DALA ng nguso ng rpg ang kamatayan na kapag hindi maiiwasan doon sila hahantong habang nasa loob ng sasakyan. Wala iyong ibang pakay kundi ang isakatuparan ang nais ng nagpakawala niyon. Sa bilis ng paglipad niyon sa ere ay kabaliktaran ng t***k sa loob ng dibdib ni Arjo. Sapagkat mistulang namahinga ang kaniyang puso dulot ng paninigas ng kaniyang katawan sa pananatili niya sa hulihang upuan kasama ang kaibigan niyang si Kenji. Dapat nga'y kumilos siya upang makaligtas sila ng kaniyang kaibigan ngunit nawalan na siya ng pagkakataon upang magawa iyon, ni ang sumigaw nga ay hindi niya nagawa. Ang tanging naitanong na lamang niya sa kaniyang sarili ay kung mabubuhay pa nga ba sila nang mga sandaling iyon. Mabuti na lamang sa kung gaano kabilis ang sibad ng pasabog ay siya ring katulin ng pa