"Ate Sheila! Buti naman po at nakauwi na kayo," nagulat na saad ni Hanna nang mapagbuksan ang pinsan. Hindi naman kumibo si Sheila. Napakunot-noo naman ang dalagita nang matapos iabot sa kaniya ang bagahe ay hindi man lang ito nagsalita. Dire-diretsong pumasok ito sa loob ng kabahayan. Nagkibit-balikat na lang si Hanna at baka pagod lang ang pinsan. "Almusal, ate?" Hindi man lang lumingon si Sheila sa tanong ni Hanna. Diretsong umakyat ito sa taas. Nakasunod naman si Hanna dala ang bagahe nito at hindi na rin nagsalita pa. Baka magalit pa ito sa pangungulit niya. Mabilis na binuksan ni Sheila ang pinto ng kuwarto at agad na humilata sa kama, nakatingin sa kisame. Ipinasok naman ni Hanna ang bagahe at idineretso sa may kabinet. Ilalabas na sana niya ang mga laman ng bag ng sa wakas ay mag