6:

1922 Words
"MATAGAL na rin kaming sabik sa outsider na mga bisita. Hindi ba mga kakosa?" "'Wag kayong matakot sa amin, iwe-welcome lang naman namin kayo…" Mga nakakalokong nagtawanan pa ang tatlong lalaki habang papalapit ang mga ito sa kanila ni Yanie. "Palabasin niyo kami sa lugar na 'to, hindi namin sinasadyang makapasok dito," ani Grey. Mas lumakas lang ang tawanan ng tatlo. "Puwede rin naman naming sabihin na hindi namin din sinasadya kung mapatay namin kayo rito. Hindi ba, chief?" pagkausap kay Yanie ng tila lider sa tatlong matipunong mga lalaki na kaharap nila. Napasinghap siya, alam ng mga ito na pulis si Yanie! "Y—Yanie…" pagkuha niya sa atensyon ng babaeng pulis ngunit hindi siya pinansin nito. Nang sulyapan niya ito ay seryoso lang na nakatingin ito sa mga lalaking papalapit sa kanila. Patuloy rin silang umaatras lang. Pero mas mapapasinghap pa pala si Grey nang simulan na ng isa sa mga lalaki na iwasiwas ang hawak nitong batuta sa ere na tila hinahanda nito iyon upang ihampas na—sa kaniya! Wala sa sarili na napaupo siya. Awtomatikong isinalag niya ang sariling mga braso sa kaniyang mukha't napayuko rin siya. In his fetal sitting position, napadilat siya nang maalala niyang hindi nga pala siya nag-iisa! "Yanie!" tanging naibulalas ni Grey. Pag-angat kasi niya ng ulo ay napagtanto niyang mag-isa lang siyang nakayukyok sa sulok at ang babaeng tinawag niya ay kasalukuyan nang nakikipaglaban sa tatlong 'di hamak na mas malalaki pa rito! Nagawa ni Yanie na masangga ang batuta na sana ay tatama kay Grey kanina. Naipalit din niya ang sarili niyang braso at nagawa niyang mailayo ang batuta na hawak ng isa sa tatlong lalaki. "Tumakas ka na, Grey!" utos ng babaeng pulis sa natigagal nang binata. "No!" Yanie just rolled her eyes. Saka patamad niyang winaksi ang mga palad ng dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang pulsuhan niya. Hawak siya ng mga ito, pinagkaisahan nga siya kaya naiintindihan niya si Grey kung ayaw siyang iwan. "Just stay there!" utos niya ulit sa boss niya. Pagkawaksi niya ng kaniyang sariling pulso sa mga ito ay mabilis siyang tumambling sa ere—nang sa gayon ay sundan ng tingin ng dalawang lalaki ang galaw niya. Sa ganoong paraan din lang niya kasi magagawang masipa mula sa dalawa ang mga hawak nitong batuta. "Officer! Sa likod mo!" Kahit hindi naman isigaw iyon ni Grey ay alam na niyang papalapit na sa kaniya ang isa pa sa tatlong lalaki. Nakita niya kasing sinugod iyon ng boss niya kanina dahil papalapit nga sa kaniya. Sa peripheral vision niya ay nakita niya rin kung paanong tumilapon si Grey Henson sa akma nitong pag-awat sa paglapit sa kaniya ng goon na iyon. Oo, hindi nga nagtagumpay ang lalaki na mailigtas siya sa kahit isa sa tatlong goons na kanilang naka-encounter. Buntonghiniga at naggalawan ang kaniyang mga panga, mabilis na kumilos si Yanie—ginamit niyang hagdan ang mga balikat ng dalawang lalaki nasa magkabilang tabi niya habang hindi na nakakahuma ang mga ito sa pagkakatilapon ng mga sandata. Nang sa gayon ay maharap naman niya ang lalaking isinisigaw ng boss niyang nasa likod niya. Dama niya pa ang paghabol sa kaniyang mga paa ng dalawang lalaki. Sinipa lang niya ang mukha ng mga ito bago mabilis na lumipad ang isa niyang binti sa isa pang lalaking papasugod sa kaniya. Nang makatapak na ulit ang mga paa niyang wala nang sapin sa lupa ay hindi pa tapos ang laban. Kaagad na dinukot niya ang kaniyang baril at teaser gun na nasa holster belt niya, walang sabi na itinutok niya iyon paikot sa tatlong kalalakihan. "Walang lalapit!" anang babae sa tatlo habang humahakbang na siya paatras upang makalapit na siya kay Grey. Itinutok niya ang señorita sa ulo ng isa sa tatlo at ang teaser gun nama'y itinapat niya sa pundilyo ng isa sa mga ito. "Ang lumapit, pasasabugin ko ang mga ulo," saka matapang niyang banta. "Mauna na lang kung ulo sa itaas o ibaba ang malas na unang sasabog." Nang maramdaman niya ang mga palad ni Grey sa magkabila niyang bewang ay lumuwag na ang paghinga niya. Pero may katigasan ang ulo nito kaya makikipagpalitan pa siya ng putok sa mga goons habang papatakas sila. Ah, mukhang hindi na pala kailangan… Nasilaw na kasi sila sa paparating na mga sasakyan. Nagsidatingan na ang mga baranggay officials ng lugar na may escort na police mobile. Tsk, mukhang hindi talaga pasasanto ang mga na-encounter nila at kinailangan pa ng local government unit doon ng escort. "Let's go, Officer," kayag sa kaniya ni Grey. Breathing heavily, napadiretso na siya ng tayo. "Yeah. Kakausapin ko lang ang mga pulis," hindi lumilingon dito na sagot naman niya. Akala niya ay luluwag na ang paghinga niya dahil tapos na ang pakikipagpanumbuno nila sa tatlong goons sa lugar na iyon… Pero mas lalo lang palang hihigpit ang daanan ng hangin niya dahil ang mahusay lang naman niyang amo, pumulupot na nga sa bewang niya ay dumantay pa sa kaniyang balikat at likod—damang-dama na naman niya tuloy ang naninindig na pang-ibabang bahagi ng katawan nito! "Sumuko ka na, Baby Officer, awat na," bulong sa kaniya ni Grey sa malumanay ngunit maharot na paraan. Pagak na lang siyang natawa at napailing. Alright, nakaka-speechless nga ang katigasan na pinamamalas ng alaga na iyon ni Grey sa kaniya. Pero natuwa naman siya at sa kaalaman kasi na iyon ay isa lang ang ibig sabihin—tapos na itong matakot. "L—Ligtas na tayo. Ligtas ka na, Grey Henson." Nahimas na lamang niya ang buhok ng boss niya't kaniyang binalewala na lamang ang panlalandi nito. "HINDI mo na kasi dapat na sinangga ang batuta," paninisi sa kaniya ni Grey habang dinadampian nito ng yelo ang braso niya. Nakauwi na sila ng bahay, kasalukuyan na nilang nilalapatan ng first aid ang mga natamo nilang sugat sa naganap kanina. "Malayo naman 'to sa bituka. Haist, dampian mo na lang ng yelo, 'wag ka nang magreklamo." Nakaingos niyang sagot sa lalaki. "Matindi pa rito ang pinagdaanan namin sa training." "Alam ko naman na ganyan ang sasabihin mo." Lukot ang ilong naman nitong sambit. "Alam ko rin na sasabihin mong ayos ka lang kahit sa tingin ko ay dapat na natin itong ipatingin sa ospital dahil ang laki ng pasa. "Magpapasa talaga 'yan kasi nga nahataw. Kanina ko pa 'yon sinasabi sa 'yo." "Paano nga kasi kung pati sa loob ay nabugbog na 'yan?" Marami pang sinasabi si Grey pero natigilan na siya. Hindi na niya naipaglaban ang paniniwala niya patungkol sa nasaktan niyang braso dahil naku naman, g'wapo talagang tunay ang malandi niyang boss. Parang mas gumandang lalaki pa nga ito ngayon na napagmamasdan niya nang hindi nito nalalaman… Kaya hindi niya rin talaga masisi ang mga babae na magpakagaga sa mga ito. Tama si Page, bukod sa g'wapo si Grey e may personality pa ito na malakas makahatak ng babae—malandi nga ito kasi at malikot. "Gusto kong ipaalala sa 'yo na hindi pa iyon ang tunay natin na kalaban. Aksidente pa lamang ang nasuotan natin kanina, Grey Henson," seryosong saad niya rito. Natigilan ito. Napatitig sa kaniya. Titig na ayos na sana kundi sana ito ngumisi pagkuwan. "Kumusta na nga pala ang pag-imbestiga mo ro'n sa pink na sawa? Sabi ni Blue ay naipadala na ni Red sa 'yo ah." Naipilig niya ang sariling ulo. Sabi na nga ba niya ay iyon ang sasabihin nito. "Hayun, nakumpirma ko naman ang hinala ko." "And? What do you mean by that?" Mataman niyang pinagmasdan si Grey. "Ano ang gusto mong unahin ko? Iyong tungkol sa mga magulang mo o ang tungkol sa kung sino ang nasa likod ng death threat mo?" Tumaas ang isang sulo ng labi ng boss niya. "Honestly? Wala, Yanie." Napaamang siya. "H—Huh?" saka naguguluhan niyang wika. Paanong wala itong gustong malaman? Nag-effort siya na alamin ang kung sino ang mga magulang nito para mapatunayan niya hindi lang ang kakayahan niya rito maging ang pagtatrabaho niya sana nang maayos at marangal! "Sarilinin mo muna ang impormasyon na 'yan," dagdag pang ani ni Grey. Hindi alam ng dalaga kung bakit sa pandinig niya ay tila nakakaakit ng tinig ng boss niya. O pagtatakahan niya pa ba iyon gayong alam naman niyang may kalandian talaga ito? "Ba—Bakit naman? Puwede ko bang malaman kung bakit?" Napapikit na lang si Yanie nang walang busina na hipan ni Grey ang buhok niyang nahulog sa harap ng kaniyang mukha. Ah, graduate talaga ang lalaki sa Kalandian Academy with flying colors. Ang init kasi ng binugang hangin mula sa bibig nito ay humalo rin sa mint ng mouthwash na siyang ginamit nito panigurado… gumawa iyon ng matinding kiliti sa buong sistema niya na hindi man niya aminin sa lalaking kaharap ay nakasisiguro naman siyang alam nito iyon. Wala kasi sa loob na napapikit siya upang damhin ang samyo ng mabango nitong hininga na tumama sa pisngi niya. "Hindi ko pa kasi gustong mawala ka, Yanie." "Ha?" Mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo. "Kung masasabi mo na kasi 'yan lahat sa akin ay pagkatapos ng trabaho mo ang kasunod, Ms. Officer." "B—Bakit hindi mo ba gustong mawala ako sa tabi mo?" Grey chuckled. "Hindi ko pa alam kung ano ang sagot d'yan e, bukod sa totoo lang ay nakakabaliw ang napakalambot mong katawan na contrast sa pinapakita mong roughness." Siya naman ang pagak na natawa. "Mahusay ka talaga ah, hindi lang manglandi, kahit mambola." "Kung bumibingi sa 'yo ngayon ang pintig ng puso mo, sa tingin ko ay dapat mo nang tanungin ang sarili mo kung nambobola pa ba 'ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay ang puso ang pangunahin na nagpapagana sa pag-ibig, Agent Canny." Sadyang hindi na siya hinintay ng lalaki na makasagot. Sadyang ginawang palaisipan nito ang sinabi sa kaniya dahil tumayo na ito at iniwan siya roon nang nagtataka at pilit na ina-absorb ang mga sinabi nito… Bakit ba nito nahulaan na bumibingi na nga sa kaniya ang pintig ng puso niya ng mga oras na iyon? Nasa ganoong estado si Yanie nang mamataan niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang ilaw ng sasakyan na tumama sa kurtina ng bintana ng bahay na iyon ni Grey. Masyadong malapit ang ilaw sa puwesto ng bahay kung saan din siya nakikituloy kaya hindi na mahirap para sa kaniyang i-assume na ang bahay ng boss niya ang pakay ng sakay ng kotse. But at this hour? 12:30 AM na ayon sa wall clock na nilingon niya muna bago siya lumabas ng bahay upang tignan ang kung ano ang naging pakay ng sasakyan na iyon sa bandang gate kung saan tila ito huminto kanina o nagmaniobra. Hindi nga siya nagkamali. Sila nga ang pakay ng sasakyan na nagdaan. Nasilip na kasi niya ang isang basket mula sa peephole ng gate na bakal. "Sh't," bulalas ni Yanie, saka siya nagmadaling tumakbo sa loob ng bahay upang itsek ang CCTV monitor. And there, hindi nga siya nagkamali... Kilala na niya kung sino ang nagpapadala ng death threat sa kaniyang boss ngunit hindi niya sinabing sigurado siyang nag-iisa lang iyon dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang investigation niya sa rason kung bakit niyon kailangan na padalhan ng mga gulay na may tapyas ang bawat dulo si Grey—bukod pa sa siyempre ay alam naman na nilang ang rason ay maliwanag na dahil sa pagiging palikero ng huli. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang tinungo ang kuwartong inookupa niya, ire-report niya na lahat ng nalaman sa tunay niyang boss—kay Don Vladimir Henson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD