5:

2385 Words
DAHIL sa ginawa ni Grey na pagtingin sa dibdib ni Yanie ay nakita niyang na-distract ito at niyuko ang sariling dibdib. Napangisi siya. Sa ginawa nitong pagyuko upang sipatin ang nakita niya rito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na matabig ang baril mula sa pagkakahawak nito. Mabilis man na natunugan ng babae ang ginawa niya dahil sa reflexes na natural ability na ng mga tulad nito—huli na rin iyon dahil bumagsak na sa sahig ang baril at nabuhat na niya ito—binuhat niya si Yanie, sa mga hita niya ito hinawakan kaagad para maangkla ang mga iyon sa bewang niya. Saka niya ito ipininid sa pader. "Get off me!" agad na banta ng babae, nagkikiskisan ang mga ngipin at nanlilisik ang mga mata sa kaniya. "May anger issue ka ba ha? Bakit ganyan ka?" "Kung hindi mo ako ibababa ay kakagatin kita!" Ayos talaga ang babaeng ito! "Subukan mo, hahalikan naman kita," ganting pagbabanta naman niya. "Hahalikan? Talaga ba? Sa pagkakaalam ko ay wala ka pa ngang babae na nahalikan kahit halos lahat ay naikama mo na." "Huwag mo 'kong hamunin. Kung ang halik ko ang makakapagpa-tame sa babaeng tulad mo ay gagawin ko 'yon." Nabigla naman ang pulis sa sinambit niya, napaamang kasi ito at inatras ang sariling mukha mula sa kaniya. "Put me down, Grey Henson," anito, ginagamitan siya ng tonong pang-pulis yata. Natawa siya. Nanatili ang mga mata niyang nakapagkit sa mga mata nitong mabalasik. "Ang ganda mo pala sa ganitong view, baby." "Tarant`do!" Nagpumiglas ito mula sa pagkakahawak niya sa magkabilang pulsuhan nito. Nginisian lang niya ito dahil sigurado naman siyang ilang sandali lang ay mananahimik din ito. Hindi nga siya nagkamali. Segundo lang ay nanlaki ang mga mata ni Yanie sa kaniya. Sa kakapiglas kasi nito ay naibaba nito ang sarili at tumapat lang naman ang dapat na tumapat sa 'pink' niyang sawa na kanina ay pinapalabas nito. "Buhay at nagalit na ang pink na sawa. Ginising mo kasi," anas niya sa tainga ng babaeng natigagal. "Gag—" Maitutuloy pa ba ni Yanie ang mura na kaniya sanang pakakawalan? E, ang playboy niyang boss—umikot lang naman ang bewang habang nakatusok sa kaniya ang pink nitong sawa! "Alam mo ba na may nakapagsabi sa akin na masarap daw magmahal ang mga babaeng katulad mo. 'Yung tulad mong matapang at mala-tigre. Pero mas masarap daw kayo… sa kama," anas sa kaniya ni Grey ulit. Sinasadya nitong sa tainga niya talaga magsalita! Mariin na napapikit si Yanie sa pinaghalong inis at pagkadarang sa ginagawa sa kaniyang dry humping ng malanding boss niya ngunit kinalma niya ang sarili. Pinilit niyang balewalain ang ginagawa nito sa kaniya sa mga sandaling iyon. Playboy ang boss niya kaya madali na lang dito na mahulaan na hindi naman na siya V, kaya ganoon na lang ito kung itrato siya nito. At iyon ang mas nakakapagpagalit sa kaniya ngayon kaya kahit ayaw niya sana'y napilitan siyang kagatin ito sa balikat! "Ouch!" hiyaw ni Grey sa nasaktan na balikat. Dahil nga kinagat niya ito ay awtomatikong napabitaw sa kaniya ang malikot niyang boss. Lumagapak din ang pang-upo niya sa sahig. Hindi iyon ininda ni Yanie. Kapiraso lang ang sakit na iyon kumpara sa mga napagdaanan noon sa training niya. "Bastos ka, Grey Henson," mariin niyang wika rito matapos niyang damputin ulit ang kaniyang baril. "Yanie, wait—" Inangat niya ang isang palad upang patigilin ang siraulong boss niya sa pagsasalita. "Sa labas lang ako, magtrabaho ka, magtatrabaho rin ako. Ipadala mo na lang sa mga pinsan mo ang litrato ng pinapalabas ko sa 'yo kanina para sa kanila na lang ako magtatanong ng dapat kong malaman. Pasensya na, hindi ko naisip na hindi mo nga pala basta ipapakita sa akin ang pink mong sawa. I get it. Pero sana ay maintindihan mong trabaho lang, walang personalan," litanya niya sa amo. Tinalikuran na niya ito pagkatapos. Hindi siya katulad ng ibang babae na mahina at iiyak sa ginawa nito. Ah, mali, mas akmang sabihin niyang—hindi siya katulad ng ibang babae na iiyak sa harap ng isang playboy, malandi at manyak na si Grey Henson. Ang hirap kasi sa mundo, kapag g'wapo at mayaman na tulad nito, playboy lang. Kung nagkataon na pangit ito at mahirap, manyak ang tawag. Kaya siya na mismo ang magsasabi ng lahat ng salitang iyon sa boss niya. Yanie, tinakot mo siya. Tinutukan mo siya ng baril kaya niya ginawa 'yon sa 'yo. Sa ginawa mo ay natamaan mo ang male ego niyang alam mo naman na kakambal na ng mga lalaking katulad niya! Napailing na lamang siya sa kung sinong nangastigo sa kaniya sa sarili niyang isipan. Kahit ano pa ang sabihin ng utak niya sa kaniya, para sa kaniya ay manyak pa rin ang boss niya. Period. Nang maiwan si Grey sa office niya ay napapikit na lang niyang marahan na inuntog ang sariling ulo sa pader. Ano ang nangyari? Ano ang ginawa niya? Sa tagal na niyang nambababae ay wala siyang ginawan ng gano'n. Daig pa niya ang naging m******s kanina! Sigurado siyang iyon na ang tingin sa kaniya ni Yanie ngayon. "HOW dare you, Grey! Bakit mo ginawa 'yon kay Yanie?!" Nailayo ni Grey nang 'di oras sa kaniyang tainga ang cellphone niya. "Ano ba, Page, hindi naman ako bingi. Hinaan mo naman ang boses mo," reklamo niya pagdaka. "Maloloka ako sa 'yo! Nalaman ko from Blue ang ginawa mo sa kaibigan mo!" Marami pang sinabi ang fiancé ni Blue. Masakit iyon sa tainga pero alam niyang deserve niya naman iyon. "Sira talaga ang ulo mo!" Sa wakas ay ang pinsan na niyang si Blue ang nagsalita. "Come on, hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa kaniya ay sinesermunan niyo pa ako," aniya sa dalawa. Alam naman niyang magkasama ang mga ito at naka-loudspeaker kaya naririnig din siya ni Page. "Sinent na ni Red sa kaniya ang photo ng private part mo," imporma sa kaniya ni Blue. Dinig niyang nagtawanan ito ni Page. Mga loko talaga. "Okay," tipid niyang wika lang sa pinsan. "Ikaw naman kasi, trabaho no'ng tao 'yon, sana pinakita mo na lang. Tutal naman ay nakita na niya nang unang gabi niya palang sa 'yo," kantyaw pa ni Blue sa kaniya. Humagikgik ang fiancé nito. "Sanay naman 'yon na makakita at makahawak ng birdie without wings." "Page…" saway niya rito. "Hay nako ka, Grey Henson. Tsk! O, buti hindi ka pala binaril ni Yanie?" nakuha pang itanong ni Page sa kaniya. Napaingos na lang siya kahit pa hindi nito iyon nakikita. Kung alam lang sana nito na nagawa nga niya ang ganoon kay Yanie dahil tinakot siya ng huli. Hindi niya na iyon binanggit sa mga pinsan niya at baka hindi rin maunawaan ng mga ito ang ugaling iyon ng babaeng pulis. Ewan ba niya, somehow ay hindi niya gustong malaman ng mga ito ang tungkol doon at baka malaman ng kanilang lolo e, alisan ng trabaho ang lady bodyguard niya. "Siguro ay naalala niya pa rin na boss niya 'ko," ani Grey na lang kay Page. Tumawa ito sa kabilang linya. "O siya, hayaan mo lang 'yan. Ganyan 'yan talaga but for sure gets ka naman niya. Pero sana next time ay iniisip mo rin kasi na trained 'yan sa combat. Baka imbes na matulungan kang mahanap ang nagbabanta sa cockledude mo, siya pa ang magpisa. May lalaki na siyang ginawan ng gano'n ah." Napangiwi siya sa sinabi ng fiancé ni Blue. Na-imagine niya tuloy si Yanie na may hawak na dalawang kamatis, nakatingin ng masama sa kaniya at nilapirot ang mga kamatis na iyon—marahas tuloy siyang napalunok bigla! Ipinilig niya ang sariling ulo upang mapalis ang kung ano-anong kalokohan na naglalaro sa isip niya. "E, hindi kasi siya kumain ng dinner, Page." Hindi nga kumain si Yanie. Hindi rin siya kinibo ng dalaga mula sa kotse na nagbabyahe sila pauwi hanggang sa nakauwi na nga silang dalawa. Hindi niya nga rin akalain na magwo-worry siya ng ganito. "Hindi talaga 'yan kikibo at kakain dahil nainis sa 'yo. Okay? Pero ang inis naman niyan usually ay tumatagal lang ng ilang oras. Wait, nasaan ba siya?" "Uh, parang nasa gazebo." Doon siya may nakitang ilaw kaninang galing siya sa dining area bago siya umakyat sa kuwarto niya. "Mahamog na nga e, tapos nasa labas pa siya." "May roof naman ang gazebo mo. Saka may fence naman ang bahay mo," singit ni Blue. "Kahit na. Ngayon lang siya umistambay ro'n ah." "Hay, o siya, check mo nga anong ginagawa." Sinunod niya ang sinabi ni Page. Hindi niya inalis sa kaniyang tainga ang cellphone. "Nagla-laptop siya at nagsusulat. Busy siya," ani Grey kay Page nang nasa pintuan na siya ng bahay kung saan tanaw ang maliit niyang gazebo. Nagla-laptop siya, nagsusulat, nakasalamin sa mga mata, medyo nahuhulog na ang ilang hibla ng buhok… nakasuot ng terno pajamas na may disenyong bulaklak… Ah, nais niya sanang idagdag ang mga iyon kaso ay huwag na lang. Ngayon lang kasi niya napagmasdan sa ganoong ayos ang lady bodyguard niya. Babaeng-babae pala ito kapag ganoon ang suot. Hindi ito ang unang beses niyang makita na nakapantulog si Yanie pero ika nga nila, iba ang tinitignan sa tinititigan. Naalala niya tuloy ang lambot ng katawan ng babae nang magdikit sila nito kanina… "Hmn, kinakagat ba niya ang ballpen?" untag ni Page sa sandaling paglalakbay ng diwa niya. "Y—Yes," tipid niyang sagot. "Kung kinakagat na niya ang ballpen kahit busy pa siya sa kung anong ginagawa niya, medyo bumababa na ang topak niyan. Huwag mong lapitan, kusa 'yang tatayo lalo kung nasa tabi niya na ang baril niya." Tama si Page, nakalapag nga ang señorita na baril sa tabi ni Yanie. At mukhang tama rin si Page sa sinabi nitong bumababa na ang topak ng lady bodyguard niya dahil malawak na itong ngumiti—nang makarinig ito ng nagtitinda ng balut. "Kapag bumili na 'yan sa nagtitinda ng balut, asahan mo, wala na 'yang topak. Trust me, Grey." "B—Bibili nga siya…" manghang wika ni Grey sa babaeng kausap. Paano ay nakita niyang dinampot ni Yanie ang baril nito, cellphone at coin purse, nag-alis ng salamin sa mga mata, saka ito tumayo, patakbo rin na tinahak ang gate ng bahay niya. "And because hindi pa siya nagdi-dinner, gunggong, awatin mo siya, hoy!" Nataranta siya sa sinigaw sa kaniya ni Page kaya wala sa sarili na dali-dali niyang ibinaba ang cellphone niya at patakbong sinundan niya si Yanie. "SAD naman." "Pasensya na madam, naunahan ka nitong si Aling Conching hehe," anang tindero ng balut kay Yanie. Hinabol niya ito ngunit kinulang. Naunahan nga siya ni Aling Conching daw—matabang babae na nasa mid 40's, nakatira raw sa tapat ng bahay ni Grey. Mabait ito. Humingi rin ng pasensya sa kaniya, tatlo na lang pala kasi ang balut ni manong. Naglilihi raw kasi ang amo ni Aling Conching. Siyempre, naglilihi, magpapaubaya na siya. Kahit gusto sana niyang sabihin na penge kahit isa lang. "Sige po, better luck next time na lang ako," aniya sa dalawa. "Madam, may nagtitinda rin ng balot do'n sa may gate. 'Yaan niyo, sabihan ko paglabas na dalhan ka." "Ay, naku, 'wag na ho manong, nakakahiya pa," awat ni Yanie sa plano nito. "Hindi naman 'yon nakakahiya, benta na rin niya 'yon. Hindi naman 'yon pupunta kung hindi pabor sa kaniya." "Gusto mo bang lakarin na natin ang papunta sa magbabalut sa may gate?" Nalingunan niya si Grey. 'Di yata at nakita siya na lumabas kaya lumabas rin ito at sinundan siya. "Kaya kong puntahan 'yon kahit hindi mo na 'ko samahan," sagot ni Yanie sa boss niya. Naiinis pa siya rito pero aaminin naman niyang kaunti na lang iyon. Na-realize niya kasi na hindi naman na sila mga bata. Naisip na rin niya ang mali niya sa naganap sa pagitan nila. Sino bang lalaki ang hindi maiinis sa inasta niya? Pero siyempre, alam din niyang mali rin ito sa ginawa nito sa kaniya. "Pasensya ka na sa nagawa ko kanina," ani Grey. Sinundan siya talaga. Siguro para humingi talaga ng pasensya sa kaniya. She shrugged her shoulders. "Wala na 'yon, tapos na. Pasensya na rin sa inasal ko," sabi niyang hindi ito nililingon. "Hindi na ako magpapaliwanag basta sorry talaga, Officer." "Okay lang," simpleng wika ng dalaga rito. "Bibili ka lang ng balut ah, bawal mo pang kainin 'yon." Doon niya binalingan ito. "Ha?" "I mean, hindi ka pa kasi kumakain." "Ah, ano ba ang niluto mo?" "Corned beef, ginisa ko. Kung hindi mo gusto ko ay puwede kitang igawa ng sandwich. Masama na rin kasing mabusog sobra at almost 11 PM na." "Okay." Kibit-balikat na sabi na lamang ulit ni Yanie sa lalaking tila nahihiya naman sa kaniya ngayon. Tinalikuran niya na ito ulit. Sa muling pagbaling niya sa kaniyang nilalakaran ay nagulantang siya. Hindi na pamilyar sa kaniya ang nilalakaran nila… "Grey, parang nakalabas na yata tayo sa subdivision…" Nalingunan niya si Grey na nagtataka na rin pala. Napuna na rin nito na nakalabas na nga sila sa subdivision kung saan nakatirik ang bahay nito. Nasa isang lugar sila na may dikit-dikit na bahay at mangilan-ngilan lang ang mga nakasinding ilaw sa mga poste. Hindi man lang nila iyon napuna pareho! Daldalan kasi sila nang daldalan! "Nakalabas na nga tayo nang hindi man lang natin napuna," ani Grey. "Grey," untag ni Yanie rito. Nang hindi siya pansinin ng boss niya ay napilitan na balingan niya ito, hinila niya ito sa braso matapos niyang ilagay sa sports bra niya ang coin purse at kaniyang cellphone. "D'yan ka lang sa likod ko ha. Kahit ano ang mangyari." "H—Huh?" "Sa likod ang daan palabas. Nagdire-diretso lang naman kasi tayo ng lakad. Nagkamali tayo ng pinasok na lugar at kung hindi ako nagkakamali, ang tatlong lalaking 'yan ay mistulang bantay sa squatter's area na ito," bulong kay Grey ng lady bodyguard niya. Naghubad ng tsinelas ang babaeng pulis. Nanlaki ang mga mata ni Grey nang mabilis din na pinunit ni Yanie ang pajama na suot nito. Nang lingunin niya ang harapan nila ay may tatlo ngang lalaki na papalapit sa kanila… sa tulong ng pupugak-pugak na ilaw ng poste sa lugar na iyon ay malinaw na nakita ni Grey na may mga hawak ang mga ito na tila batuta! "Simulan mo nang umatras, Lexus Grey. Huwag kang papahalata."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD