bc

Shadow of Grey (COMPLETED | FREE)

book_age16+
1.5K
FOLLOW
4.5K
READ
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

"Kung bumibingi na sa 'yo ngayon ang pintig ng puso mo, sa tingin ko ay dapat mo nang tanungin ang sarili mo kung nambobola pa ba 'ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay ang puso ang pangunahin na nagpapagana sa pag-ibig."

* * *

Inis si Grey sa pagiging tuso ng dalagang pulis na si Yanie. Mas kinainisan niya pa ito nang makisali ito sa kalokohan ng lolo niya na kunin itong lady bodyguard niya!

Death threat-Iyon ang huling bagay na mangyayari sa isang Henson, sigurado si Yanie roon, kaya naman nang kinailangan ni Don Vladimir Henson ng magiging bodyguard ng apo nito ay nagprisinta na siya agad-agad. Hindi nga lang niya napaghandaan na saksakan pala ng babaero at maloko ang boss niya!

Her job is to protect her flirty boss. E, kumusta naman kaya ang magiging lagay ng puso niya rito?

©August 2022 | Luna Margaret

***

[STORY WRITTEN IN TAGLISH]

chap-preview
Free preview
1:
"WHO'S there?" Sa magkasalubong na mga kilay ay tanong ni Grey, sinisilip na niya ang bakante naman na kabisera ng kaniyang pinto. Napipikon at buntonghininga na binuksan na lamang niya iyon. Pagbukas niya sa pintuan ay sinalubong siya ng hangin. Luminga siya sa kanan, wala namang ibang tao sa pasilyo. Gayundin sa gawing kaliwa niya kung saan matatanaw ang may kalayuan na elevator ng gusali. Papasok na sana siya ulit sa unit niya nang matisod siya sa kung anong bagay. "What the fudge is this?" tanong niya pa sa sarili. Niyuko niya ang tila basket na nasa kaniyang paanan. Nang binuhat na niya iyon at ipasok sa loob ng bahay niya ay mas lumalim ang gatla sa kaniyang noo nang mapagtanto niya na naglalaman iyon ng mga… gulay? May plastic wrapper kasi ang basket, transparent na kulay red ang plastic na karaniwan na ginagamit sa mga foods kapag nireregalo. Regalo—Iyon na nga mismo ang napagbuksan niya ng umagang iyon sa condo unit niya. Kakagising lang niya, in fact, kakatapos niya nga lang na maligo. Nagmadali pa siyang magbanlaw ng sabon sa katawan at nagtataka na tinungo ang pinto dahil sa makulit na nagdo-doorbell doon tapos ay heto nga, isang basket ang dinatnan niya. "What's that?" untag sa kaniya ng kung sino. Naramdaman niyang nasa likuran na niya ito. Napapikit si Lexus Grey Henson nang maramdaman niya ang malambot na mga palad ng babaeng si… Napalunok siya. Sa sarap na kasalukuyang dinudulot ng mga palad ng babaeng tinutukoy niya patungo sa ibabang parteng bahagi ng kaniyang katawan ay makakalimutan na niyang talaga ang pangalan nito. "This is… nothing…" hirap na niyang sambit. Marahan na naitulak niya sandali ang basket na kaniyang natanggap. "Uhmp," mas hirap na wika ng babae. Paano ay nakaluhod na ito sa harap niya kahit wala naman itong kasalanan. Nagngalit ang mga bagang niya. Hindi ito ang unang beses na mabigyan siya ng pagpapala ng mga babaeng nakakasama pero ang dulot niyon sa kaniya ay ganoon pa rin. Nakakapagpangalit ng mga litid at ugat. Sa totoo lang ay hindi na niya maalala kung paanong ngayon lang niya napunang kulay mais na pala ang buhok ng babaeng kaulayaw niya magdamag kagabi. Basta ang tanda niya, noong unang beses niya itong dinala sa condo unit niya ay itim pa ang buhok nito at hindi pa iyon unat. Ikatlong beses na nilang paglabas ito pero hindi pa rin niya ma-recall ang pangalan nito. "Bilisan mo, galingan mo. Papasok pa ako," paungol niyang utos sa babaeng ano pa nga ba ang dapat niyang itawag dito? E, 'di bayaran. Ang sarap umubos ng pera sa mga tulad nitong mahuhusay magbigay ng service at mapapaulit talaga siya. Kaya nga ba ito na ang ikatlong labas nila sa loob pa lamang ng kalahating buwan. "Ayaw mo bang pumasok muna?" maharot na tanong ng babae nang matapos na ito sa ginawa. Napangisi siya. Ibang 'pasok' ang tinutukoy nito pero ewan ba niya kung bakit tumanggi ang utak niya sa pagkakataong iyon. Ah, baka dahil tinatamad na siyang magsuot ng supot. Of course, hindi niya nakakalimutan ang kasabihan na: Prevention is better than cure. "Saka na lang ulit. Papasok pa ako—sa trabaho," ani Grey, sadyang diniinan ang huling sinabi upang maiparating dito ang maayos niyang pagtanggi. "Alright, ikaw ang masusunod, lover boy." Iyon ang parating tawag sa kaniya ng mga chicks niya—lover boy. Iyon ang tawag sa kaniya sa private club kung saan siya kumukuha ng mga katulad nito kapag may natipuhan siya. "Yep," Kinuha niya ang kamay ng babaeng pumulupot na sa kaniyang leeg nang tumayo ito mula sa pagkakaluhod, saka binigyan niya ng magaan na halik ang likod ng palad nito. Mukhang ito na ang huling beses na mailalabas niya ang babae dahil nagiging mapaghanap na ito at sinusubukan nang halikan siya. Iyon din sana ang hindi niya gusto—ang halikan siya sa bibig. "For now, you can go home. Nakaipit na ang bayad ko sa 'yo sa iniligpit kong damit mo," malambing na aniya pa sa babae. Gentleman talaga siya. Siya ang nagliligpit ng mga damit na pinaghubaran nila ng mga babaeng nakakasama niya. Nakagawian na niya, mahirap nang alisin. Ilang sandali pa ay naiwan na siyang mag-isa sa kaniyang unit. Kahit naman nakarating siya sandali sa langit kanina ay hindi niya nakalimutan ang basket ng mga gulay. Sino kaya ang nagbigay niyon sa kaniya? Sa tagal niyang nakatira roon ay ngayon lang siya nakatanggap ng regalo na walang nagpa-receive at walang dinatnan na tao sa pinto nang buksan niya. "No card," ani Grey sa nagtatakang tono. Sinisimulan na niyang buksan ang basket. Mukhang ayaw magpakilala ng nagbigay kaya walang kahit kapirasong card sa labas niyon. Buong pagtataka niya pa nang tumambad sa kaniya ang iba't ibang uri nga ng gulay na mahahaba—talong, upo, pipino, ampalaya—lahat ng iyon ay may tapyas sa dulong bahagi! "Fudge!" bulalas niya. Kaniyang inisa-isa ang mga gulay. Naghahanap siya ng kasagutan sa tanong na ayaw namang ibulalas ng isipan niya. And there, nang maalis niya ang mga gulay na may tapyas ang mga dulong bahagi ay may nakita siyang note sa ilalim niyon na may nakasulat na: I want to watch your long shaft to be cut like that, Grey Henson! Death threat ba iyon o isang prank? HINDI pa man nakakaayos ng parada si Grey ay nagmamadali na niyang pinatay ang kaniyang kotse, humahangos din siyang bumaba roon saka tipid niyang tinanguan at nginitian ang lumapit sa kaniyang security guard. "Sir Grey, hindi pa po nakaayos ang park—" "Let it be," putol ni Grey sa paninita sa kaniya ng guard na nakatoka roon sa parking area ng Henson Corp. "Babalikan ko na lang later." Mahinang tinapik niya lang ang balikat ng guard saka na siya nagmamadaling iniwan na ito roon. Kakamot-kamot na lang sa sariling ulo ang sekyu nang makatalikod ang isa sa mga apo ng big boss sa pinagsisilbihan na kumpanya. Sa tatlong apo na mga lalaki ni Don Vladimir Henson ay si Lexus Grey talaga ang pinakapasaway kahit ito rin ang palakausap at palangiti sa mga tulad nilang sa ilalim ng mga ito. Kung hindi ito magdala ng babae sa parking lot na iyon at papakin ang babaeng kasama sa loob ng kotse ay harabas na lang na pumaparada kahit alam naman nitong makakagalitan silang mga sekyu kapag nakita iyon ng lolo nito. Malalaki ang hakbang at may pagmamadali na tinahak ni Grey ang kumpanya na pag-aari ng kanilang pamilya. Lahat ng abalang empleyado o ang naglalakad lang at nakakasalubong siya ay nakangiti niya rin na binabati. Imbes na gumawi siya sa exclusive elevator ay lumihis siya ng daan papunta sa isang elevator na para sa mga employees ng kumpanya. Hindi niya gustong masalubong ang kaniyang lolo sa kahit anong floor sa gusaling iyon. Nabanggit ng pinsan niyang si Red na napaaga raw sa company ang lolo nilang si Don Vladimir sa hindi pa malinaw na rason. "Hep!" habol niya sa papasarang elevator habang dinudukot ang phone niya sa front pocket ng suot niyang baby blue polo. "Thank you," walang lingon na pasasalamat niya sa nag-iisang taong nasa loob ng elevator nang makapasok siya sa roon. Nakahabol pa siya sa loob bago iyon magsara nang dahil dito. "Fifty pesos na lang 'yon." Mula sa pagtipa sa cellphone niya ay kunot ang mga kilay na nag-angat ng tingin si Grey. "Ikaw?!" "Ako nga. Kaya alam mo na, magbayad ka na." Naglahad na ng palad sa kaniya ang nag-iisang babae na nakasakay niya. Sa dami ba naman ng taong maaaring makasakay ay bakit ito pa! Ito lang naman si Yanie Lachica. Oo kilala niya ito. Ito ang tusong private investigator policewoman na kaibigan pala ni Page—na fiancé na ngayon ng pinsan niyang si Blue. Tuso talaga ang pulis na ito kaya hindi na niya pagtatakhan na hinihingan siya nito ngayon ng fifty pesos kapalit sa pagtulong sa kaniya ngayon. Noong nagsadya sila ni Red sa Ilocos Norte para makausap ang governor doon ay tila sinadya rin sila ng babaeng ito. Hula niya ay narinig nitong naghahanap na sila ng pinsan niya ng private investigator na tagaroon sa Ilocos Norte upang mapadali sa kanila ang lahat ng kailangan nilang malaman kaya ito nagprisinta. Nagprisinta ito, nagpakita ng ID's at iyon na. Oo nga at trabaho nito iyon, oo nga at tinrabaho naman nito ang assignment nang maayos pero hindi pa rin maitatanggi na ang tuso nito dahil kalaunan ay nalaman nilang malapit na kaibigan pala ito ni Page! Naging napakadali para sa babaeng ito na perahan silang magpipinsan. "Wala akong barya e, pa'no ba 'yan?" aniya na lang dito sa sarkastikong tono. Tinaasan siya nito ng kilay. May dinukot na maliit na papel sa loob na bulsa ng suot na maong jacket, may maliit din na ballpen iyon—yeah, to his great surprise, nagsulat nga ang babae roon na kung hindi siya nagkakamali ay inilista na ang utang niyang fifty pesos dito! "Nakalista na. Pakikuha na lang kay Don Vlad ang Gcash number ko para sa bayad mo." "What the heck?!" Hindi makapaniwalang tinignan niya ang babaeng pulis. Naatras din ni Grey ang sariling leeg sa hindi pagkapaniwala. Nginisian siya nito. "No heck, nasa lolo mo nga ang Gcash number ko at kung hindi ka magbabayad ay sisingilin kita sa susunod nating pagkikita. Anyway, saang floor ka nga pala? Wala ka pang pinindot," ani Yanie sa kaniya. Iningusan niya lang ito, siya na mismo ang lumapit sa button ng elevator kung saan ito banda nakatayo. Kung ito pa ang pipindot niyon, siguradong madaragdagan na naman ang fifty pesos na utang niya rito. Kung hindi pa talaga ito tuso, ewan na lang niya kung ano pa ang puwedeng maitawag sa policewoman. "Bakit ka nga pala nandito sa Henson Corp?" tanong ni Grey sa babaeng pulis. Mga pinsan lang naman niya ang maaari nitong sadyain sa kumpanya bukod sa lolo niya. Ano ang business nito roon? "Ikaw, bakit ka nagmamadali?" ganting tanong sa kaniya ni Yanie. "Ako ang unang nagtanong," pasupladong sabi ni Grey. "Trabaho." Kibit-balikat na simpleng sagot naman ni Yanie. Napabuntonghininga na lang si Grey. Walang tinong kausap ang babae, ano pa ba ang inaasahan niya? "Kasama sa trabaho ko ang profiling—" "I'm not a criminal!" react ni Grey sa sinabi ng pulis. "I mean, skill na namin ang profiling." "Hey you, Ms. Policewoman, please stop, okay?" naiinis na sambit ni Grey. Hindi nito dapat na ginagamit sa kaniya ang skill nito to begin with. Imbes na sumagot agad ay pinaningkitan siya ng mga mata ni Yanie. Kakasabi niya lang na huwag siyang gamitan ng skill nito! "Hey—" "You have a problem. Na nangangailangan ng tulong ng isang pulis, tama?" ani Yani, balewalang inudlot ang pananaway niya rito. Nanlaki ang mga mata ni Grey sa gulat. "A—Anong sinasabi mo?" "Your eyes told me. The way you react, at ang mga kamay mo, Grey Henson…" Sabay pa silang napatingin sa mga kamay niya. "It's none of your business," mariing sambit niya sa pulis nang magtama na ulit ang kanilang mga mata. "Yeah, of course, hindi talaga. But again, nasa lolo mo ang Gcash number ko, 'yun din naman ang business number ko, feel free to contact me kung handa ka nang pag-usapan ang tungkol sa problema mo na 'yan." Kibit na naman ang mga balikat na anang babae. "Na parang ikaw lang ang pulis sa mundo." "Hindi nga lang ako ang nag-iisang pulis sa mundo pero ako lang ang pulis na makikilala mong may pakialam sa mga taong nakakasabay ko sa araw-araw." Grey hold his tongue. May point si Yanie, kung naibang pulis nga naman ay ano ba ang pakialam sa kaniya? Sa dami ng puwedeng gawin ng tao ngayon habang naghihintay lalo na sa loob ng elevator na ang ibang sakay ay mas pinipiling tumipa sa cellphone o manalamin sa metal na wall niyon at mag-selfie. "'Ciao! Magandang araw pa rin naman sa 'yo kahit halata at alam ko naman na may gumugulo sa 'yo ngayon, Mr. Grey Henson," paalam sa kaniya ni Yanie nang tumunog na ang elevator. Sumaludo pa ang pulis sa kaniya bago ito tumalikod. Naiwan siya roon na napabuga na lamang ng hangin. Then he remembered, ang buong floor na pinuntahan ni Yanie ay office ng lolo niya… "Uhm, Madam Police Officer," paghabol niya sa babaeng pulis na nakalabas na ng elevator. Huminto naman ito at nilingon siya. "'Problem?" "Gusto ko lang sabihin sa 'yo na masyado yatang masikip na ang pants mo sa butt mo." "What?!" Shrugging his shoulders, Grey replied, "Masyadong hapit e." Salamat sa papasarang lift, hindi siya nahabol ng Police Officer, dahil sumara na iyon sa tamang oras na papasugod sa kaniya si Yanie. Tatawa-tawa na lang siyang napailing. Akalain ba niyang matutunugan pala nito ang joke niya? Grey, hindi joke ang sinabi mo. Talagang sexy ang pang-upo niya at napuna mo pa talaga iyon nang tumalikod siya! Mali ang kung sinong nagmamarunong na nagsasalita sa isip niya. Dahil kapuna-puna na ang pang-upo ng pulis nang una pa lamang niya itong makilala. "SA inyo ko lang pinakita ang mga gulay, hindi ko sinabing sabihin niyo ang tungkol dito kay Grandpops!" hindi makapaniwalang turan ni Grey sa mga pinsan niya. Inis siyang napatingala sa kinauupuan, nasabunutan ang sarili sa nadamang labis na frustration. "Late ka na e, again, naibigay na namin kay Grandpops," kaswal na sabi ni Red. "Grey, death threat na 'yan, sa kotse mo ay may nakuha ka ulit na basket ng gulay na gano'n din ang nilalaman. Tapos, lahat ng CCTV ay nasira raw sa mga oras na nag-o-occur ang pag-iwan ng basket. At eto pa, walang log ang guards at wala silang naaalala na nagdaan na may bitbit na basket," ani naman ni Blue. Kaagad niyang na-forward kasi sa mga pinsan niyang ito ang tungkol doon kaya agad din na nakapagsiyasat ang mga ito kahit paano. "The fudge! This can't be this serious! Ano ang sabi ni Grandpops?" Imbes na mainis pa ay pinili na lamang na lang niya na kumalma. Wala na rin naman siyang magagawa, nakapagsabi na ang mga ito sa intrimitido pa naman nilang lolo! "Hayun, dahil daw sa pagiging babaero mo 'yan," si Red ang sumagot sa tanong niya. "Yeah, obviously," he said sarcastically. "This is a serious thing, Grey," wika naman ni Blue. Nagkrus ng mga braso. "Kung hindi mo nga gusto na maputol 'yang pinagmamalaki mong kaligayahan, seseryosohin mo ang death threat na ito." Napaingos siya. "Paano ko ba naman na seseryosohin 'yan, e, sino ba ang posible na magtangka sa buhay ko? Lahat ng babaeng nailabas ko ay galing lang sa Orbit Club, alam niyo naman 'yan," aniya sa mga pinsan. And that freaking club is a decent private club! Ano ba ang gagawin sa mga babae na nakukuha roon? Alangan na titigan lang magdamag? "Then, maybe this is the time na itigil mo na ang pagpunta sa Orbit Club," Red suggested. "Hindi naman makatarungan yata 'yan," pagprotesta agad niya. Papayag ba siya na nang dahil lang sa kabaliwan ng kung sino ay siya itong mabaliw nang walang babae? "Alam niyong hindi puwede na hindi ako makapag-Orbit." "Haist, bakit ba kasi napakahilig mo!" Pinukol siya ni Blue ng ballpen, sapul siya sa noo. "Blue, wala akong kasalanan kung magkaiba tayo ng ugali pagdating sa aspetong ito, 'no." Himas ni Grey ang nasaktan na noo ay aniya sa pinsan. "Listen, as far as I know, wala namang namatay sa pagka-celibate." Napaamang sa hindi pagkapaniwala si Grey. "Red, baka ako pa lang!" Blue chuckled. "Hindi nga malayo." Si Red naman ang natawa. "Try muna natin." "No, Red!" Sa nandidilat na mga mata ay tanggi kaagad ni Grey sa suhestyon ng pinsan. Iiling-iling. "Isipin ko pa lang ay nasasakal na ako!" Ahm, er, sige na, maging ang kaibigan niya 'down there' ay parang sinakal na sa pinagsasasabi ng pinsan niya! "E, pa'no 'yan? Wala ka naman nang choice," ang isa pang pinsan nila na si Haya naman ang nagsalita. Kadarating lang nito sa office na iyon ng CEO na si Blue kung saan madalas silang nagkakatipon-tipon. "Boys, galing ako sa office ni Grandpops, narinig ko siyang bibigyan ka ng bodyguard, Grey." "What?!" Maang na sambit ni Grey. "Seryoso ba 'yan?" Tumango-tango ang pinsan niyang babae. "A lady bodyguard to be exact." Parang nais yatang umikot ng mundo ni Grey nang maalala niyang nakasakay niya kanina si Yanie sa elevator. Hindi nga ba at bumaba ang pulis sa floor kung saan nag-o-office ang direktor ng kumpanyang iyon—na lolo lang naman nila! *** Reading order: 1. CCEO's Secret 2. One Night Child 3. The Billionaire's Brat Playmate 4. Shadow of Grey

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.1K
bc

His Obsession

read
79.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
117.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook