3:

2479 Words
BALIKWAS na napabangon si Yanie nang rumehistro sa utak niya na nasa ibang bahay siya. "Sh`t! Nakatulog pala 'ko," sambit niya sa sarili nang makaupo na siya sa kama. She checked her wrist watch, ganoon na lang ang panggilalas niya nang mapagtanto niyang alas diez na ng gabi! Kaninang hapon ay pumasok siya sa kuwartong laan sa kaniya ni Grey. Nag-ayos lang siya ng gamit doon dahil magmula nang kumain sila ng tanghalian ay hindi bumaba ang binabantayan niyang binata. Hindi naman niya akalain na makakatulog siya pagkatapos niyang maligo! Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto. Hindi puwede ang ganun. Hindi puwedeng ang sarap na ng tulog niya gayong hindi niya pa sigurado ang lagay ng kaniyang binabantayan. Humahangos na tinungo niya ang kuwarto ni Grey. "Gre—" naudlot ang pagtawag sana ni Yanie sa boss niya. Nang buksan niya kasi ang pinto ay tumambad sa kaniya ang dalawang pigura na magkasukob sa comforter sa ibabaw ng kama! Napapikit siya sa inis sa sarili. Dahil sa pagtulog niya ay nakapuslit ang binabantayan niya at nakapag-uwi na ng babae nang hindi niya namamalayan! "Grey, itigil mo na 'yan," mahinahon niyang sabi. Naka-cross arms na siya sa paanan ng dalawa. Sa dami na ng assignment na nahawakan niya ay normal na ang ganoong tagpo sa mga tulad niya. May mga kaso silang hinawakan na paghuli sa babae ng mister at vice versa, ganun na ganun ang eksena, hindi na bago sa kaniya. Pero dahil nasa kasarapan ang dalawa ay hindi siya narinig ng mga ito. Mula sa malamlam na ilaw na nanggagaling sa lampshade ay kitang-kita niya ang tumitirik na mga mata at pawisan na mukha ng boss niya. Ito kasi ang nasa view niya habang ang babae naman na blonde ang buhok ay umaalon na tila uod sa ibabaw nito. Napakamot si Yanie sa buhok na naka-shave ang ilalim. Lukot ang ilong niyang hinaltak ang comforter na nakataklob sa dalawang naglalampungan. "Sinabi ko nang itigil niyo 'yan e!" bulyaw niya sa dalawa pagkuwan. "Oh my ghad!" Namilog ang mga mata na bulalas ng babaeng blonde. "G—Grey, sino siya?!" baling nito sa kaulayaw, may hint na ng galit ang boses, nakahuma na at mukhang nagselos pa yata. Tsk, hindi na nahiya. "Ano ba? Dapat ay umalis ka na sa ibabaw niya," angil niya sa babae. "'Yon ang tamang reaksyon sa ganitong sitwasyon." "Ni-lecture-an mo pa, kung aalis 'yan, e, 'di nakakita ka ng sawa," pagsingit ni Grey. Nagkasalubong ang mga mata nila. "Bodyguard ko siya," anito sa babae nang iwan ang mga mata niya. "B—Bodyguard?" Pinagmasdan siya ng babaeng blonde mula ulo hanggang paa. Tinaasan niya lang ito ng isa niyang kilay. "Oo, kaya pagbilang ko ng tatlo ay maghiwalay na kayo." "Baka sampung minuto pa 'to," si Grey ang tumawad. Sinulyapan na naman siya. Pinandilatan niya naman ito. "Labas na, Officer, lalabas na rin 'to, malaking problema 'pag hindi ito mapalabas. Alam mo na." "Gago talaga 'to!" naiinis na sambit ni Yanie. Pero mas gaga ang babae nito, hayun, gumiling-giling lang naman at hindi siya pinansin! Nagsipag-ungol na ang dalawa. Nagkiskisan naman ang mga ngipin niya. Kung inaakala nito na takot siya sa sawa, puwes, ibahin siya nito sa mga babaeng nakapiling nito! "Hindi kayo maghihiwalay ha," banta niya pa bago niya hinaklit ang magkabilang bewang ng babaeng nasa ibabaw ng boss niya—Oo, binuhat lang naman niya ito paalis sa kinasasalpakan nitong… Sawa nga… Hayun, tirik pa nga at talagang pinagmasdan niya pa ang kontrobersyal na sawa ng boss niya! Hiindi naman din tinakpan iyon ng siraulong lalalaki na tumatawa na ng mga sandaling iyon! Clenching her fist, she said, "Pilyo ka talaga sa babae "Hay naku, ang KJ, daig pa ang jowa," bulong naman ng babaeng blonde. Binalingan niya naman ito. "Pumasok ka na sa banyo at magbihis ka na. Magsarili ka na lang para makaraos ka, okay?" aniya rito. "Eto, itong panty mo, nakasabit pa sa lampshade, napakabalahura niyo," panenermon pa ng opisyal. Inirapan lang siya ng babae, kinuha sa kaniya ang panty nito sa padabog na paraan saka padabog din na nagmartsa ito papunta sa banyo. Nang balikan niya ng tingin si Grey ay nakatalukbong na ito ulit ng comforter sa ibabang bahagi ng katawan nito. "Hindi ka nakakatuwa." Ang tinamaan ng magaling, nginisian lang siya! "Pero ikaw ay oo, Officer," tugon ni Grey sa tonong tila ito ay nang-aakit. Tinaasan niya ito ng kilay. "Magbihis ka na, wala nang mangyayari pa sa inyo ng babaeng 'yon dahil ihahatid ko na siya palabas. Magtuos tayo mamaya." "Sa kama?" Tinalikuran na nga ito ni Yanie dahil naiinis siya sa biglaang pagpuri ng isip niya sa kag'wapuhan nito habang pawisan, nagsalita pa talaga! Alam niyang malaking factor lang ang kagagaling lang nito sa exercise na nakakapagpa-glow kaya ganun ang naging reaksyon niya sa itsura nito ngayon. Though, alam naman niyang magandang lalaki ito. Babae siya, marunong siyang tumingin niyon. Pero hindi tama na sambahin niya ito sa sensuwal na paraan. Isang araw ka pa lang sa trabahong ito, Yanie, umayos ka! Mariin na napapikit siya muna bago binalingan ang amo niya. "In your dreams," paangil niyang sagot dito. As usual, tumawa na naman ito. "Officer, I wonder what a woman like you can do in bed that no one could. Ang lakas mo e, nabuhat mo 'yong babae." Tinaas lang niya ang middle finger niya rito bilang tugon. Babae raw, ni hindi pa yata alam ang pangalan ng nakaulayaw. Unggoy talaga ang isang ito. Well, at least, nakasupot ang sawa. Safe jug is a must. Major turn on—ano ba ang pinagsasasabi mo sa sarili mo, Yanie Lachica! "Darling, ang pera mo ay nakadiretso na sa account mo," ani Grey sa babaeng kanina lamang ay nakalingkis dito. Narinig niya pa iyon nang makatalikod siya kaya sinilip niya na ang babae at baka magtagal pa roon. "Halika na, miss, ihahatid na kita palabas," untag niya sa babaeng dumukwang at dinampian ng halik ang t'yan ng lalaking pinaliligaya nito kanina lang. "Hay, oo na." Saka nagdadabog pa rin ang babaeng blonde na sinunod nito ang gusto niyang mangyari. "'YANG buhok mo, required ba 'yan sa trabaho mo?" tanong ni Grey sa lady bodyguard niya. Nilapag niya ang isang tasa ng kape na kaniyang tinimpla para sa kanilang dalawa kahit hindi naman ito humiling. Kahapon pa niya napuna ang buhok nitong iyon. Hindi akma para sa babae. Naka-shave ang bandang ibaba ng buhok nitong itim na itim at shiny pa naman. Mas prominent iyon ngayon dahil nakapusod ang buhok nito unlike kaninang umaga at kahapon na nakalugay iyon. "Hindi ka inaano ng buhok ko, puwede ba?" pasuplada na naman na tugon nito. Tinanggap ang kape, hinigop. Pagkatapos nitong istorbohin ang kasiyahan na nagaganap kanina sa kuwarto niya at ipatawag siya, manunuplada lang pala. "Parang nagtatanong lang naman." "Hindi required. Choice ko lang." Uy, sumagot naman kahit emotionless na naman ang facial expression. "Ah, kung ako kasi ang boyfriend mo ay magagalit ako sa tabas ng buhok mo." Nakangising ani Grey. "Malas mo, hindi kita boyfriend." Pagak siyang natawa. "So, straight ka pala?" Hindi naman sa iniisip niyang hindi. Natanong lang ni Grey talaga para may mapag-usapan sila nito. Kung tutuusin ay maganda si Yanie. Babaeng-babae nga ang katawan, hindi lang niya sure kung malambot din ito dahil sa klase ng trabahong meron ito. Bakit namab kasi ito nagpulis? Bakit din ang gaspang ng ugali nito para sa babae? "Grey Henson, gusto kong ipaalala sa 'yo na nakatanggap ka ng death threat na may kinalaman sa pagiging palikero mo." Natawa na naman siya. Hindi nito sinagot ang pabiro niyang tanong. "Well, masisisi mo ba 'ko? Nasa withdrawal process pa lang ako," he said, shrugging his shoulders. Napaawang ang labi ng pulis sa hindi pagkapaniwala. "Come again? Withdrawal process?" Tatawa sana siya ulit, nabitin nga lang nang ilapag ng babaeng kausap niya sa mesa ang revolver nito. Para tuloy sinasabi nito sa kaniyang ayusin niya ang mga sagot niya. Na huwag siyang magkakamali. "O—Oo ah, withdrawal process naman ang tawag sa bisyo na binabalak nang itigil," pangangatwiran niya. "So, sinasabi mo na bisyo mo na ang babae?" "E, ano pa ba ang tawag do'n? Hirap na 'kong iwasan." Napapalatak ito. "Kaya naman pala nakatanggap ka ng death threat, takte!" hindi makapaniwalang bulalas ng opisyal. Napalagok siya ng kape ulit nang damputin ni Yanie ang revolver at inikot iyon sa daliri nito. "Ibaba mo naman 'yan, baka maiputok mo pa." Inismiran siya nito. "Pang-exercise ko sa daliri ko 'to." "Itigil mo na rin ang ganyang exercise 'pag kaharap mo 'ko, puwede ba? Kinakabahan ako—" Awtomatikong napaatras ang leeg ni Grey nang itapat ng babae ang nguso ng baril nito sa mukha niya. Kandatapon tuloy ang kape! "Walang bala 'to," ani pa nito. Tinesting nga ang baril, wala ngang bala. "Alas doze na ng gabi, matutulog na ako, may pasok pa 'ko bukas," naiinis na paalam niya. Tumayo na siya, tapos na rin naman siyang magkape. Dinala niya sa lababo ang pinag-inuman niyang baso. "Huli na 'yan. Nakatulog lang ako kanina pumuslit ka na," may pagbabanta sa tonong sabi ni Yanie. "Haist, oo na, oo na." Lukot ang ilong naman na tugon niya. "Malinaw na usapan 'yan ha? Sa susunod na gawin mo pa ulit, ire-record ko na kayo para pagkakitaan naman kita." "Ano?" Tumigil ang babaeng pulis sa paglalakad. Iiwan na kasi siya sana nito matapos na ibigay sa kaniya ang pinag-inuman nito. "Ire-record ko. Ibebenta ko sa p**n sites. Perang maliwanag 'yon 'pag nagkataon." Napailing si Grey. "Ayos ah." "Ayos na ayos talaga iyon," mapang-asar pang sambit sa kaniya ng babaeng opisyal. "Para kang misis na nang-a-under ng asawa ah." SIRAULONG lalaki, piping bulalas na lamang iyon ni Yanie sa sarili niya. Iniwan na niya si Grey pagkatapos niyang magkape, kahit hindi pa man sila tapos na magkausap. Binalewala niya na ang huling sinabi nito na tila siya misis na nang-a-under. Misis nino? Nito ba? Dahil anak ng revolver, hindi mawaglit sa isipan niya ang nakitang sawa kanina na may supot! Pasabi-sabi pa siyang normal lang sa kaniya ang kaniyang ginawa pero hayun at siya itong parang masisiraan na ng bait habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng binatang amo niya ay pumapasok sa isip niya ang ipinagmalaki talaga nitong sawa sa kaniya. Ano kaya ang kulay niyon kung hindi malamlam ang ilaw kanina sa kuwarto? Pink ba o Red? Mestiso kasi si Grey… "Ahhh! Buwisit!" Inis na nasabunutan na lamang niya ang sarili sa mga kaganapan ng kaniyang imahinasyon. Ililigo na lamang niya iyon. Baka sakaling sa pagligo ay sabay na mahugasan ang kaniyang maruming utak. MAAGA pa lamang ay nakatindig na sa tabi ng sasakyan niya si Yanie. Ni hindi ito sumabay sa kaniyang kumain ng agahan dahil sa obvious na rason na tapos na itong kumain. Napangisi siya nang makita niya ang itsura ng kaniyang bodyguard. Simpleng pants na skinny maong jeans, boots na brown at plain na brown shirt ang suot nito ngayon. Hapit ang lahat sa katawan nito at nakadagdag sa astig nito ang ahit sa dulo na buhok. Ngayon kasi ay nakapusod sa pagkataas na paraan, mukhang nakapomada pa nga iyon. Basta, ang sexy ng lady bodyguard niya. "Magandang umaga, Officer!" Nakangising bati niya sa emotionless niyang lady bodyguard. "Good morning." Sumasagot si Yanie, wala yatang toyo. "Anyway, dahil ikaw naman ang bodyguard, maaari bang ikaw na ang maging driver?" "Sure," tipid nitong tugon. Saka walang salita na pumuwesto na nga sa driver's seat. "Ganyan na lang pala, ikaw na ang driver c*m bodyguard ko," aniya rito nang makaupo na sila pareho sa front seat ng kaniyang Dodge Challenger. "Walang problema, Grey," seryosong tugon ni Yanie. Binilin niya rito na huwag siyang tawagin na sir o boss, masunurin naman pala at madaling maka-adapt. Buti naman. "Bakit ang suplada mo naman ngayon? Parang kagabi lang ay magkausap tayo at nagkape pa," biro niya sa dalagang pulis. Wait, baka taken na pala ito kaya gano'n? "Wala naman akong sasabihin sa 'yo," tugon na naman nito sa neutral na tono. "Wait, magtanungan tayo para pangtanggal inip, game ka ba?" Sulyap ni Grey sa babaeng pokus ang mga mata sa kalsada. Swabe pala itong magmaneho. "Fire away." Napangisi siya. "Okay, mauna na ako ha, may boyfriend ka na ba, Officer?" "None." Napakatipid sumagot nito pero puwede naman niya iyong mapahaba. "Bakit wala? Wala ka bang manliligaw?" Sinulyapan siya ng babae sa pagkakataong iyon. "Hindi ako nag-e-entertain ng suitors. Breadwinner ako sa family namin." Kinagulat iyon ni Grey. Wala sa itsura nito ang breadwinner ah. Well, nasa ugali naman. Kaya siguro tuso ito. "Kung binabalak mo 'kong ligawan, basted ka na kaagad," pahabol na sabi pa ni Yanie sa kaniya. Pagak naman na natawa ang amo ng opisyal. "Hindi kita type." "Fine." Hindi makapaniwala Grey na ganoon kadaling kausap ang pulis. Kung ibang babae kasi ang sinabihan niya ng ganoon, hindi naman sa pagmamayabang pero tiyak na naglumpasay na. Kapag sinabi kasi ng lalaking tulad niya na hindi ikaw ang tipo nito, basted na ang kahulugan niyon sa point of view ng isang babae. "How old are you, Officer?" tanong na lang niya rito. "Mas matanda ako sa 'yo ng isang taon." "Really…" "Ako naman ang magtatanong, puwede ba?" "Shoot." Nakataas ang isang kilay na tugon niya naman sa lady bodyguard niya. "Pinakain ka ba ng lolo mong si Don Vlad ng wetpaks ng manok?" "Huh? Wet—what?!" Yanie smirked. "Oo, wetpaks—p'wet ng manok. Aba naman e, nagtataka lang ako, putak ka kasi nang putak." Nalukot ang mukha niya sa sinabi nito. Nakaisip naman siya agad ng igaganti. "Anong favorite color mo?" Pagak na natawa ito bago siya tapunan ng sulyap ulit. "Hah! Talagang nagtatanong ka pa! "Sumagot ka na lang." "Oo na," Inirapan siya ng babae katabi bago ito nagkambyo. "Actually ay wala." Ang tino talaga kausap ng babaeng ito! "Okay. Natanong ko lang naman dahil akala ko ay pink," simple at painosenteng sambit ni Grey. "Ano?!" bulalas agad ni Yanie. Nakahinto sila kaya nagkaroon ito ng pagkakataon na harapin siya. "P—Paano mo nasabi 'yan?" anito sa kaniya, kandautal pa na tila naman may mali sa sinabi niya. Tumaas ang sulok ng labi niya. Well, nang-iinis lamg naman kasi siya. "Officer, huwag mo sanang masamain ang sasabihin ko pero pink kasi ang nakikita kong kulay ng panty mo ngayon." Sinundan nito ng tingin ang niyuko niyang kunwa'y panty nito. Nang mapagtanto naman na pinaglalaruan niya lang ito ay gigil na gigil na nagkiskisan ang mga ngipin nito. "O, easy lang. Galit ka na naman ka'gad e." "Hindi ako kahit kailan nagsuot ng pink na panty magmula nang maging pulis ako!" "Talaga?" Mabalasik siyang tinapunan ng tingin ng bodyguard niya. "Pero ikaw, nakakasiguro akong laging pink 'yang nasa gitna ng hita mo dahil ang alaga mong sawa ay kulay pink!" Ang pinakawalan na halakhak ni Grey Henson ang sumunod na pumuno sa loob ng sasakyan na pag-aari nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD