Tempted_3

1923 Words
AFTER two days of staying in a hotel, I decided to go out and make my final decision happen. Sa nakalipas na mga araw, wala akong natanggap na text, tawag, chat or video call from my family. Alam ko naman na wala lang ako kay Dad, pero kahit paano si Ate Blenna may pakialam pa naman siya sa akin. But now it seems na wala rin siyang pakialam. Gano’n siguro kapag natutong magmahal na o sabihin na lang nating nahulog na sa pang uuto ng isang lalaki. Wala man silang pakialam sa akin, alam ko naman o inaalam ko naman ang lahat ng tungkol sa kanila. Masyadong mahina si Ate Blenna dahil nakuha agad ng lalaking iyon ang kanyang tiwala at buong pagmamahal. That man is no good for her. That man will ruin my sister's future. Trinabaho ko naman ang lalaki at mukhang tagumpay naman ako ang kaso lang parang ito ang dahilan ng pagiging wala lalo sa wisyo ng aking kapatid. Ate Blenna is a type of woman, na sobrang fashionista. Sobrang magkaiba kami. Kapag nakita ako ng mga taong nakabihis they always mesmerized on my beauty. Ako kasi ang tipo ng tao at babae na hindi people pleaser. Oo na! Sa iba lang pero sa pamilya ko I do. Sa pananatili ko sa loob ng hotel room ng dalawang gabi mas tumibay at naging konkreto ang desisyon ko. This is not about them, it's also about myself. Ito na ang sukdulan ng lahat. Paglabas ko ng hotel tumuloy ako sa isang sikat na salon. Salon kung saan laging nagpapa-ayos ang aking Ate. I came prepared. Hindi ako basta basta susuong sa isang sitwasyon na magiging alangan ang estado ko. Maybe sa tempted cruise lang, but I’m still positive na magiging maganda ang bunga ng pagsampa ko sa barkong mahiwaga. Iba man ang identity ko sa nais nilang imbitahan titiyakin ko naman na magmamarka ako higit pa sa kanilang inaasahan. “Good day Ma’am! It's nice seeing you here.” Bungad ng may ari ng salon na isang transwoman. “Natatawa ako sa Liesha, parang hindi mo alam ang pakay ko.” Sagot ko naman sa kaharap. “Ito naman! I tried to be so formal but you ruined it. Come, doon tayo sa office ko. Nakahanda na ang lahat And for the record, I already inform my staff about everything they need to know. Pati cctv ay off na. Malinis ang lahat kaya imposibleng madamay kami a!” diretsong paliwanag ni Liesha. This is what I'm talking about. Kung mayaman kami in term of money, ako naman ay ginagamit ang aking to be more powerful more than them. Manipulator? No I'm not. Sadyang kaya ko lang paikutin at baliktarin ang posisyon ko sa isang sitwasyon na tiyak na pabor lagi sa akin. Pagpasok namin sa loob ng opisina ay nakahanda na nga lahat. Nakita ko rin ang personal hairdresser ng aking kapatid. “Team, let's start!” Ani ni Liesha, na agad naman nagpakilos sa kanyang mga tauhan. Sa ngayon isa-sakripisyo ko muna ang own identity ko para lang sa katuparan ang aking nais. Dumaan ang dalawang oras, halos tapos na ang pag-aayos sa akin. Hindi ko na rin makilala ang aking itsura dahil sa pagbabago ng aking buhok, pagbabawas ng kapal ng kilay at paglalagay ng eyelashes extensions. Ang hindi ko lang pinagawa ay ang pagpapalagay ng mahabang nail. I really don't like that thing. Kahit pa sabihin nilang hilig iyon ng mga ibang babae, ay iba naman ako. Ayoko talaga. “Last na. Nails or no nails?” hirit na tanong ni Liesha. Tinitigan ko naman ito at hindi sumagot. “Sabi ko nga.” ani muli ni Liesha sabay irap sa akin. “Satisfied ka naman ba sa gawi ng mga angels ko? Nagaya na nga natin ang style ng Ate mo Honeylette, pero I must say na mas maganda ka pa rin talaga sa kanya, dahil walang halong chemical ang ganda na meron ka. Alam mo bagay naman sa’y0 kahit ano ng style. Mabuti na lang at sa kulay ng balat hindi kayo nagkakalayo. Payong kaibigan lang Honey, maganda pa rin ang sariling identity. Mahalin o ayawan ka man ng iba ang mahalaga may sarili kang pagmamahal sa sarili mo. Hindi ka pa ba pagod sa halos dekada na paghabol.” Makahulugang tanong at sabi ni Liesha sa akin. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Tama siya dekada na rin pala. Pagod na nga ba ako? Siguro malapit na at pangako ko nga sa aking sarili na huli na ito. “I'm satisfied with the outcome, Liesha. Mahusay talaga kayo. Kaya naman avid fan n’y0 ang Ate ko. Paano ba mahalin ang sarili Liesha? Paano ‘yun gawin? Hindi ko kasi alam ang pakiramdam ng mahalin ng sariling pamilya. Doing this make me feel na may worth ako kahit paano. But don't worry this is the last attempt. Kapag failed ay tama na at tapos na ako sa mahabang panahon na paghabol sa pagmamahal na hindi ko naman alam kung an0 ba talaga ang value at saan talaga makukuha.” parang walang emosyon na ani ko sa aking college friend na si Liesha. Walang nakakaalam na close kami nito. Marami akong mga kakilala na hindi alam ng iba. Low-key lang ako na tao hindi tulad ng Ate ko. “Go girl!” ngiting ani ni Liesha. Nagkwentuhan pa kami pero ng mag notify na ang text message ng tao na aking inutusan para sa aking mga gamit na dadalhin, ay nagpaalam na ako kay Liesha. Hinatid pa ako ng aking kaibigan palabas ng salon. Doon ko na realize na close pala ang buong establishment. “Ingat and goodluck.” habol na ani ni Liesha na kinawayan ko naman. Sumakay ako sa isang grabcar na binook ni Liesha. Maraming mga ginawa para sa akin ang mga taong naging kaibigan ko. “Binondo tayo. Change destination. Ti-triplihin ko na lang ang bayad.” malamig na ani ko sa lalaki na biglang pumihit agad ang sasakyan. Sa Binondo Manila magsisimula ang lahat. Mula lugar na iyon ako na si Blenna Salazar. Almost 2 hours ang naging byahe namin and sa normal na pamasahe ay nasa 2k lang ang bayad. I gave him 10k tsaka ako bumaba ng kotse. Hinabol pa ako ng driver but I raised my hand to stop him. Sa isang simpleng noodle house ako pumasok nandon na ang taong kailangan kong makausap na siyang may dala ng lahat ng aking kailangan. Sa gitnang bahagi ito nakaupo. Casual lang na para bang mga walang value na gamit ang dala. “Tagal mo naman. Nandito na rin ang mga damit mo. Kumain muna tayo then let's talk. Handa na rin ang sasakyan na gagamitin mo. Sasakyan na katulad talaga ng sa Ate mo. Ang dali palang kopyahin ng mga things ng Ate mo. Wala ring pera ang Ate mo at pamilya n’y0. To be honest bangko mo na lang ang may laman. Sobrang daming laman.” Ungot na bungad ni Ellah sa akin. Ellah is not an ordinary girl. Maraming kakayahan ang babaeng ito. Mabuti na lang kahit may sariling issue sa buhay ay ginagawa niya pa rin na tulungan ako. Hindi ako umimik sa aking kaibigan dahil sa napapaisip ako kung paanong lubog na ang pamilya ko ng gano'n kabilis. Kumain kami at maraming napag-usapan. Marami ring naging paalala si Ellah na binalik ko rin naman sa kanya. Dahil sa na back to you ang babae ay tumawa na lang ito ng tumawa. Nang tumuntong na ang tamang oras ay lumabas na kami sa noodle house. Walang naging ibang parokyano dahil sa luma nga ito pero sobrang kalidad naman talaga ang pagkain at serbisyo. “Bumalik tayo dito kapag tapos na natin ang parehong mga misyon natin sa buhay. Masarap dito at parang biglang gusto kong maging owner.” untag ni Ellah naikinangiti ko naman. Mababaw man sa iba ngunit sa puso namin malalim ang ibig sabihin ng kanyang nais. Mahirap at mailap makuha ang payang buhay. “Hanggang dito lang kita mahahatid Honeylette. Basta tandaan mo, malakas ka. Na kaya mo nga lahat kaya makipagsabayan ka sa kanila. Wag na wag mong iisipin na tumalon sa dagat. Mag-pakangkang o eat ka na lang sa mga ulalam na afam sa barko, kaysa sa mga sugapang Mommy shark, Daddy shark at baby shark sa dagat.” Pabirong ani ni Ellah sa akin pero alam kong may bahid iyon ng katotohanan at pag-aalala. Tinawanan ko ang babae na malamlam na ang mga mata. “Uuwian kita ng afam na ka kang-kang sa’yo.” Pilyang ani ko sabay sakay sa violet na Chevrolet. Ang lakas maka-tita ng favorite color ng Ate ko. Binaba ko ang bintana at kumaway kay Ellah. Hindi nagtagal ay umuusad ang kotse. Pagsara palang ng bintana nagsimula na akong maghubad ng aking damit. Babae amg driver kaya hindi ako na ilang maghubad. Kailangan maging garapal ako para magawa ko ang nasa list ng aking plano. Binaybay ng kotse ang daan papuntang south. Sa Batangas port ako sasakay ng barko. Lahat halos ng ilegal na mga kontrabando malayang na itatawid sa port na iyon. Kaya siguro doon ang huling doong ng Tempted Cruise. Pagpasok namin sa port ay sa pinaka dulong bahagi huminto ang kotse. Wala akong nakitang cruise ship kaya naman napatingin ako sa driver. “Nasa gitna ng laot ang barko. Sasakay ka sa private boat. Don't worry walang record na makikita o maitatala sa pagsakay mo sa bangka.” Dahil sa aking narinig ay agad na akong bumaba. Sumalubong sa akin ang ilang kalalakihan na naka-unipormeng itim. “Blenna Salazar.” Ani ng isa kaya naman tumitig ako sa mga mata nito. Isa isa na ring dinala nila ang aking mga bagahe na dumaan na sa scanner na kanilang dala. 30 minute mula ng sumakay kami sa bangka ay narating namin ang paliwanag na barko. Barkong naghuhumiyaw sa iba’t ibang hiyaw ng kasiyahan. “Last pace na ang invitation scan. Once na maging peke ang invitation pagpepyestahan ka ng mga lalaking crew ng barko bago ka pakinabangan ng mga pating sa Mindoro.” Halos bulong na ani ng lalaking nag-approach sa akin kanina. Inuna pa rin na i-check ang mga gamit ko bago i-scan ang invitation. Kaba ang matinding nararamdaman ko sa mga oras na ito, ngunit ng tumango ang lalaki na siyang may hawak ng invitation ay nakahinga ako ng maluwag. “Welcome sa cruise na kayang i-offer ang langit at impyerno. Enjoy sa, tempted cruise Ms. Blenna Salazar.” Isang tango lang ang naging tugon ko sa bati ng lalaki. Pag-lampas ko sa lalaki ibang mga staff na ang may akay ng aking mga gamit. Ayon sa kanila ihahatid raw ako ng mga ito sa aking silid. Ngunit habang papasok kami may mga grupong humarang agad sa amin. “Fúck or stock?” Tanong ng lalaking halos ngumudngod na sa aking mukha. Get’s ko siya kaya naman walang babalang binayagan ko agad. Nataranta ang mga staff at akmang tatakas ng may lalaking dumating biglang angkinin ako bilang kanyang kasama na panauhin. “She's mine.” Ani ng lalaki na para bang sumpa o babala na agad nagpaalis sa mga lalaking bumungad sa akin para sindakin. Namalayan ko na lang na akay na ako nito at sa kanyang room ang aming tungo. Sa una ay ayaw ko pero kailangan ko ng kakampi sa ngayon. Magagamit ko siya para makita si Azael. “Feel at home sa ating, intimate room.” Ani ng lalaki, ngunit ang aking mga mata ay agad ng gumala sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD