MALAMIG ang buong kwarto ngunit dama ko ang paggapang ng aking pawis sa mukha papunta sa aking leeg. Init na init ang aking pakiramdam sa hindi ko maunawaan dahilan.
Hindi ko nga ba alam ang dahilan? O baka sadyang ayaw ko lang aminin na dahil ito sa smooth pero mapanuksong galaw ng lalaking nasa aking likuran.
Halos napasinghap ako ng hawakan niya ang aking dalawang balikat. Ang init ng kanyang mga palad, na parang nanunuot ng mabuti sa aking laman na siyang dahilan para lalong magkarambulya ang aking kaloob-looban.
“Kaya mo to! Kailangan mong kayanin at sumabay Honey! Kailangan mo ang lalaking ito, kaya sumabay ka lang. Siya ang magiging kasangga at koneksyon mo dito sa loob. Hindi naman din sayang ang puhunan mo sa lahat ng ito. Isa pa hindi ka na rin naman lugi sa itsura at kabuuan ng lalaki.” Hiyaw na ani ko sa aking utak bilang pag-kumbinsi na tama lang ang naging desisyon ko na sumama sa lalaking ito.
Lalaking hindi ko pa kilala o talastas ang pagkatao. Wala naman sa akin ang alamin kung sino pa siya dahil lahat ng mangyayari sa cruise na ito ay iiwan ko lang din dito tsaka magpapatuloy ng aking tunay na buhay, malayo sa pantasya na mayroon dito.
Ang importante at mahalaga lang sa ngayon ay may masandalan ako sa lugar na ito. Siya ang magiging pananggala ko sa iba’t ibang panganib at tukso na parating, hanggang tagumpay ko na makilala at mapaibig si Azael Alberici. Hindi ako magiging pakawala sa lugar na ito. Hindi ako katulad sa iba na sinusulit ang bawat palagpag ng barkong ito.
“Relax. . . Hindi kita sasaktan baby. Walang masasaktan basta na sa tabi kita palagi. And I guarantee you, na lahat ng magaganap sa pagitan natin dito sa loob ng silid at iba pang bahagi ng barko ay tiyak ko naman na kusa at kagustuhan mo talaga. I’ll send you to heaven baby. Heaven in earth but hell in pleasure.” Bulong ng lalaki sa aking tainga, dahilan para lalo akong makaramdam ng kaba, tensyon at mas matinding init.
Wala naman akong maitugon sa lalaki dahil ang katawan ko na ang naghahayag ng aking nararamdaman ngayon.
Nanginginig man ang buo kong katawan hindi naman maitatanggi na kinakain ako ng kuryosidad sa kanyang mga sinabi.
Maraming larawan ang nakikita ko na agad sa aking isip, at lalo lang akong nainitan ng ang impyerno ng pagnanasa at sarap naman ang paulit-ulit na dumaan sa aking utak.
“Gusto ko ang reaksyon ng katawan mo sa akin baby. But I won't force you to have that pleasure in your head right now. Magpahinga ka muna. May tuturuan lang ako ng leksyon sa labas. I promise after this; malaya ka ng makakagala sa buong barko na ito.” Mas senswal na ani ng lalaki sa akin.
Dahil sa kanyang sinabi para bang mas nakuha niya ang approval ng isip ko na tama ang lahat ng ito.
“Will both have late dinner when I come back.” dagdag na sabi pa ng lalaki, sabay bitaw sa aking balikat.
Nang bitawan ako ng lalaki muntik na akong bumagsak o bumulagta sa sahig. Lambot at nanghihina ang pakiramdam ko sa aking tuhod. Maige na lang at nasalo pa ako ng lalaki.
Ngunit ng na realize ko ang nangyari gumapang ang init sa aking mukha, dahilan upang makaramdam ako ng pangangapal ng balat sa parte na iyon.
“Take it easy baby. Alam mo ba talaga ang lugar na pinasok mo? Mukhang hindi e! Baka mas magulat ka kapag nag-explore na tayo sa bawat sulok ng barkong ito.” May himig paghamak at pag-kainis ang mababakas sa paraan ng pagkakasabi ng lalaki ng mga salitang iyon sa akin kaya naman natauhan ako.
“Hindi ba pwedeng nabigla lang. Pwede ka ng umalis at gawin ang dapat mong gawin.” walang emosyon na ani ko sa lalaki.
Iniharap ako ng lalaki sa kanya tsaka sinibat ng mapanuri at malalim na mga tingin. Sinabayan ko naman iyon. Hindi nagtagal ay ngumisi ang lalaki sa akin.
“Let's see, kung hanggang saan ang maabot mo at ng tapang na mayroon ka sa cruise na ito. I'll go ahead, baby. Let's play later when I return.”
Nang masabi na ng lalaki ang mga salitang iyon ay lumabas na ito. Nakita ko pa sa may pintuan ang ilang kalalakihan.
Isa lang ang pamilyar sa akin, iyon ay kasama ng lalaking nagsama sa akin sa kanyang high end room. Sa narinig ko mula sa ibang staff ay hindi basta basta ang lalaking ito. Iyon ang ginawa kong basehan para sumama sa kanya.
Naupo ako ng maayos sa kama. Kama na halos triple ang laki sa queen size bed na mayroon ako sa aking silid.
Kama palang sasampalin ka ng katotohanan na ang lahat ng nasa barkong ito ay hindi basta makikita o ma-e-experience sa normal na buhay sa lupa.
Nanatili ako na nakaupo sa kama. Isa isa kong binalikan ang mga naganap bago ako makarating sa tempted cruise na ito. Tiyak ko na sa mga oras na ito nagkakagulo na sa aming bahay. Susulak ng sobra ang dugo sa galit ng aking Ama dahil sa pagkawala ng invitation. Baka sa unang pagkakataon ay mag away ang Ate at Daddy.
“Malabo wag kang umasa!” sita ng aking utak sa aking unang naisip.
Kung sa bagay malabo nga na mangyari iyon. Maaaring isumpa ako ni Dad but not Ate Blenna. Napahiga ako sa kama ng mag sink in sa akin na tagumpay ako sa pagsakay sa barko.
“You made it again! Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin Honeylette?” Anas na ani ko sa aking repleksyon sa kisame. Salamin ang kisame ng silid.
Hindi ako tanga at makailang beses na akong nakakita ng ganito, maging sa mga kwento ng aking kaibigan na si Leisha, ay alam ko agad ang purpose ng mirror ceiling.
Minasadan ko ang aking mukha at any0. Style nga lang ni Ate ang nakuha ko pero akong ako pa rin talaga ito. Bukas na bukas ibabalik ko ang aking tunay na ayos, liban sa aking tuwid na buhok.
Tumagal ng kalahating oras ang lumipas pero wala pa ring lalaki ang bumabalik kaya naman bumangon na ako sa kama at nagsimulang kumuha ng aking damit para makaligo.
Pagpasok ko sa loob ng banyo na halos kasing laki rin ng isang bahay sa normal subdivision ay agad akong namangha at nahumaling.
Kakaiba ang disenyo ng banyo. Lamang ang salamin, na talagang nagpapakita ng detalyadong angulo ng katawan o kabuuan ng taong nasa harapan.
Isa isa kong inalis ang aking saplot, wala akong makapang hiya sa aking sarili. Siguro ay masyadong na hasa ang kumpyansa ko sa aking sarili sa mga nagdaang taon. Hindi ako perpekto pero alam ko naman na nasa tama ang bawat sukat ng parte ng aking katawan.
Nakita ko ang malaking Jacuzzi kaya naman nag-lublob na ako doon at hindi ko na namalayan ang oras.
SAMANTALA...
AZAEL
HINDI ko mapigilan ang mangiti habang palabas ng silid. Kakaiba ang dalang satisfaction ng babae sa akin. Ang hindi ko lang gusto ay ang naging unang pagkikita namin. Sino man ang makialam sa babae ay wawalisin ko papuntang dagat para bumiyahe sa impyerno.
“Nakikiusap ang ibang shareholder na palampasin mo na raw ang grupo ni Jefferson Delfier—”
“Wala akong palalampasin na kahit sino, basta sinaling ang pag-aari ko. Tell them, sampung double kong tatapatan ang kung ano mang pangako o offer ni Delfier sa kanila. I want that scumbag fight for his own life. Gusto kong makita na makipag-buno at makipag-habulan siya sa mga pating para lang mabuhay.” putol na ani ko kay Cleo. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay pinapakialaman ako sa aking mga plano.
“Delfier is from a clan that was powerful also in Russia, they thought na baka maging problema kung sasalingin mo s’ya—”
“Cleo! You know me. Delfier is just a thing like dirt in my toe. Hindi ako natatakot magdagdag ng kalabang kasing laki lang ng alikabok. Sabihin mo rin sa ibang shareholder, na mind their own business. Kailan pa sila natakot sa mga tulad ni Delfier? Hayaan lang kamo nila ako at hahayaan ko rin sila sa mga kabaliwan nila dito. Now let's see how that idiot will beg for his life. Ayoko na ng maraming usap Cleo.” muling putol ko sa sinasabi ni Cleo sa akin na dahilan.
Sarado na ang isip ko sa mga paliwanag nino man. I know Delfier, at sa totoo lang my father told me na sila ang i-sunod ko na alisin sa aming landas. The Delfier clan is a well known family in smuggling and woman trafficking. Isa ito sa mga nais alisin ng aking kinilalang ama.
Isa sa pinsan ni Dad ay kasosyo ng mga Delfier. I always came prepared. Hindi ako susuong sa isang lugar o sitwasyon na hindi in-aalam ang status ng lugar maging ang mga tao sa loob.
Tumahimik na si Cleo at hindi na nagsalita. Alam niya na seryoso talaga ako. Malamang din ay sinisulan n’ya ng ipaalam sa lahat ang aking mga sinabi at desisyon.
No one here will dare to stop me. Wala ni isa sa amin ang santo o malinis, isa lang ang sinisiguro ko. Lahat kami may iba't ibang demonyo sa loob.
Sa isang silid kami pumasok ni Cleo. Pagpasok palang namin ay panay mura na ang bumungad sa amin. It was Jefferson, mimumura ang mga tauhan ko habang nagbabanta sa mga ito.
“Idiot!” sigaw ko sa lalaki, dahilan para matameme ito sa akin.
“Delfier… Delfier. Hindi ikaw ang magsasabi ng pwedeng mangyari sa amin. Ako. Ako ang hahatol sa’yo. You dare to touch what's mine. Kaya naman pagbibigyan kitang mahawakan ang mga pating sa karagatan. Alam mo, ngayon na lang ako ulit nakasampa sa barkong ito, pero I think those shark, ay magiging super blessed. Paborito kasi nila ang makasalanan na nga, mukhang kantot na adik pa. Utak at panga na lang ang tumitigas pero ang t**i; ngalay na ang limang babae ayaw pang tumayo.” insultong pagpapamukha ko sa lalaki.
“Putang ina mo Alberici! Dahil lang sa hindot na babae, tatablahin mo ako. Humanda ka sa ganti ng pamilya ko!” galit na galit na sigaw ni Delfier sa akin. Natawa lang ako sa kanya. Masyadong luto ang utak sa cocaine.
“Pamilya? Well, hindi na mangyayari iyon dahil tiyak ko na nauna na silang bumiyahe sa impyerno.” tugon ko naman sa lalaki na parang binuhusan ng kumukulong mantika, pero kalaunan ay natauhan din.
“Ulol! Malakas kami, hindi mo basta mapapabagsak ang angkan namin. Mag ingat ka Alberici kapag nakatakas at na buhay ako, kakantutin ko ang babae mo sa lahat ng butas n’ya—p-putang I-ina mo!”
Utal na mura na lang ang narinig sa silid matapos bumagsak upuan na kinatatalian ng lalaki matapos ko itong suntukin sa bunganga.
Mamamatay na lang hagom na hagom pa rin sa hindot kahit matagal ng kuluntoy ang ari. Inabutan ako ni Cleo ng panyo at alcohol para sa naduguan ko na kamay.
“Cleo simulan na.” utos ko naman.
Maya-maya lang isa isang inalis ng mga tauhan ko ang saplot ni Delfier. Busang busa ang nguso ng lalaki habang puno ng dugo ang mukha.
Akmang lalabas na ang mga ito sa balcony ng pahintuin ko sila. Hindi pa ako satisfied sa dugong aking nakikita. Hindi ito agad maaamoy ng mga kaibigang pating kapag ganyan dugo lang.
“Wait for me at the balcony. Masyadong matipid ang pangkulay. Dagdagan pa natin.” ngising demonyo ako habang sinasabi iyon.
Pagdating sa balcony isang maliit na punyal ang inabot ni Cleo sa akin, na walang babala ko naman na tinarak sa dibdib ni Delfier.
“Enjoy the night with them Delfier, malay mo mag abot pa kayo ng pamilya mo sa bunganga ng impyerno.”
Matapos kong sabihin iyon ay inihulog na ng mga tauhan ko ang lalaki. Lumakad ako pabalik sa loob ng silid para lumabas pero bago iyon ay nagmando muna ako na linisin lahat.
“Babalik na ako sa silid, secure the area Cleo. Ayoko ng abala.” utos ko sa lalaki na agad namang nag vow sa akin.
Habang naglalakad ako papunta sa aking silid ay inilabas ko ang aking cellphone. Hinanap ko agad kung nasaan ang babae. Sa una ay nag-alangan ako pero ng makita ko na nasa banyo ito ay nagmamadali akong maglakad.
“Pagod ako pero kayo kong sumagad ng pagod para sa’yo Honey ko.” wala sa sariling ani ko. Iba talaga ang dating ng babae sa akin.