UMALINGAWNGAW sa tainga niya ang boses ng lalaking puno ng tatu ang leeg sa lakas niyon na resulta ng pinagpatong-patong na pagod. Ni hindi pa gumalaw ng ilang pulgada palayo sa kaniya ang nakatutok na mahabang baril kung kaya nga hindi niya maiwasang pagmasdan ang lalaki sa gilid ng kaniyang mga mata. Hindi niya rin makuhang ilingon ang kaniyang ulo patungo rito sa kadahilanang baka pati iyon ay maging dahilan upang papatukan siya. Naiwang nakabinbin sa hangin ang naging tanong ng lalaking may mga tatu ang leeg dahil sa paghahabol ni Jaco ng hininga. Wala rin naman siyang ideya kung ano ang dapat isasagot kaya nanatiling tikom ang kaniyang katulad nina Jeric at ng bakulaw. Maging ang paghugot niya ng hininga ay dinig na dinig kasabay ng pagtambol ng puso sa loob ng kaniyanh dibdib. Hind
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books