4:

2657 Words
MAY sariling opisina rin pala si Grey Henson sa building na iyon na pag-aari ng pamilya nito. Akala kasi ni Yanie ay wala. Paano ay noong nakaraan sa office sila ng lolo nito nagkausap. Kung tutuusin ay simple lang naman ang trabaho niya sa lalaki, sasamahan niya lang ito sa araw-araw upang mabantayan at aalamin lamang niya kung sino ang nagpadala rito ng death threat. "O, bakit ang tahimik mo na naman?" untag sa kaniya ni Grey nang makapasok na sila sa office nito. "Again, wala naman akong sasabihin sa 'yo." "Yanie, mapapanisan ka ng laway kung maghapon mo lang akong babantayan." Naupo ang lady bodyguard sa sofa na naroon din sa kalapit sa mesa ng kaniyang boss. "Iyon ang trabaho ko." She shrugged. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng opis nito. "'Ganda ng office ko 'no?" Tinaasan niya ng isang kilay ang lalaki. "Magarbo nga ito para sa katulad mo," komento niya pagdaka. "Wow, ang meaningful ng komento mo ah, salamat," Grey said sarcastically. "Meaningful talaga 'yon. Wala ka naman kasing posisyon dito." Naggalawan ang mga panga ng lalaki. Hindi iyon nakaligtas sa paningin niya. Lihim siyang napangiti dahil doon. Hindi naman niya sinasadya iyon. Hindi rin siya basta nang-iinis lang. Pagkilala sa kaniyang boss ang ginagawa niya. Soon ay malalaman din naman nito ang halaga niyon sa kaniyang trabaho. "Kung may kailangan ako sa mga pinsan ko, puwede bang 'wag mo na akong sundan? Hindi naman ako mapapaano sa loob ng gusaling ito," ani Grey sa kaniya, nilihis na ang topic nila. "Hindi p'wede. Kung gagawin ko 'yan ay mawawalan ng saysay ang trabaho ko sa 'yo." Awtomatikong nalukot ang mukha ni Grey sa hindi papatinag niyang bodyguard. Plano pa naman niyang patulan na ang panghaharot sa kaniya ni Venus—kaibigan ito ng pinsan niyang si Haya. Kesa naman kasi ma-diyeta siya sa s€x, puwede na niyang pagtyagaan si Venus. Ang socialite din lang kasi ang nakakapasok sa building ng Henson nang walang aberya. "So, ikaw na lang pala ang maghatid sa kanila if ever? Puwede naman 'yon, 'no? Maiiwan lang ako rito sa loob ng office ko at maghihintay." Taas-baba ang mga kilay na pakikipag-deal pa niya sa kaniyang lady bodyguard. "Puwede rin." Nice. Maaari niyang itago si Venus sa loob ng office niya habang nasa labas si Yanie mamaya. "Pero kapag nahuli na naman kitang may kasamang babae, babayaran mo na ako," sabi ni Yanie pagkatapos ng ilang segundo. "Huh? Babayaran?" Nag-cross arms ito. "Oo. Dahil makunat ka at matinik sa babae, naisip kong 'yon ang gawin na parusa sa 'yo. Tutal ay alam mo naman na mukha akong pera. One thousand kada pakikipaglandian mo na makikita ko. Ang pinaka-hardcore sa parusa ay 'yong sinabi ko sa 'yo kagabi—bebenta ko sa mga p**n sites ang video mo." Pagak siyang natawa. "Wow, grabe! Daig mo pa ang negosyante talaga ah!" "Naniniguro lang. At least sa gano'ng paraan ng landi mo ay nakatulong ka pa sa family ko. Under investigation ang death threat na nakuha mo pero ang tigas ng ulo mo," turan sa kaniya ng babae, umismid. Wala rin pala siyang ligtas. Hindi siya maaaring gumasta ngayon dahil under construction ang negosyong balak niyang itayo sa Tagaytay. Anak ng bodyguard naman, oo! Kung mamalasin nga naman siya. "Magkuwento ka na lang kung paano mo huhulihin ang nagpadala ng death threat sa 'kin. Kasi as you can see, ganito lang ang magaganap sa atin sa araw-araw. Bahay at opisina," buryong na saad kay Yanie ng boss niyang nakabusangot ang mukha habang may binubuklat na papeles sa mesa. Lihim siyang napangiti sa naisip na kalokohan. Tine-testing lang naman niya ang kakunatan ng boss niyang ito. At aba, kuripot nga. Mukhang ayaw magbayad ng one kyaw. "Sa pagsama ko sa 'yo, mahahanap ko 'yon," ani Yanie sa boss niya sa tinig na siguradong-sigurado siya sa kaniyang sinabi. Kumunot ang makakapal na kilay nito. "Gano'n lang? Sa tingin mo talaga ay gano'n 'yon kadali?" "Oo. Kaya 'wag ka nang tanong nang tanong." "Tinatanong kita para makabalik na 'ko sa dati kong buhay, Ms. Officer." Bumuntonghininga siya. Mariin na pinagmasdan ng babaeng pulis ang boss niya. "Grey Henson, 'yung dating buhay na sinasabi mo ay burado na. Ito na ang buhay mo ngayon. Ito na ang resulta no'ng dating buhay na pinatakbo mo. Ikaw ang nagdala ng sarili mo sa kung ano ang sitwasyon nating dalawa ngayon." Natameme si Grey. Sabi niya nga saka na lang siya mambababae e. May tigre kasi siyang bodyguard na animo asawa niya kung bumakod sa kaniya. "Okay, baby, relax ka lang." Tatawa-tawa niyang aniya rito. Tinaas niya ang palad upang awatin pa ito sa pabirong paraan. As he expected, pinanlisikan siya nito ng mga mata. "Wala kang baby rito, Grey Henson. Manahimik ka!" Napahiyaw na lang siya nang mabilis na lumipad ang boots ng babae papunta sa kaniya—ang bilis ng kilos nito, hindi niya halos napuna na hinubad nito iyon ah! Well, mabilis din naman siyang nakailag. Once again, malakas na naman siyang natawa. Mukhang hindi na rin naman masama na may susunod-sunod sa kaniyang tila anino kung ganito rin lang kaganda at ka-sexy na lady bodyguard. Bonus na pikon pa ito, mas lalo lang siyang nanggigil na inisin tuloy ang officer. YANIE Lachica. Single at 27. Walang trabaho na nilagay sa sss, walang likes and dislikes pero may nag-iisang litrato na nasa cover photo—a family picture. Napadiretso ng upo si Grey sa kaniyang swivel chair nang mabilang niya ang dami ng mga kapatid ni Yanie—anim lang naman! Sa litratong kasalukuyan niyang pinagmamasdan ay hindi na mahirap mahulaan na ito ang panganay sa magkakapatid. A breadwinner, indeed. Oo na, ini-stalk niya nga ngayon ang lady bodyguard niya sa sss. Hindi niya chineck ang resumé nito at para sa kaniya ay mas masaya naman na mang-stalk ng tao sa social media platform. Iyon nga lang, wala rin siyang gaanong napala. "Napaka-private na tao naman niya. Kakai-baby talaga." Naisip nga niyang tawagan na lang mamaya si Page para tanungin sa mga nais niyang malaman tungkol sa matalik na kaibigan nito. Bubuwelo na muna siya, baka magtaka iyon at kung kailan magda-dalawang linggo na sa kaniya si Yanie ay saka pa lang siya naging interesado sa babaeng pulis. "Kape na muna." Nag-angat ng tingin si Grey nang mabosesan niya si Martina, ang sekretarya ng pinsan niyang si Blue. Masyado siyang engrossed sa pag-stalk, hindi niya napuna na nabuksan nito ang pinto ng office niya at ngayon nga ay nakalapit na ito sa kaniya. "Wow, thanks, Martina!" Kaagad niyang kinuha ang tasa ng kape na galing sa babae at sinimsim iyon. Tuwing alas tres kasi ng hapon ay hinahanap na talaga ng sikmura niya ang kape. At ang sekretarya naman ni Blue ay walang palya siya kung bigyan niyon kung may pagkakataon. May fifteen minutes break time rin kasi ito ng ganoong oras. "Pero sana ay hindi ka na nag-abala, nagpatimpla na ako ng kape e," aniya rito sa flirt na tono na alam niyang sanay na sanay na ito. Unlike kasi sa office ng mga pinsan niya ay walang sariling pantry ang sa kaniya. Maliit lang kasi ang office niya dahil na rin sa kaniyang request. Kung wala ka namang ambag masyado sa kumpanya, bakit kailangan mo pa ng malaking opisina? "Sus, kilala mo naman ako, kung hindi busy kay Sir Blue ay pinagtitimpla kita ng kape, ano ba ang abala na sinasabi mo?" anang sekretarya. Naupo ito sa ibabaw ng mesa niya, nag-cross legs, sadyang pinakita sa kaniya ang skirt na naurong hanggang sa gitnang bahagi ng hita nito. Awtomatiko naman na napunta roon ang mga mata niya. Maharot din na inayos ni Martina ang kuwelyo ng suot niyang casual polo shirt. To be honest ay maganda naman ito. Hindi nga lang kapuna-puna iyon dahil sa pinapakita nitong personality sa mga tao sa kumpanya nila—mahinhin na sekretarya. Kaya nga rin walang nag-issue sa kanila ni Martina kahit may katagalan nang dinadalhan siya nito ng kape. Wala rin naman kasing mag-iisip na papatulan niya ang sec ng pinsan niyang si Blue. "Kailan ka ba magha-hired ng sarili mong sekretarya?" maharot na tanong sa kaniya ni Martina. He chuckled. "Kung magpa-hired man ako, hindi ka na puwedeng mag-apply, makukutusan ako ni Blue. Saka, hindi ka na rin makakapagtimpla ng kape for me kung mangyari 'yon." "I doubt. Alam ko naman na ang kape ko ay gustong-gusto mo, Grey Henson," mayabang pang turan ni Martina. Totoo naman iyon. Masarap ngang magtimpla ng kape ang babae. Kuhang-kuha ang gusto niyang kaunting asukal at creamer pero medyo tamisan. "Medyo matagal ka nang nagbibigay ng signal sa akin Martina ah, puna ko lang." Kinuha niya ang palad ng babae at dinampian niya iyon ng mabining halik. Nabigla ang babae ngunit saglit lang. "M—May ilang minuto pa naman ako…" "Bibigyan kita ng pagsusulit—kung mapapaputok mo ang sandata ko sa iilang minuto na meron ka na lang, well, I will be yours, isa sa mga araw na ito, na alam ko naman na gustong-gusto mong maganap." Nakangising pakikipag-deal na niya rito. Lumapad naman ang ngiti ng secretary. "Hmn, call." Iyon lang at lumundag na ang babae papunta sa ilalim ng office table niya—sinadya pa na ipakita sa kaniya ang suot nitong underwear—ibinuka sa harap niya ang palda bago ito tuluyang magsuot na sa ilalim ng kaniyang mesa. Game talaga si Martina. Hindi niya sana ito gustong mapabilang sa mga nailabas niya dahil napupuna niyang sa mga guards din sa kumpanya nila ay nakikipagharutan ito. Kaya lang ay wala naman siyang choice. Sabi nga niya kanina, kesa ma-diyeta siya, pagtyagaan ang mga nakahain at available. Ngayon lang niya ito gagawin sa office niya. Napangisi siyang pinagmasdan ang kaniyang oak office table. Matibay iyon, hindi basta uuga mamaya. Sakto pa sa balingkinitan na katawan ni Martina, hindi ito makikita ni Yanie mamaya roon. May tabing kasi ang ilalim niyon. Sadyang ganoon ang pinili niyang mesa para kaiba sa table ng mga pinsan niya. "BAKIT bawal akong pumasok? Hey, look, parati akong nagpupunta talaga rito sa office ni Grey. Friend ako ng pinsan niyang si Hayanara Henson. I'm Venus." Napabuntong-hininga na lang ulit si Yanie sa kulit ng babaeng kaniyang kaharap. Kanina kasing bago siya pumasok sa opisina ng boss niya bitbit ang kape na pinatimpla nito ay nagpang-abot sila ni Venus sa pintuan. Siyempre pa ay kilala niya ang socialite. Kahit hindi nito iyon sabihin sa kaniya, alam niyang kaibigan ito ni Ms. Haya Henson. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na ito kasama sa mga pinaghihinalaan niyang nagpadala ng death threat kay Grey. Lalo at alam niya rin ang pagsinta nito sa playboy niyang boss. "Bawal siyang mambabae ngayon," simpleng wika niya na lamang dito. Maarteng tumawa ang babae. "Hindi niya naman ako babae miss. Sabi ko nga ay kaibigan. Family friend nila ako," ani Venus. May kinuha ito sa bag na sukbit sa sariling balikat—pocket knife! "Here's my ID." "I'm sorry Ms. Venus, hindi po talaga maaari na pumasok ngayon sa office ni Grey," pormal ngunit mariin niyang tugon sa socialite. Pinakitaan niya rin ito ng ID niya. "Private security and investigator—sh`t, pulis ka?!" gulat na bulalas ng babae. Maarahan niya itong tinanguan. "Gano'n na nga." "Naku, wala akong alam—er, by the way, pang-self-defense ko lang 'to ha," ani Venus, tukoy sa pocket knife na ngayon ay binalik na sa bag nito. Tumango lang siya ulit. Sabi nga niya kanina ay kasama ang socialite sa pinaghihinalaan niya na nagpadala ng death threat sa malikot niyang boss, hindi ba? At ngayon nga, nagpapakita ang babae sa harap niya ng iba pang senyales na maaari nga niya itong pagdudahan. Taktika ng mga guilty ang ganoon—pagkukunwari na hindi alam ang mga bagay na alam naman na ng mga ito. "I—I'm sorry, hindi ko alam!" bulalas pa sa kaniya ni Venus. "Bakit may personal bodyguard na si Grey? Ano ba ang nangyari sa kaniya?" "Ms. Venus, hindi po allowed sa trabaho ko ang maglabas ng personal info lalo at sumasaklaw 'yon sa aking tungkulin. Pasensya na," magalang naman niyang pagtangging sagutin ang mga nais nitong malaman. "Alright, alright, kay Haya na lang ako magtatanong. Sige, salamat pa rin. Kung makakaharap mo ang boss mo ay pakisabi na lang na nagpunta ako." Tipid lang na tinanguan ni Yanie ito. Sinundan din niya ng tingin ang nilakaran ng socialite, hindi naman ito lumingon pa. Tatalikod na sana siya at papasok na sa loob ng office ng amo niya, nang may mapuna siyang isang tao na biglang nagkubli sa pader na kinasasandalan nang masulyapan niya ito. Sa sahig na napunta ang mga mata ni Agent Canny. Kung hindi niya kasi mahagilap ang kasagutan sa harap niya dahil sa dami ng mapanlinlang na tao sa mundo ay siguradong nasa ilalim iyon. Isa iyon sa itinatago niyang skill kaya siya napunta sa field na napili ng puso niya. "Sh`t!" bulalas niya pagkatapos. Saka mabilis pa sa alas kuwatro na pumasok siya sa opisina ni Grey. "ILABAS mo ang pink mong sawa, Grey, ngayon din!" Eksaktong inaayos niya ang pundilyo ng kaniyang pantalon nanb humahangos na pumasok sa office niya si Yanie at nagde-demand na ilabas niya ang… "Ano kamo?" tanong niya sa lady bodyguard dahil baka namali lang siya ng dinig. Sinundot pa niya ang sariling tainga bilang paghahanda sa sasabihin nito ulit. Yanie pressed her lips and gritted her teeth. Galit yata ito? But why? "Hey, Ms. Officer—" naawat na ang sasabihin ni Grey nang sugurin siya ng lady bodyguard niya. "Hey," aniya sa babae. Hindi naman ito nakinig, bagkus ay dumukwang pa, hinila ang kuwelyo ng polo shirt niya. Sa panggilalas niya ay inilapit nito ang sariling mukha sa kaniyang leeg— saka sininghot siya! "Sabi ko na nga ba e!" Papalatak na ani nito. Binatukan siya ni Yanie sa kaniyang sentido. Talagang mabilis ang kilos ng babae dahil hindi niya napaghahandaan parati ang mga atake nito sa kaniya. "Ano ba? Grabe ka naman, kundi mo 'ko hagisan ng sapatos mo, babatukan mo ako," kunwa'y reklamo niya, sapo niya ang nasaktan na sentido at inayos ang suot niyang damit. Inismiran niya ang babaeng pulis. "Hindi mo ako makukuha sa ganyan mo, Grey Henson. Ilabas mo ang pink mong sawa ngayon din!" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Se—Seryoso ka ba ha?" gilalas niyang tanong. Narinig niya naman iyon kanina pero inakala niyang nagkamali lamang siya. Ngayon nga na inulit nito ang utos sa kaniya ay nakumpirma niyang hindi nga siya nagkakamali. Mas namilog ang mga mata ni Grey nang makita niyang dinukot ni Yanie ang baril nitong akalain ba naman niyang nakatali pala sa braso nitong natatakpan ng suot na blouse—señorita naman ang baril na hinugot nito—mabilis din itong nakasampa sa mesa niya at tinutok sa noo niya ang nguso ng baril! "Nanggigigil ako sa 'yo, Grey, oo. Ilalabas mo ba 'yan o ipuputok ko 'to sa 'yo?" Fudge! Ang warfreak naman na lady bodyguard nito. "A—Are you fudging serious?" tanong niya pa rito. Sinalubong niya ang mga mata nito, baka sakaling mahimasmasan ito at ma-realize na siya ang boss sa kanilang dalawa. Hindi siya dapat na tinatakot nito! "Seryoso ako, may bala rin 'to. Ginagalit mo 'ko. Inuubos mo ang pasensya ko," mariin na sambit sa kaniya ni Yanie. "Boss mo 'ko, Officer, nakakalimot ka yata." "And so? Sa sobrang playboy mo na 'yan, puwede kong sabihin sa lolo mong self-defense ang nangyari sa pagitan natin kaya nakalabit ko ang gatilyo na iyong kinasawi. What do you think? Paniniwalaan ba nila ako o hindi?" Napaamang si Grey. Napalunok din siya na pinagmasdan ang katawan ng babaeng kaharap. Paano ay nakalitaw na ang cleavage nito sa suot na polo shirt, kumalas na kasi ang butones sa harap niyon na hindi yata nito napuna... Stop, Lexus Grey! Babarilin ka na nga niya ay pinagnanasaan mo pa siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD