NAKAILANG LIKO pa siya sa daan sa pagitan ng mga gusali na nababalot ng mga basura, kasama ang estranghero habang buhat pa rin si Kenji sa kaniyang likod, bago pa man makalabas sa nangangalawang at sira ng tarangkahan ng lumang plantasyon. Kumalatong lang sa ilalim ng kanilang mga paa ng estranghero ang natumbang sara ng tarangkahan sa paghakbang nila rito para makaalis na sa kalawakan ng plantasyon. Wala na na rin naman siyang narinig na ingay mula sa kanilang pinanggalingan. Sa puntong nakatapak na sila sa kalye na hindi naiiba ang itsura, doon lang ulit bumalik sa kaniya ang nakakapasong kirot sa kaniyang kaliwang balikat dulot ng sugat. Liban pa rito'y nanunuyo na ang kaniyang lalamunan, wala na siyang malunok na laway man lang. Nahihirapan na rin siyang huminga sa paninikip ng dalu