Mabilis na kinapa ni Hanna ang switch na nasa kaliwa at tumambad sa kaniya ang mahimbing na natutulog na si Shammy. Walang tao sa lugar kung saan niya nakita ang taong nakatayo. Kahit natatakot, dahan-dahang pumasok si Hanna sa loob para siguruhing baka namamalik-mata lang siya kanina. Tumigil siya ilang dipa sa kama ni Shammy. Tahimik ang kuwarto. Inilibot niya paningin sa paligid, walang indikasyong may nakapasok sa loob. Napalingon siya sa bintana. Bukas na naman? Pumapagaspas ang malakas na hangin sa kurtina. Tinungo niya ito at isasara na sana pero napasulyap siya sa katapat na bintana. Ang bintana ng kuwarto ni Anika at doon, kitang-kita niya, nakabukas ang ilaw sa nasabing kuwarto. Nanlaki ang mga mata niya nang dumungaw si.. Anika? Mabilis na napaatras si Hanna dahil sa takot. N