bc

GARAGE SALE (Tagalog)

book_age0+
1.7K
FOLLOW
5.3K
READ
others
dark
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Mahilig ka bang bumili sa mga garage sale?

1. Manika

May kakaiba sa manika ni Anika. Ano kaya?

2. Bag at Sapatos

Gagamitin pa kaya ni Mindy ang pulang bag at sapatos oras na malaman niya ang lihim nito?

3. Kama

Iniregalo lang sa kanilang mag-asawa, hatid pala ay sakuna.

Tatlong kuwentong ewan ko na lang kung susubukin mo pang bumili kapag may nakita ka...

© jhavril, 2019

chap-preview
Free preview
MANIKA 1
"Mommy, ayun 'yong manikang sinasabi ko sa'yo. 'Yung dala ni Anika? Ang ganda, 'di ba?" Kaso hindi man lang siya sinulyapan ng ina na abalang nagsusuot ng hikaw. Nakatunghay ang walong taong gulang na si Shammy kay Anika habang naglalaro sa labas ng kanilang gate, katapat ng kanilang bahay. Naiinggit siya dahil gustung-gusto niyang magkaroon ng ganoong klaseng laruan. Kaso lang, ayaw siyang ibili ng ina. "Shammy, halika na pumasok ka na sa loob, male-late na si mommy." Nasa driver's seat na pala ito. Isa pang sulyap sa dalang manika ni Anika at pumasok na siya sa kotse at tumabi sa ina. Nang madaanan pa nila si Anika, in-open ulit niya sa ina ang tungkol dito. "Mommy, sige na 'yon na lang ang pa-birthday mo sa akin. Kahit wala na po akong handa." Kahit malayo na ay nakatingin pa rin sa right side mirror si Shammy at inaabot ng tanaw si Anika at ang manikang hawak nito. Kaso hindi na naman siya pinansin ng ina. Hindi niya alam kung dahil ayaw lang siyang pansinin sa paulit-ulit niyang pangungulit dito o talagang dinededma siya ng ina. "Hello, oo malapit na ko. 5 minutes siguro... oo aabot ako sa meeting." At pinatay na nito ang bluetooth na nakakabit sa tenga. Pasulyap-sulyap ito sa anak at sa daan. Nanatili namang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse si Shammy. "Anak, 'wag ka nang magtampo. Ganito na lang, sa sahod ni mommy ibibili kita ng laruan na gusto mo. Kahit ano. 'Wag lang 'yon anak kasi sa ibang bansa pa nabibili iyon. Wala tayong pera para doon." Sa daan na nakatingin ang ina. At hindi na muling sinulyapan ang anak. Naawa rin naman siya rito. Matagal nang inuungot ng batang si Shammy sa ina ang nasabing manika at matagal na rin siya nitong sinasabihan na ibang laruan na lang ang ipabili niya. Sa totoo lang, mabait na bata si Shammy at naiintindihan niya ang ina. Wala na siyang ama at tanging ina lang ang nagtataguyod sa kaniya na solong anak. Ngayon nga, isinama siya ng ina dahil walang magbabantay sa kaniya sa bahay. Umuwi na ng probinsya ang pinsan ng ina, buti na lang at bakasyon ngayon. Hanggang tumigil ang sinasakyan nila sa tapat ng building na pinagtatrabahuhan ng ina ay hindi na siya umimik. Umibis ang ina at sumabay na rin siya. Matapos masiguradong naka-lock ang kotse ay sabay na pumasok sa building ang mag-ina. Accountant ang ina sa isang Engineering firm at sapat lang ang sinasahod nito sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Kaya paano mabibili ng kaniyang ina ang gusto niyang manika na ang halaga ay doble sa isang buwan nitong sahod? Buti na lang, sarili nila ang bahay na naipundar ng namayapa niyang ama kasama ng kotse. Kaya kuryente at tubig at ilang mga bayarin ang sakop ng kakarampot nitong sahod. Nang nakaupo na siya sa tabi ng ina, habang nagsimula na itong gumawa ng trabaho, ay naiisip niya pa rin ang manika. Kailan kaya siya magkakaroon no'n? *** "Nakatingin ka na naman sa manika ko? Puwede ba, magpabili ka na lang sa mommy mo para hindi ka naiinggit." Nakataas pa ang kilay ni Anika habang bitbit ang manika, isang linggo ng umaga sa park ng subdivision Napasulyap lang naman siya nang dumaan ito sa harap niya. Napakaganda naman kasi. "Malapit na rin akong magkaroon niyan." Naiinis kasi siya sa sobrang pang-aaway nito, kahit wala naman siyang ginagawa rito. Nakipagkaibigan nga siya rito, pero ayaw naman nito. Kaaway na agad ang turing nito sa kaniya. "Kahapon sinabi mo rin 'yan, pero nasaan naman? Ang sabi ni daddy, mayaman lang ang puwedeng bumili ng gaya ng manika ko." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swing. Sasagutin niya sana si Anika pero tinawag na siya ng ina. Napipilitang lumayo siya rito. Naririnig niya pa ang pagtawa nito sa likuran niya. "Shammy halika na, maggagabi na," nakangiting yaya ng kaniyang mommy. Hindi siya sumagot bagkus ay nauna nang maglakad pauwi ng bahay nila. Naaawa namang pinagmasdan ni Sheila ang anak. Alam niya ang kalungkutang nasasaloob nito. Napasulyap pa siya kay Anika na ngayon ay naglalaro na sa swing na iniwanan ng anak at hawak ang manikang gustung-gusto ng anak. Gustuhin man niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan nito, lalo na ang mga bagay na magpapasaya rito ay hindi puwede. Sobrang naghihigpit siya sa pera ngayon. Pagdating sa bahay, agad na tumakbo sa kuwarto ang anak. Napabuntong-hininga na lang si Sheila. Naisip niya, mawawala rin naman ang tampo sa kaniya ng anak. jhavril---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand

read
172.9K
bc

Love of lucifer

read
253.0K
bc

New Blood (completed book 1 of the Blood Moon Saga)

read
17.4K
bc

The Thunder Wolves MC - Clara (Book #3)

read
57.4K
bc

Revenge 2: Charlie's revenge

read
144.7K
bc

Rejected

read
4.2M
bc

Unfolding Ethan (18+) COMPLETED (The Unfolding Duet #1)

read
1.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook