⚠️❌WARNING: THE TEMPTED CRUISE IS PURE FICTION CREATED BY THE AUTHOR. ONLY ADULTS 18 AND OLDER MAY READ THIS BOOK.‼️‼️ ❌
Kung handa ka, Tara't abutin natin ang hangganan ng aking imahinasyon...
📌BLURB:
Hanggang saan ang kayang gawin ng isang Honeylette Salazar para wakasan o tapusin na ang mahabang panahon ng pagiging anino sa kanyang Ate na si Blenna?
Tama nga ba ang gagawin ni Honeylette na pagnanakaw ng imbitasyon ni Blenna para siya ang sumampa sa barkong puno at nababalot ng iba't ibang tukso, ligaya sa lupa, kayaman at bentahan ng kamunduhan?
Paano nga kaya biglang babaguhin ng pag-akayat at paglalayag ni Honeylette sa Tempted Cruise ang pananaw niya tungkol sa pagmamahal at pag-samba sa sariling pamilya?
Sino nga kaya ang tunay na nakakalamang at uuwi na talunan sa larong sa pareho silang taya?
Honeylette Salazar is the youngest daughter of Anillo Salazar. The unforeseen daughter, since she was born. Anak na literal na sagana sa materyal na mga bagay, ngunit salat o iga naman sa kalinga at pagmamahal ng kanyang sariling ama.
Dahil sa matinding pag-asam ng atensyon at pagmamahal mula sa kanyang ama, susugal si Honeylette sa Tempted Cruise para ng sa gano'n ay makita ng kanyang ama na may kaya siyang mai-ambag sa kanilang pamilya. Gano'n na kadespirada ang anak na kahit minsan hindi na alagaan o nakaramdam ng pagmamahal at pagtanggap.
Honeylette aimed to get the man that was Blenna’s target. Azael Atreus Alberici ‘yan ang pangalan ng lalaking target niya na tanging sa pangalan lang niya lang talaga kilala.
Ngunit para kay Honeylette kahit ano pa man ang itsura ng lalaki ay hahanapin at babaliwin niya ito sa kanyang ganda at alindog ng sa gano'n ay maging mistula itong tuta na susunod sa kanyang mga nais.
Sa oras din kasi na mahulog na si Azael sa trapped na nilikha ng babae ay tiyak na maisasalba na ni Honeylette ang palubog na nilang kumpanya at iyon ay magiging daan para magkaroon ng halaga si Honeylette sa kanyang Ama. That was what she thought.
Ngunit hindi naman sukat akalain ni Honeylette na sa unang sampa palang niya sa barko ay bubungad na agad ang isang lalaki na siyang natural na aantig sa kanyang nakatago landi, kati sa katawan at libôg. Lalaking hindi man lang pinagdudahan ng babae. Lalaking paiikutin rin siya ng hindi niya alam.
Huli na ng mamalayan ng dalaga na maling mali ang kanyang sapantaha. Dahil imbis na mabaliw lang ang lalaki sa kanyang ganda at alindog ay unang nahumaling si Honeylette sa ligaya at sarap na hatid ng lalaking siyang tanging pakay niya sa barko.
May pag-asa nga kaya ang pag-ibig ng dalawa na nabuo sa maling paraan at panahon?
Nagbabago nga ba ang puso o tanging ang isip lang ang nagdidikta ng pagbabago?
Paano magiging tama ang nagsimula sa mali?
Mahahanap kaya nila ang tunay na halaga ng pagmamahal o mauuwi rin sila sa kwentong pinagtagpo pero hindi naman talaga tinadhana?