*CHAPTER 7* Naglakad na ‘ko papasok ng dorm at pagbukas ko pa lang ng pintuan ng kwarto namin ni Abby, tinanong niya agad ako. "Saan ka galing?!" Na naka-cross pa ‘yung mga braso niya sa harapan niya. Para akong anak at siya ‘yung nanay ko kung makatanong kung saan ako galing. "Ha? Ah... Ano... Sa..." "Sa coffee shop?" "Ah… Oo sa coffee shop nga!" "At anong ginawa mo doon?!" "Ahh…" "Nag-coffee?" "Ahh… Oo malamang nag-coffee ako… Syempre ano pa bang gagawin sa coffee shop?” "Ikaw lang mag-isa?" "Ha? Oo..." Ayoko sabihin sa kanya na kasama ko si Cedrick. Aasarin niya kasi ako. "Sinungaling..." "Ha?!" Paano niya nalaman na nagsisinungaling ako? "Nakita kaya kita kanina. May kasama kang guy na naka-hoodie. Siya ba si mystery guy ha? Ha?" Nilapit ni Abby ‘yung mukha niya sa ‘kin at