*CHAPTER 6* "Paano mo nga pala nalaman? Kasi hindi mo naman maipapa-abot ‘yung letter sa ‘kin kung hindi mo alam kung sino ako. Stalker ba kita?" diretsong tanong ko habang seryoso ang mukha ko at halos magkasalubong na ang mga kilay ko. Natawa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa tanong ko? Malay ko naman ‘di ba? Baka stalker ko nga siya. "Hindi ako stalker. May paraan lang ako para malaman ‘yung mga bagay na gusto kong malaman." "Ganon?! Bakit makapangyarihan ka bang tao? Marami ka bang connections? Anak ka ba ng politiko?" Diretso niya akong tiningnan sa mga mata. "No. I’m not, but all I can say is, hindi ako masamang tao." “Paano mo ‘ko mapapaniwala na totoo lahat ‘yang sinasabi mo? Wala naman akong masyadong alam tungkol sa ‘yo. Ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan mo. Par