Inalis lang ni Arjo ang kanyang kamay sa busol sa puntong narinig niya ang ingay na papaakyat sa ikalawang palapag kung saan siya naroon. Sa pagkaluma ng gusaling iyon maririnig nang malinaw ang mabigat na mga yabag, umaalingawngaw sa kahabaan ng pasilyo. Hindi niya naman makita ang dalawang miyembro ng konseho habang bumubuntot ang matabang ginang. Hindi niya rin mahulaan kung anong mangyayari. "Hindi kayo maaring manghimasok dito!" sigaw ng matabang ginang. Hindi na makasabay ang nagtatabaang hita nito sa bilis na paghakbang ng dalawang lalaki. Huminto ang dalawa sa paglalakad. Kapagkuwan ay hinarap ng lalaking ginintuan ang buhok ang matabang ginang. Ang suot nitong unimpormeng puti ay napapalamutian din ng ginintuang borda sa dibdib sa hugis na koronang may limang tulis. "Tumigil