"O, ikaw nang bahala rito sa bahay, ha? Alam mong ikaw ang bestfriend ko at ulila ka na rin kaya puwedeng-puwede ka rito." Nasisiyahang niyakap ni Mindy si Rachelle. Ang suwerte nga naman niya. Sa kaniya ibinigay ang bahay! Hindi man ito kasing-laki ng mga bahay na nakapaligid dito, still, may bahay siya sa loob ng subdivision! Hindi na siya makikitulog kung kani-kanino, para lang makipagplastikan sa mga mayayaman niyang kaibigan. Alam naman niyang nauuto niya ang mga ito, pero ginagawa naman siyang utusan at alalay. Pero ngayon, sariling bahay! Kahit hindi pa sa kaniya nakapangalan ito, madali na iyon. Lalo pa kung hindi na babalik si Rachelle. Buti na lang pala talaga, dinikitan niya ang utu-utong si Rachelle. Napakasuwerte niya! "Oo naman, maraming salamat talaga." Binuhat ni Mind