TUMULOY sila sa istasyon ng tren kung saan hindi gaano karami ang mga pasaherong sasakay. Malaya silang nakapaglakad na hindi kailangang umiwas na makabangga sa sobrang luwag. Naroon pa rin naman iyong ingay ng mga dumadaang tren na natatabunan ng boses ng nagsasalitang lalaki na nanggaling sa mga speaker na nakakalat sa paligid. Hindi na rin bago na nasa hawak na hatinig nakatingin ang mga pasahero. Sa paglalakad nila sa plataporma ng istasyon ay siya ring paghinto ng tren kung kaya nga hindi na nila kailangang maghintay. Sumagitsit ang pinto ng bagon na tumapat sa kanila pagkabukas nito kasabay ng iba pa. Pumanhik sila papasok na hindi pinagkakaabalahang pagtuunan ng pansin ang ibang mga sumakay. Sa puntong pumasok ang huling pasahero nagsara na rin ang pinto. Sa bagon na napasukan n