7:

2952 Words
"ANO?! Nawawala si Tatay? Aba, hanapin niyo!" Yanie paused, pinakinggan niya ang sinasabi ng kapatid niya sa kabilang linya. "E, kung wala na talaga, wala na sigurong balak bumalik, hayaan niyo na. Gano'n talaga, kapag ayaw nang bumalik, wala kayong magagawa," aniya sa kapatid niyang sumunod sa kaniya. Hinigop niya ang kaniyang kape saka naglakad-lakad siya at stress ang sinasabi ng kapatid sa kaniya. "Ah, nilagnat pala e, wala naman akong magagawa sa problema na 'yan at narito ako sa Maynila. Ano ba naman, Yassi—" naudlot ang sinasabi niya. Paano ay sa kalalakad niya, tumambad sa kaniya ang mabalahibo, namamawis na matipunong dibdib ng boss niya. "'Wag na wag mong ibubuga 'yan sa 'kin, Officer," ani Grey, sinapo ng palad nito ang bibig niya. Okay, napilitan siyang lunukin ang kape nang 'di oras! Tatawa-tawa naman na binitiwan siya ni Grey. "You're so cute." Añe rew? "Yas, sige, sige na, nandito na ang boss ko," paalam niya na lang sa kapatid. "Magandang umaga." Nakangiwii niyang bati sa lalaking hindi niya maintindihan kung bakit pakalat-kalat nang walang saplot sa pang-itaas na bahagi ng katawan—ngayon lang nito ginawa iyon—grabedad! Umiling si Grey, nakangisi. Dumiretso sa fridge at kumuha ng maiinom doon. "Si Yassi ay kapatid mo?" "Ha? Ah—oo, oo." Kagat labing tugon niya sa boss niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nahiya rito ngayon pagkatapos ng naging pag-uusap nila kagabi. Monday ngayon kaya alas diez na ng umaga ay naroon pa sila nito sa bahay. Every Monday kasi ay after lunch na ito pumapasok sa office. "'Yung tatay niyo ay nawawala? Tama ba ang dinig ko?" Hindi niya alam kung tatango siya o ano, nagtatanong naman kasi ang boss niya habang nilalagok ang tubig—mare, ang adams apple, nang-aakit kasabay nang abs nito! Jusmeo! "M—Medyo," tipid na lang na sabi ni Yanie. "Ahm, kakain ka na ba? Gumawa ako ng sopas." Grey shrugged his shoulders. "Later, maybe. Kakatapos ko lang mag-exercise e." Obvious naman! "Sige, ikaw ang bahala." Inubos na niya ang kape niyang natira sa tasa. "Kung nawawala pala ang tatay niyo ay bakit hindi natin sila saglitin? Tumulong tayo sa paghahanap," suhestyon ni Grey. Mataman na nakatingin sa kaniya. Yanie's eyes widened. "Naku, naku, mali ang inaakala mo. Aso namin ang nawawala." "A—Aso? Tatay mo… ay aso?" Pagak siyang natawa. "Oo e, 'yung aso kasi na 'yon, naligaw sa bahay namin no'ng panahon na umalis papuntang Saudi ang tatay namin." "Oh, I get it, pinalit niyo ang aso sa tatay niyo?" Lukot ang mga kilay at hindi makapaniwalang tonong bulalas ni Grey sa kaniya. Mas natawa siya. Napakamot siya sa leeg niya. "E, gano'n na nga…" "Tsk. Grabe naman 'yon," komento nito. "Si Nanay naman ang nag-decide no'n at hindi kami. Saka hindi na rin naman bumalik ang tatay ko nang umalis siya. Hinanap namin siya, hindi naman nagpahanap." "Akala ko ba expertise mo ang maghanap ng nawawalang tao, Officer?" "Grey, gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi mahahanap ang isang tao o hayup na ayaw naman magpahanap." "Sabagay, iba naman ang kaso ko 'no? Wala kasi akong hahanapin." "Wala na ngang talaga." "Hey, 'wag kang magsalita. 'Wag kang gagalaw…" "H—Huh…?" Napalunok na lang si Yanie nang inilang hakbang ni Grey ang pagitan nila. Saka siya mariin na napapikit nang mag-angat ng isang palad ang lalaki, lumipad iyon sa kaniyang collarbone. "May langgam," anito. Napadilat siya. Noon lang niya nalaman na pigil na pala niya ang kaniyang hininga. Pinakita ni Grey sa kaniya ang nakuha nitong langgam sa bandang collarbone niya. Haist, ano ba ang ginagawang ito ng boss niya? Inaakit ba siya nito? "Bakit parang kinakabahan ka, Officer?" "D—Dahil… nanglalandi ka na naman," lakas loob niyang turan dito. Tumaas ang isang sulok ng labi ng boss niya. "Bakit alam mo?" "Dahil kilala na kita." Pagak na natawa ito. Nag-cross arms nang tumapat sa harapan niya. "Honestly, hindi kita inaakit. Nagkataon lang na narinig kita kaya lumabas ako sa kuwarto para mag-suggest nga na kung gusto mong pumunta tayo sa inyo para makihanap sa mga kapatid mo. Turns out, wala naman palang tao na hahanapin." "Salamat sa suggestion but no thanks, Grey Henson. Excuse me, check ko lang ang sopas." Kailangan niyang talikuran ang boss niya kung ayaw niyang muling madarang sa gandang lalaki nito. Kaya lang, the moment na binuksan niya ang takip ng kaldero ay hayun na naman ang hininga ni Grey, this time ay nasa gawing batok niya! "Bakit marami kang langgam? Saan ka ba nagsuot?" Inosenteng tanong pa nito. Pinagpagan pa ang likod niya. Napahugot ng hininga ang dalaga. She pressed her lips before she turned around upang harapin ulit ang boss niya. "Ano ba ang problema mo, Grey?" "Gusto mong malaman? Wala naman akong problema kundi ikaw, Officer." "Anong ginawa ko sa 'yo ha?" Naiinis niyang kastigo rito. Kung alam lang nito na ito nga ang mas nakakainis. Ang kalandian nito ay hindi na niya kinakaya! "Akala ko ay okay na tayo, na nakapag-usap na tayo kagabi pero sinabi mo pa rin pala kay Grandpops na alam mo na kung sino ang nagpapadala ng death threats," ani Grey sa mariin na tinig. Hindi naman ito galit pero parang nagtatampo…? "Grey, listen, 'yun ang trabaho ko sa lolo mo—" "Hiningi mo rin ang permiso niya na sabihin mo sa akin kung sino ang tunay na mga magulang ko." "Iyon ang dapat." "Mali, Yanie. Iyon ang inaakala mo lang na dapat. At nakakainis 'yun gaya nang pagpipilit mo sa akin na ilabas ko ang p*********i ko sa 'yo no'ng isang araw." Again, hindi naman galit ang tono ng boss niya pero naghihinampo ito, iyon ang malinaw sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung saan galing ang urge na bigla ay nais niya itong yakapin. Ah, sino ba ang niloko niya? Nang malaman niya kung sino ang tunay nitong mga magulang ay naawa naman talaga siya rito. "I'm sorry, alam kong hindi ko dapat na ginawa 'yon pero nasabi ko naman sa 'yo na nag-init ang ulo ko dahil nahulaan ko na sa saglit na pagkawala ko para ikuha ka ng kape ay nakapuslit ka na at—" "At ang husay mo nga, hindi ba? Sobrang husay mo. Akalain mo, sa sandaling oras na 'yon, nang dahil sa pink na sawa na pinapalabas mo ay alam mo na kaagad kung sino ang baliw na nagpapadala ng mga pesteng gulay na 'yan!" Alright, itinuro nito ang mga gulay na nasa loob ng fridge. Sayang naman kasi iyon, makunat nga ito kaya inilagay nito iyon doon. "Dahil sa 'yon ay sinadya niyang gawin! Nagpakilala siya sa akin through your c**k, Grey. Ano pa ba ang malabo sa 'yo ro'n?" Para silang tanga roon. Para silang mag-asawa na nag-aaway—nang dahil oo, sa pink na sawa nga nito. "Paano kung ang lahat ng ito ay hinala mo lamang?" Pagak siyang tumawa. "Check the replay of your CCTV last night, then," hamon niya rito. "Nagpunta siya rito kagabi. Para saan pa nga naman na itago pa niya ang identity niya e, alam ko naman na kung sino siya. Naghihintay na lang ako ng warrant of arrest—" "Hindi mo 'yan gagawin," matigas na wika ni Grey. Napakunot noo siya. Bigla ay gusto niyang mainis sa lalaki. "Bakit hindi?" "Inilihim nila sa akin ang lahat ng tungkol sa lahat, hindi ba? Hayaan mo akong mag-isa na mag-solve ng problema kong ito." "Dahil lang do'n?" Tinalikuran na naman siya ng magaling niyang boss kaya dapat niyang pahintuin ito at baka sakaling maalog niya pa ang utak. "Madali para sa 'yo na sabihin dahil hindi ikaw ang nasa puwesto ko." "Madali para sa akin na sabihin dahil buhay mo ang nakasalalay—'yang pink mong sawa ang nakasalalay rito, Grey Henson, 'wag sanang matigas ang ulo mo." Grey smirked. "Ikaw ang matigas ang ulo. Inilalagay mo ang sarili mo sa hindi mo na saklaw. Gaya nang ginawa mo sa baby na hindi mo ibinigay sa tunay na magulang niya." "Ginawa ko 'yon dahil anak din ang baby na 'yon ng tatay niya. Ibinigay ko rin naman ang tunay na baby nila ah," pagdepensa ni Yanie sa kaniyang sarili. Iyon naman talaga ang purpose ng pagpapalit niya ng baby ng dalawang nanay na involved sa isang mayaman na negosyante. Kliyente niya noon ang other woman, ano ang magagawa niya? E, 'di ibuko na may anak sa iba ang negosyante para matauhan iyon na hindi lang iisa ang anak na dapat ay asikasuhin nito. "Ginawa mo 'yon para sa ibang tao but look at you, ni hindi mo matanggap na may iba nang pamilya ang tatay mo." Mariin na naikuyom ni Yanie ang kaniyang mga palad. "Ayos ka ah," aniya kay Grey sa papiyok nang tono. "Ayos lang akong talaga, Agent Canny. Ikaw, ayos ka pa ba?" Nang hindi siya sumagot ay tumalikod na ang lalaking damuho ulit. Kaagad niya itong pinukol ng sandok na hawak niya. Sapul ito sa likod ng ulo. Nilinga siya, pinanliitan siya ng tingin. "What the hell is that for?!" "Kailangan kong malaman ngayon kung mahal mo na ba ako," aniya rito. Out of topic yes, pero nais niyang malaman ang sagot. Dapat niyang malaman ang sagot. "Sabi mo kasi ay hindi mo gustong matapos ang trabaho ko sa 'yo." Grey grimace. "Ang komplikado mong mahalin, bayolente ka," tugon ng lalaki sa seryosong tono. Himas nito ang nasaktan na ulo. "Kasing komplikado mo hindi ba? Hindi ka naman kasi marunong magmahal." Humakbang palapit sa kaniya si Grey nang yukuin nito sa paanan nito ang sandok na hinagis niya. "Hindi marunong magmahal at hindi alam kung ano ang pagmamahal sa isang babae ay magkaiba, Agent Canny." Pabagsak na ibinalik nito sa counter top ang sandok saka muling tumalikod na. "Dahil sa wala kang nanay? Hah! Ayos ka ah, ano ang tawag mo sa pagmamahal na inilaan sa 'yo ng lola mo kung gano'n?" Kinakastigo niya ito talaga kahit may luha na ang kaniyang mga mata. Dapat niya itong gantihan. Hindi siya nagpakapagod na magpalakas para lang magpaapi sa katulad nitong 'di hamak na mas malaking tao sa kaniya. "Unconditional love. Na siyang hinahanap-hanap ko hanggang ngayon dahil maaga siyang nawala. Ano, masaya ka na ba na nasagot ko na ang tanong mo? Ayos ka na?" Nakataas ang kilay na sambit nito. "Hindi ako ayos. Mula nang nagkaroon siya ng ibang pamilya ay ako na ang tumayong ama sa amin. Hindi ako ayos, Grey Henson. Pero ikaw, ngayon na nalaman mong kapatid mo ang dalawang pinsan mong pinsan sa bastardo ni Don Vladimir, ngayon na alam mong alam nila ang tungkol do'n mula't simula ay ayos ka pa. Ayos na ayos ka. Ako naman ngayon ang magsa-sana all." Umiling si Grey. "Mag-usap tayo sa ibang araw. Hayaan mo muna akong i-digest ang lahat, Agent Canny." "Wala nang ibang araw. Ang kalaban ay umaatake kung kailan tayo mahina. Inaatake tayo kung saan tayo mahina, Grey Henson," bulong na lang ni Yanie sa kaniyang sarili. Wala na kasi ang damuhong kausap niya. Nilayasan na siya. NAGING playboy siya dahil choice niya iyon. Gago ang lalaking nagsasabi na hindi nila alam ang kanilang ginagawa sa tuwing nambababae sila. Hindi rin naman niya nakikita ang sarili niya na magloloko sa magiging misis niya dahil wala siyang balak na magkaroon ng pamilya. Sa kandungan ng iba't-ibang babae niya lang nararanasan ang pagmamahal na kayang ibigay ng isang babae na siyang hinahanap-hanap niya buhat nang mawala ang lola niya. Pero hindi tinakasan ni Grey ang lady bodyguard niya ngayon para mambabae. Hindi na siya nakapasok dahil sa naging takbo ng pag-uusap nila kanina na hindi niya na naman alam kung bakit ba nagkaganoon. "Hello, Grandma. It's been a while," pagkausap niya sa puntod ng kaniyang lola. Seven years old siya nang mawala ito. Pag-uwi nila ng lolo niya't mga pinsan mula sa mall kung saan sila nagkasiyahan ay wala na, hindi na humihinga sa rocking chair ang lola nila. "Grandma, I told you before that I hate you dahil iniwan mo ako. Nangako ka noon na kapag nasa tamag edad na ako ay sasabihin mo pa sa akin kung sino ang tunay kong mga magulang dahil wala namang ibang magsasabi sa 'kin niyon kundi ikaw. Napakasungit kasi ni Don Vlad, sa 'yo pa nga nanggaling pero iniwan mo rin naman ako." Grey chuckled. "Grandma, sorry, ngayon lang kita pinuntahan ulit. Nahihiya kasi akong pumunta sa 'yo, alam kong galit ka sa mga ginagawa kong pambababae." Nagsimula siyang magsindi ng kandila. "Nawala na kasi ang tampo ko sa 'yo kaya narito na ako ngayon sa harap mo. May babae na kasing nagpaalam sa akin ng lahat. Isang babae na napakatigas ng ulo." Napaismid siya nang maalala niyang tumawag si Don Vladimir sa kaniya kaninang umaga upang ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Si Blue, si Red at siya ay magkakapatid. Lumalabas na iisa ang apo ng don sa legal nitong mga anak—si Haya lamang. Silang tatlong mga lalaki ay anak ng bastardo ni Don Vladimir sa dating asawa ng Uncle Vincent nila. Masalimuot daw ang istorya, talaga raw hinintay ng lolo nila na sila mismo sa sarili nila ang makaalam niyon. "Napakabayolente rin niya. I guess maaalala ka ni Grandpops sa kaniya, tanda ko pa kasi no'ng pingutin mo si Grandpops dahil sa pagtingin niya sa pang-upo ng isang babae sa mall." Natawa na naman siya. Ang mga alaala, kahit na kay pait ay masaya rin talagang balikan. "I miss you, Grandma. Sinasabi ko lang, wala sanang sunduan ah?" pagbibiro pa niya sa puntod ng kaniyang lola. Nang humangin ng may kalakasan at napuna niyang dumidilim na ang langit ay nagpaalam na siya sa abuela. "Aalis na ako, Grandma. Tinakasan ko lang din si Yanie, lady bodyguard ko siya." Sumaludo pa siya pagkuwan sa marmol na puntod. Hinalikan niya ang dalawang daliri niya at idinampi niya iyon sa litrato ng lola niya na nasa lapida nito. "Grandpops also miss you. Hindi niya pinapasabi, pinapakilig lang kita." Pinagpagan niya ang suot na pants nang makatayo siya. Kaagad naman na sinalubong siya ng caretaker ng museleo, isasara kasi nito iyon. Inabutan niya ito ng one thousand peso bill saka siya lumakad na. Medyo may kalayuan ang pinagparadahan niya ng sasakyan niya at sa dami kasi ng bagong puntod doon ay sumikip na ang daan na dati ay maluwag pa. Nang makarating siya sa kaniyang pinagparadahan ay napakunot ang mga kilay niya. Pamilyar sa kaniya ang kotseng nasa likod ng kaniya… Bumaba naman ang driver niyon. Kilalang-kilala niya nga ito. "Grey," bati ng babae sa kaniya. Katulad noon ay malapad itong ngiti sa mga labi sa tuwing nakikita siya at nakakasalubong sa kung saan. "Uy, small world," ganting bati rin niya. "May dinalaw ka rin?" "Uh—huh. Hinintay na talaga kita bago ako umalis, nakilala ko rin kasi ang sasakyan mo." "Ah, nice. Yeah, paalis na nga rin ako," simpleng sagot niya. Sana lang ay makarating sa kausap na hindi niya gustong maglandi ngayon. Tsk, pati ang salita ni Yanie ay naa-adapt na niya tuloy na paturan sa kaniyang sarili. Grabe rin ang influence ng babaeng iyon sa kaniya talaga! "Ayaw mo?" Nginitian niya ang babae. "Well, not really. It's just, wala sa mood. Maybe we can, but I guess some other time." Kibit ang mga balikat niyang sagot dito. Ganoon naman kadaling kausap ang mga babae. Though, ngayon nga lang nangyari na tumanggi siya sa 'grasya' na nakahain. "Sayang naman. Napuna ko kasi na wala ang bodyguard mo…" Kinagat pa ng babae ang hintuturo, nananadya. Malas lang nito dahil hindi naman mabenta sa kaniya ang mga ganoong estilo. "And that's my problem kaya dapat na akong umuwi. Kapag nalaman niyang tinakasan ko siya ay baka paulanan ako ng bala no'n," pagbibiro na lamang niya upang kahit paano ay makalusot ang kaniyang pagtanggi. Ngayon lang niya na-realize na sadyang napakahirap pala na tumanggi sa babae. Iniisip niyang baka ma-offend ito samantalang kapag iniiwanan naman niya ang mga ito pagkatapos ng ligaya ay hindi siya nagi-guilty. Well, maybe because before the fun naman ay nagkakaunawaan na sila ng babaeng ilalabas niya na hanggang doon lang sa kanila ang lahat. Kaya nga ba sa Orbit lang siya kumukuha ng hooker. Safe sa attachment bukod sa safe rin ang medical record. But he never tried having fun without protection—for him, it's a must. "Daig mo pa ang under de saya ah," kantyaw sa kaniya ng babaeng kausap niya. Natawa lang siya nang marahan. "Yeah. Anyway, bye. See you around," paalam na niya. "Yep, see you around—next time." Lumuwag ang paghinga niya nang sinara na ng babae ang kotse nito. Mas lalo pa siyang nakahinga nang magmaniobra na ito, indikasyon na aalis na nga. Napailing na lang siya na pinagtuunan na ng pansin ang sarili niyang sasakyan. "Buti umalis na," anas pa ni Grey sa kaniyang sarili. Talagang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang umalis na ang babae. Paano ay balak niyang bilhan ng bulaklak si Yanie pang-peace offering—oo na, aaminin niya nang mas excited pa siya na makita ang kaniyang lady bodyguard kesa ang maglalalabas na katulad nang ginagawa niya noon. "Pauwi na 'ko, kakaibaby," piliyo niya pang wika sa sarili. Eksaktong yuyuko na sana si Grey sa driver's seat ng kotse niya nang biglang may bumalya sa kaniya papasok, dahilan upang mapunta siya sa front seat imbes na siya ang driver ng sarili niyang sasakyan! "What the hell?!" bulalas niya pa bago siya tuluyang mawalan ng ulirat nang dahil sa panyong itinakip sa kaniya ng kung sinong nasa likuran niya pala. Nakakahilo ang amoy ng panyo. May lason iyon kaya hindi niya naman maaawat ang mga mata niya sa pagpikit kahit ano pa ang gawin niya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD