HINDI NIYA inalis sa bakulaw ang kaniyang mga mata sa pagpanhik nito ng pintuan kasunod ng nakakatandang kapatid ng estranghero. Tumayo ito kapagkuwan kalapit lang mismo ng sumarang bakal na pinto. Nababalot ang pang-itaas na katawan nito ng kayumangging diyaket, natakpan niyon ang balikat nitong nagasgas ang bahaging artipisyal na balat. "Sinabi ko nga sa iyong suwerte ang araw na ito," komento ng bakulaw na hindi naalis ang ngisi sa labi. Nilingon ito ng nakakatandang kapatid ng estranghero. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo nasabi iyan. Paanong naging suwerte tayo?" ang pag-usisa naman nito. Tinaas ng bakulaw ang kamay nito't sabay turo sa kaniya ng daliri. "Dahil nga sa kaniya," simpleng sabi ng bakulaw kapagkuwan ay binaba ang kamay. Sa huling lumabas sa bibig ng bakulaw naiba