“DAD! Please ayoko ng idea mo. Wag ganito Dad, hindi ako papayag at susunod sa’yo this time!”
Tila pagsusumamo sa una na ani ng aking nakatatandang kapatid na si Blenna, na nauwi sa kanyang matinding pagtanggi.
Yes! We're sisters in blood but the love, care and treatment that we received from our father was totally different.
Mahal na mahal at inaalagaan siya ni Daddy. While me; living independently. Ako ang lahat sa akin. I mean ako ang bahala sa lahat lalo na sa buhay ko. Ako ang Ina at ama ng aking sarili. I need to be on top always so that I won't disappoint him.
May pakialam ba si Dad sa mga tama at mali ko? May be wala, yet still I don't want him to notice me, sa mga pagkakamali at aking kakulangan. Gusto ko makita niya ako as a worthy daughter. Gusto kong maramdaman na bunso n’ya ako at hindi intruder sa buhay nila ni Ate Blenna.
“Blenna hear me out hija. Alam mo naman na noon pa man ay ikaw lang ang maasahan ko.Tayong dalawa lang ang magkasangga. Ikaw lang ang makapag-sasalba ng ating kabuhayan. I don't know what happened lately? Pero palubog na tayo anak. We need to do something.” Puno ng pang aamo na ani Daddy kay Ate.
Lagi siyang gano’n ka gentle when it comes to my older sister. Pero sa akin, ay ewan. Hindi nga yata ako anak. Sa totoo lang para akong hangin, mabuti pa ang mga kasambahay kinakausap n’ya samantalang ako hindi makausap o ni tingnan man lang.
“Dad naman e, parang sinabi mo na ring wasakin ko na lang ang buhay at puso ko. I've been a good daughter to you for so long. Ginawa ko lahat kahit all this year kamote lang naman ako pagdating sa achievements ni Honey—!”
“Stop saying that! Magaling ka higit kanino man. Mahusay ka at mabuting anak. Walang kahit sinong pwedeng makaangat o lamang sa’yo Blenna. Please. . . Daddy will give you a great reward after this chaos.”
Putol ni Dad sa aking Ate. Ako na nakikinig lang ay parang paulit-ulit ng pinapatay sa labis na sakit. Nadagdagan lang ang bigat na dala-dala ko sa aking dibdib. Wala lang nga talaga ako sa aking ama.
“Dad! Stop saying that. Honey is way better than me. Dad, anak mo rin siya. All this years, naging malamig ka sa kanya. Baka it's about time na kunin mo rin ang loob niya. Baka it's about time na siya muna. Wag na lang ako dahil baka pumalpak pa ako doon at mawala sa akin ang lalaking mahal ko.” Tugon naman ni Ate Blenna kay Dad. Mabuti naman at aminado ang isang ito na palpak talaga siya kapag sa akin itinapat.
Mabilis na nagrigudon ang aking dibdib dahil sa posibleng maging tugon ng aming Ama. May negatibo man sa sinabi ni Ate Blenna, dahil parang nais niya akong gamitin, mas na pagtuunan ko ng pansin ang magiging impact na makakabuti sa akin.
Gusto kong gumaling ang inner young Honeylette. Gusto kong alisin ang mga paghahangad na dapat hindi ko naman nararamdaman. Ngunit hindi ko alam kung paano, tanging ang pagkalaban lang sa aking kapatid ang nakikita kong paraan.
“Blenna, Hija don’t drag her into this problem. Alam mo naman ang lahat hindi. Mula noon hindi ko kayang tingnan si Honeylette dahil naalala ko lang ang iyong Ina. Ngayon pa ba? Na higit na naging kamukha siya nito.” Depensang ani naman ni Dad.
Buong buhay ko lahat pinagdamot nila sa akin. Kahit larawan ni Mommy hindi ko nakita. Nang mag kaisip na ako wala na ni isang larawan ni Mommy ang makikita o matatagpuan sa aming tahanan. Kung meron man ay baka si Dad at si Ate lang ang may access.
Imbis na makinig pa sa kanila ay umalis na ako sa aking pinagkukublian at nagtungo palabas ng bahay.
Sumalubong sa akin ang driver na laging naghahatid sa akin sa mga lakad ko.
“Ma’am Honey aalis po ba tayo ngayon? Ihahanda ko na po ang kotse.” Magalang na salubong na tanong sa akin ni Mang Ben.
“Hindi po. Magpahinga na lang po kayo. Ako na lang po ang aalis.” Tipid na ngiti ang nakapaskil sa aking mukha ng tugunin ko si Mang Ben.
“Gano’n po ba? Sige po mag ingat po kayo.”
Nang marinig ko ang sinabi ni Mang Ben ay lumakad na ako ng diretso palabas.
Mas gusto ko na laging mapag-isa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hindi ko kailangan ng driver. Paulit-ulit mas akong hindi piliin ni Dad gusto ko pa ring maranasan na alagaan at soyuin ng aking ama.
**********************
“Nagawa mo ba?” Tanong ko sa aking kanang kamay.
“Nagawa ko na po. Hirap na hirap na ang Salazar textile sa mga oras na ito. Wala ng gustong mag invest sa kanila and those major shareholder ay nag-pull out na Sir.” Magiliw na sagot ni Cleo sa akin.
Kakaibang gigil at excitement ang biglang bumalot sa aking katawan ng marinig ang sinabi ni Cleo.
“Anillo anong gagawin mo ngayon? Be wise or else wala akong ititira sa’yo.” Mahinang ani ko habang nagdiriwang ang aking mga kampon ng kademonyohan sa aking kaloob-looban.
“Dumating na rin po ang special invitation na pinagawa n’yo. Your co-shareholders are waiting for you and your guests. Iba ang excitement nila dahil for the first time may guest daw po kayong darating.”
Mukhang na over excitement na nararamdaman ni Cleo. Naging ubod siya ng daldal.
“Cleo you cross the line.” Malamig na ani ko sa lalaki.
“I'm sorry Sir—!”
“Ilang beses ko bang sinabi sa’yo na wag kang hihingi ng tawad, Cleo. Don't accept your mistake. Defend your thoughts in any cause whether it's clearly stupidity. Paano ka magiging tagapagmana ng pamilya mo kung ganyan ka kahina. Sa mundo natin kailangan ikaw ang tama at laging nasa taas.” Putol ko kay Cleo.
Clifford Leonardo Vergara is the only heir of their clan. Pinili niyang maglingkod sa akin matapos niyang makita kung gaano ako kalupit pagdating sa negosyo. We still have an underground connection ang variety of businesses, but soon enough I'll take down those businesses as per my father wants.
“Noted!” Tipid na sagot ni Cleo.
“Send that invitation—”
“I already did. And I think nakita na ito ni Anillo.”
“Great! Let's see what will happen next. For the meantime send me her location. Kailangan masilayan ko siya.”
Hindi pa nagtatagal ay na received ko na ang email from Cleo. It's a blueprint.
“I already deleted the details. From now on you can track her anytime.” segunda ni Cleo. Tumayo naman ako agad sa upuan at lumabas na ng aking opisina dito sa Pilipinas. Si Cleo naman ay kasunod ko na rin.
Ilang taon mula na gawin kong mag-kapit-bahay ang Europe at Pilipinas. Gano'n pa man hindi sumagi sa aking isip na silipin o hanapin ang tunay kong pamilya.
Pagbaba ko sa lobby ay may kotse ng nakaabang sa akin. Umuna si Cleo para pagbuksan ako ng pintuan. Nang makasakay na ako ay agad na rin itong sumakay.
Sa simpleng sulyapan ay nagkaintindihan kami ni Cleo.
“It's all yours!” Mahinang na ani ko, kasabay ng pagbilis ng patakbo ng driver.
Nang sumampa na sa fly over ang aming sasakyan ay nagsimula ng gumalaw si Cleo. Pinanood ko lang ang dalawang lalaki habang prente akong nakaupo. Medyo maluwag ang kalsada dahil patay na oras.
“2 minutes left.” Ani kong muli to remind Cleo, na baba na kami ng fly over at mas maraming mga sasakyan doon.
“Done.” Hingal na ani ni Cleo na mabilis pumalit sa driver. Ang driver naman ay wala na, malamang naitapon na rin ito. Hindi naman magiging problema iyon dahil may maglilinis ng kalat.
“It won't happen again.”
“That's way better than saying sorry Cleo.”
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang tahimik at tila abandonadong parke. Nasa loob man ako ng kotse natatanaw ko ang malungkot na babae.
“Soon I’m going to teach you how to be unbothered. Hindi sinsayang ang luha at oras sa mga unworthy human being Honey.” Bulong ko sabay mando kay Cleo na umusad na at lumipat ng pwesto.