Nag-aalalang mukha ni Sheila ang nabungaran ni Hanna. Nananakit ang ulo niya partikular ang likuran nito. Agad siyang bumangon sapo ang likurang bahagi ng kaniyang ulo. "Ate Sheila, bakit po kayo... narito?" Nakakunot ang noong inilibot ni Hanna ang paningin. Nasa kusina ba siya? "Ako nga ang dapat magtanong niyan. Anong ginagawa mo rito at nakita na lang kitang nakahandusay sa sahig? Dito ka ba natulog?" Inalalayan ni Sheila na makarating sa sala si Hanna para maiupo sana sa sofa. Kaso biglang nanlaki ang mga mata ni Hanna nang maalala ang nangyari. Hindi na niya itinuloy ang pag-upo at mabilis na binitawan ang kamay ni Sheila na nakaalalay sa kanya at agad na tinungo ang kusina. Natatarantang hinanap ng mga mata ang manika ni Anika. Subalit, wala siyang nakita. Napatungo siya nang ma