MANIKA 3

706 Words
"Anak, aalis lang si mommy, ha? May out of town kasi kami sa office, kailangan sumama si mommy. Don't worry kasi bukod kay ate Hanna, kasama mo rito si Kuya Gerald at Tita Sol," nakangiting paalam ni Sheila sa anak. May tatlong araw kasi silang out of town sa Batangas. Nanay ni Hanna si Sol na bunsong kapatid nang namayapang ina. Si Gerald naman ay bunso nito na kapatid ni Hanna, kaedad din nito kaya may makakalaro ang anak. Hindi naman niya maasahan ang asawa nitong si Mang Ernesto dahil sa mga bisyo nito. Kaya ang mag-iina na lang ang napakiusapan niya. Panatag naman ang loob niya dahil mahigpit ang security ng subdivision at nagkalat ang CCTV kahit saan. Naka-double lock din ang bintana at bawat pinto ng bahay. Aaraw-arawin na lang niya ang pagtawag sa mga ito. "Mommy, malayo po ba ang pupuntahan mo? Sama na lang po ako." Kasalukuyan nang nakahiga si Shammy sa kama ng magpaalam siya. Madaling-araw kasi ang alis niya bukas kaya nagpaalam na siya ngayon. Magkahiwalay sila ng kuwarto pero may pinto na konektado sa mga kwarto nila in case of emergency. Nakangiting hinaplos niya ang buhok ng anak. "Pasensiya na, ha? Pero, kasi baby malayo 'yong pupuntahan ni mommy kaya hindi kita maisasama. Pero huwag kang mag alala, pag-uwi ni mommy may pasalubong akong tiyak na matutuwa ka. Gusto mo ba 'yon?" Umaliwalas ang mukha ni Shammy. "Yung gusto ko pong doll? Sige po mommy, magbe-behave ako. Thank you po." At bumangon pa ang anak para gawaran siya ng yakap at halik. Hindi na niya naitama ang sapantaha nito na manikang gustung-gusto nito ang pasalubong niya kahit hindi naman talaga iyon. Napabuntong-hininga na lang siya. Ayaw niyang masira ang kasiyahang nababakas sa mukha nito ngayon. Siguro naman mawawala rin sa isip nito ang manika kung makakapagpasalubong siya ng kahit na anong laruang magugustuhan din naman nito. Maghahanap na lang siya, bahala na. "Sige na po mommy, rest ka na goodnight po." At nakangiting pumikit na ito. Kinumutan naman niya ang anak at ginawaran ng halik sa noo bago lumabas ng kuwarto. Hindi niya pinapapatay ang ilaw, takot sa dilim si Shammy. Dumiretso siya sa kuwarto ni Hanna, bukas pa ng umaga darating ang nanay at kapatid nito. Katabi lang ng kuwarto ni Shammy. Magbibilin lang siya ng ilang dapat gawin dahil baka tulog pa ito bukas. *** "Hoy, anong tinitingnan mo diyan?" Nakitanaw na rin si Hanna sa tinitingnan ni Shammy. Nasa gate ito at tinatanaw ang katapat na bahay, ang bahay nila Anika. "Wala po, Ate Hanna. Ang dami po kasing tao diyan kanina, tapos parang nagkakagulo sila. Pero ngayon mga nawala na." Nakakunot-noo namang tiningnan ulit ni Hanna ang katapat na bahay. "Baka naman dumating na 'yong daddy ni Anika na seaman. Kaya nagkakagulo sila." Naikuwento na kasi ni Ate Sheila niya ang pamilyang nasa tapat. Mababa lang ang gate ng mga bahay sa subdivision nila kaya tanaw mo ang bahay at tahimik nga ito ngayon. Parang walang tao e, karaniwan kapag ganitong araw, maririnig mo ang mommy ni Anika na nag-uutos sa mga katulong. Napakalakas pa naman ng boses nito. Dito ata nagmana ng kasamaan ng ugali si Anika dahil hindi ito namamansin. "E, dapat nasa labas na si Anika dala 'yong mga laruan niyang bago, 'asaan kaya siya?" Tumitingkayad pa si Shammy sa pagtanaw sa kabilang gate. Pero nanatiling tahimik ang loob. "Oo nga, ano? Malamang kasi iinggitin ka na noon." Mayamaya, may lumabas na katulong sa bahay, dumiretso ito sa gate at inilagay sa basurahan ang dala nitong basura. Papasok na sana ulit ito sa loob nang tawagin ni Shammy. "Good morning po Ate Bel, 'asaan po si Anika?" Ang totoo gusto lang makita ng batang si Shammy ang manika nito at para ipaalam din dito na malapit na siyang magkaroon ng katulad niyon, tatlong araw pagdating ng kanyang ina. At totoo na ito ngayon. "Naku Shammy, hindi mo pa pala alam." Lumapit ito sa puwesto nina Hanna at Shammy. Kapansin-pansin din ang pamumula ng mata nito na parang umiyak. Namumugto rin kasi ang mga iyon. "Ang alin po?" Sabad ni Hanna. Lumingon pa si Ate Bel sa loob ng bahay bago isiniwalat ang balita. "Patay na si Anika. Kanina lang. Na hit-and-run." jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD