kaaway kaya hindi mahigpit ang seguridad sa aming tahanan kumpara sa company. Gano'n pa man si Dad at ako lang ang may access sa cctv footage. Si Dad bilang legal at ako naman bilang ilegal. Lahat yata nagawa kong aralin just to earn his attention, pero wala e. Ayaw ng ama ko sa akin. “Bingo, baby!” Ani ko ng makita kung ano ang envelop na hawak ni Dad. It was the legendary invitation from the mysterious cruise. Ang cruise na pinagnanasaan ng ibang mga kababaihan at kalalakihan na mapuntahan at masakyan. Ang cruise na kayang baguhin ang lahat sa isang iglap. Ang cruise na wala kahit isa ang makapag-larawan ng totoong itsura maging kung ano ba talaga ang nagaganap sa loob. “Shít!” Napamura ako ng mapatitig ako sa screen ng aking phone ng aksidente kong mai-zoom invitation. Masasabi kong kakaiba talaga ang imbitasyon. Halatang hindi basta-basta. What caught my attention the most, ay ang texture ng invitation. Alam ko ang mga gano’n. Wais at tuso ang mga taong bumuo ng cruise. Mahihirapang dayain o pikein ang imbitasyon. Lalo akong nahulog sa matinding pag-iisip ng may makita akong isa pang magiging problema. The invitation has a name engraved in gold color. Ang pangalan na nakalagay doon ay pangalan ng aking kapatid. Maraming mga tanong agad ang sumalakay sa aking isip. Kilala kaya nga nila si Ate Blenna? Kaya nga kayang ma-identify kung tama nga ba ang taong sasampa sa mahiwagang barko na iyon? Imbis na kabahan at parang mas tumaas ang excitement at curiosity ko. Ngayon palang tiyak ko ng nadagdagan na ang mga dahilan ko kung gawin ko man ang nabuong plano ko. “Matalino ka ‘diba Honeylette? Think and then make it happen.” Mahinang ani ko sa aking sarili habang panay ang kagat ko sa aking ibabang labi. Mula bata pa ako ay naging mannerism ko na ito. Mannerism na tila minana ko pa sa aking Ina. Mannerism na dahilan kung bakit mas lalo akong ayaw makita ng aking sariling ama. Maraming tao ang nagsasabi noon pa man na may similarities kami ni Ate. Some of those, ay nakikipagtalo pa dahil lamang na lamang daw ako sa ganda ng mukha, hubog ng katawan maging sa sukat ng tangkad. Unat ang aking buhok hahang wavy naman ang kanya. Dahil sa mga samut saring isipin at ilang sagot ng pagbabakasakali namalayan ko na lang na tumayo na ako sa aking kinasasalampakan. Nang tumayo na ako ay agad na rin akong lumakad pabalik sa aming tahanan. Nanatiling okupado ang aking isip ngunit namamalayan ko naman ang paligid. Eksaktong pagtapat ako sa gate ng aming tahanan ay natapos na rin ang mahabang diskusyon sa aking utak. Agad ko ng dinukot sa aking bag ang cellphone ko tsaka hinanap na rin agadang apps na makakatulong sa akin para i-set up ang cctv ng buong bahay according sa aking gusto para umayon sa aking plano. Nang matiyak ko na ayos na ang lahat ay kaswal akong pumasok sa aming bakuran. Tahimik na ang buong kabahayan mukhang walang planong mag bonding ang aking Ama at Ate. Tiyak rin ako na nasa mga silid na nila si Dad at Ate Blenna. Ganito sila magka-LQ na mag Ama. Kami yata ni Dad LQ for life. Siguro nga ay talagang naging mainit at mabigat ang naging diskusyon nilang mag Ama, dahil sa pag-singit ng aking Ate sa aking pangalan. “Hayst… Kasalanan ko na naman pala!” Nakangising ani ko. Hindi ako nalulungkot sa kanilang naging problema. Bahala sila basta may sarili akong plano at diskarte. Huli na ito at kapag wala pa ring nangyari ay hihinto na ako. Dahil sa alam ko naman na wala ng cctv ay sa mga kasambahay naman ako ng ingat. Mabuti na lang at kapag ganitong oras ay wala sila sa paligid lalo na sala o sa pasilyo na papunta sa opisina ni Dad. Naging habit na kasi ng aming mga kasambahay ang mag tsismisan sa dirty kitchen after ng lahat ng kanilang gawain para sa aming tatlo. Hindi naman ako mahirap pakisamahan unlike Ate Blenna na gusto perfect lahat. Walang kahirap hirap na nakarating ako sa opisina ni Dad. May code ang pinto pero madali lang iyon para sa akin. Birthday ko kasi iyon, o mas madaling sabihin at katanggap tanggap na death anniversary date iyon ni Mommy. Mahal na mahal ni Dad si Mommy kaya kahit ubod tagal ng wala ang aming Ina ay nanatiling single si Dad. Nang makapasok na ako sa loob ng opisina ay hindi na ako nagbukas ng ilaw. Baka kasi makakuha pa ng atensyon. Nakita ko naman kung saan nilagay ni Dad ang invitation. Dumiretso ako sa bookshelves na mga nakahanay. Sa likod ng shelves may isang lihim na taguan si Dad na mayroon pa ring secret code. It is supposed to be a secret, pero in-alam ko ang lahat. Nang mahawi na ang mga shelves ay agad bumungad sa akin ang silver door na mga numero at scanner. Agad na itinipa ko ang code, as I expected bumukas agad ang pintuan. Dahil invitation lang ang pakay ko ay agad ko na sanang isasara ang customize vault, ngunit may nakita akong isang larawan doon. Halos matigilan ako at mapaisip ng sobra. It was a picture of me, after makalabas ng hospital ng dapuan ako ng severe dengue. Gulong gulo ako bakit nasa vault iyon. Hindi ko rin matandaan na may kumuha ng larawan ng araw na uuwi na ako from hospital. Tanging mga kasambahay lang naman ang kasama ko dahil nasa Hong Kong noon si Dad at Ate Blenna. 7 years old ako yata ng time na iyon. Imbis na na alalahanin pa ang nakaraan ay agad ko ng isinara ang vault tsaka pinindot ang switch button para bumalik ang lahat sa dati. Maingat ako sa bawat kilos na aking ginagawa. Hindi ko in-under estimate ang aking ama kaya naman sa labas palang ng bahay ay nag-suot na ako ng gloves ng walang bakas ko ang maiwan sa mga bagay na aking hahawakan. Agad na akong umalis sa opisina ni Dad ng mailagay ko na sa aking bag ang ninakaw kong invitation. “This is just the beginning. Handa na tayo self. Na nakawin natin ang invitation ngayon at sa susunod na araw naman ay ang identity ni Ate Blenna.” Imbis na sa aking silid ako tumuloy ay muli akong lumabas ng aming bahay at bakuran. Sa isang hotel ko planong matulog ngayon. Doon ko sisipatin at aalamin ang laman ng invitation. ******************** HABANG swabe na ginagawa ni Honeylette ang kanyang plano, lihim na naman na may nanonood sa kanya. Hangang hanga na naman si Azael sa mga ginagawa ng babae. “Ang bilis mo baby. Sabagay masyadong mahina ang iyong Ama. Tamang lumayo ka na nga sa kanila.” Ani ng lalaki sa mahinang tono bago magbigay ng utos sa kanyang driver. “Cleo follows that car in front of us.” Sa isang simpleng hotel sa Makati tumuloy si Honeylette. Simpleng silid lang din ang kinuha ng babae. Pagpasok sa loob ng silid ay agad na upo si Honeylette para sipatin ang invitation. Abot langit naman agad ang ngiti ng babae ng makumpirna ang kanyang hinala. “Parang nagnanasa na rin yata ako na makilala ang pasimuno ng cruise na ito.” Ningning ang mga mata na ani ni Honeylette sabay bukas ng imbitasyon. Gimbal ang agad na bumalatay sa mukha ng babae ng makita ang detalye sa loob. “Too soon.” Wala sa sariling usal ni Honeylette. Ayon sa invitation 3 days from now ay kailangan ng makasampa ni Blenna sa cruise kung hindi ay mamiss niya ang chance to experience the legendary Tempted Cruise. Habang ang babae ay natutulala sa katabing silid naman ay ngiting tagumpay si Azael. Si Cleo naman ay tahimik na nag-oobserba sa kanyang amo. Nakikita ni Cleo si Honeylette bilang espesyal na babae dahil tanging ito lang ang pinag-aksayahan ng oras, effort at pagod ni Azael. “Make a call now Cleo. Tell and inform all of them that in 3 days ay sasampa na kami na ng aking pinaka-espesyal na guest.” Utos ni Azael bago pumasok sa loob ng banyo. Hindi na hinintay ng lalaki ang magiging tugon ni Cleo. Tiwala naman si Azael na magagaw ni Cleo ang kanyang utos. Ang silid ni Azael ay katabing katabi lang ng silid ni Honeylette. Masyadong territorial si Azael kaya naman lahat halos ng guest sa hotel na sa palapag na okupado nila ni Honeylette ay agad nitong pinaalis at binayaran. Doon palang alam na ni Cleo na mauuwi sa baliwan ang sinimulan ng kanyang Boss at mentor na su Azael. “Play now, insane later.” Bulong ni Cleo bago lumabas ng silid at sundin ang utos ni Azael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD