"Buti na lang at mababa lang ang kinabagsakan ng inyong anak misis. Sa braso lang ang bali at gasgas, mga pasa lang ang kaniyang natamo. Sa susunod po, pakibantayan maigi ang bata, ha? Okay na siya, mga makalawa puwede n'yo na siyang ilabas." Nanlalatang tumango si Sheila sa sinabi ng doktor. Hindi niya sukat akalain na magagawa iyon ng anak. Malungkot na pinagmasdan niya ito habang nakahiga sa hospital bed. Naka-cast ang kaliwang braso nito na siyang tumama sa pagbagsak mula sa second floor. Napalingon siya sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Hanna. Malungkot din itong lumapit sa natutulog na si Shammy. "Ano bang nangyayari, Hanna? Bakit ginawa ito ni Shammy?" Mahinang sambit ni Sheila habang awang-awa sa kalagayan ng anak. Puro gasgas at pasa rin ang mukha nito. Buti na lang at h