8:

2851 Words
SINASABI ng tracking device na lihim niyang ikinabit sa kotse ni Grey na papunta ito kanina ng sementeryo. Dahil isa siyang imbestigador, alam niyang ang pinuntahan ng magaling na binabantayan niya ay ang lola nito na nakalibing doon. Na-report niya iyon kay Don Vladimir. Ang matandang don pa nga ang nagsabing hayaan niya na muna kung gayon daw kasi na nagkaroon sla ng pagtatalo, magpapalamig daw ang apo nito sandali. Napairap pa nga siya, hindi lang niya masabi na kaya lumaking ganoon ang apo nito dahil na rin sa pangungunsinti nito. "He's off somewhere. Lumilihis ang tracking ko sa daanan niya pauwi ng bahay," report niya kay Red at Blue, naka-ongoing call siya sa dalawa the moment na lumihis ang device sa dapat na daan ni Grey pauwi ng bahay. "Sh`t, hindi ko siya dapat na hinayaan mag-isa." "Kalma lang, Officer, we're trying to reach him," sagot sa kaniya ni Red. "Kanina ko pa rin ginagawa 'yan but he's not answering," imporma naman niya. Hindi niya gustong kabahan ngunit iyon na mismo ang bigla niyang nararamdaman ngayon—dinudunggol siya ng kaba. Sa dami ng assignment na nahawakan niya, ngayon lang talaga siya nagkaganoon. Iyong kaba na tila nasa bingit ng kapahamakan ang mapapangasawa niya—damn it! Saan ba galing ang mga nilalaro ng isipan niya na iyon? "Hindi nga siya sumasagot," si Blue ang nagsalitang iyon. She gritted her teeth. Hindi niya talaga inakala na ang simpleng pagpapalitan nila ng salita ni Grey kanina ay ganito na kahahantungan. "Nagtalo ba kayo? Ang hirap kasi sa taong 'yon, nagtatago siya ng tunay na nararamdaman. Hindi namin kabisado." Sumasang-ayon siya sa sinabing iyon ni Blue. Hindi nga umamin sa tanong niya ang hudyong si Grey e. Pero hindi kasi iyon ang mahalaga ngayon. Mas mahalaga ang biglaan nang mas paglakas pa ng kaba niya nang mapagtanto niya kung saang lugar patahak ang tracking device ngayon na medyo nakalayo na ito… Sa abandonadong bahay na pag-aari ng tatay niya… Abandonado na ang bahay na siyang kinapupuntahan ng tracking device na naka-install sa kotse ni Grey dahil pinasabog niya iyon ng granada. Umabot ng 3rd floor iyon ngunit sa isang granada lang ay gumuho iyon. Marupok. Oo, siya ang nagpasabog niyon at isa ang nagawa niyang iyon sa hindi niya pinagsisisihan at never niyang pagsisisihan sa buong buhay niya. Dahil habang nag-aalala ang nanay niya at habang naghihirap, wala silang makain ng mga kapatid niya, ang tatay niya may pa-3rd floor sa bagong pamilya nito. Improvised bomb lang ang katapat niyon, sumabog agad. Buti nga naawa pa siya at hindi niya isinama ang mga ito sa plano niyang paggiba ng bahay na bato na iyon, two years ago. "Sh`t! Confirmed, nadukot na si Grey," aniya sa mga pinsan ng huli. "Papunta ang device sa isang abandonadong bahay. Alam ko, kabisado ko ang lugar dahil minsan na 'kong nagpunta ro'n. I will send the details, maghahanda lang ako ng gamit sa pagpunta ro'n as soon as possible, sumunod na lang kayo sa 'kin but please, walang susugod nang walang back up," mando niya sa magpinsan na Henson. Saka walang salita na kumilos na siya sa pinakamabilis na paraan na alam niya. "Agent Starr, kailangan ko ng back up…" sinabi ni Yanie ang lugar kung saan siya mapupuntahan ang mga kasamahan. Sa mga agent ng kinabibilangan nilang The Hondradez Security and Investigation Agency ay si Agent Starr ang pinakadikit sa kaniya bukod sa alam niyang nasa bakasyon ito ngayon kaya ito ang agad na tinawagan niya. Kinonekta naman nito ang tawag niya sa mga kasamahan nila. Iyon naman ang kagandahan sa kung saan siya nagseserbisyong agency—ang kliyente ng isa ay kliyente ng lahat sa ganoong pagkakataon kaya alam niyang mapapaikutan ng mga pulis at agents ang lugar na tatahakin nila mamaya. "Pakisabihan na rin pala si Agent Doll na kung hindi siya busy ay sumama rin siya. Yeah, alam na niya ang tungkol dito. Yes, thanks, Agent Starr." Matapos niyang masabihan ang mga kasama at ang mga pinsan ni Grey—mga kapatid nga pala—ay lumakad na siya. Motorbike niya ang gagamitin niya ngayon para mas mapabilis ang pag-rescue niya sa siraulong flirty boss niya. Kailangan niyang magmadali. Isipin pa lang niya na maaalisan ng kaligayahan si Grey ay nakikinita niya na na kamatayan na iyon para sa huli. Kumapit ka lang sa kalandian mo, Grey Henson. Huwag kang papayag na maputulan. Hintayin mo ako… ITO na yata ang katapusan ng ligaya niya, iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni sa isipan niya Grey magmula nang magkamalay siya. Wala naman siyang makita dahil nakapiring ang mga maga niya bukod sa may panyo rin na nakatali sa bibig at sa pulsuhan niya. This is insane! Nasobrahan yata sa panonood ng mga telenobela ang nagpadala ng death threat sa kaniya kaya nasa ganitong sitwasyon siya ngayon. Wala sanang problema, kung hindi lang niya naiisip na ililigtas siya ni Yanie—ng isang babae! Nasa ganoong paglalaro ang isip niya nang maramdaman niyang may papalapit sa kaniyang mga tao. Nangunguna ang takong ng sapatos kaya madaling masabi na babae nga ang lider sa kalokohan na ito. Pinagana niya ang kaniyang pang-amoy kaya agad niyang nakilala ang kung sinong babae na iyon. "Ikaw pala 'yan," kaswal na bati ni Grey. Mas tumapang ang pabango nito sa pang-amoy niya. Ilang saglit lang din ay inangat na nito ang piring na nasa kaniyang mga mata. "Lover boy," mas kaswal nitong bati sa kaniya. "Bakit mo ginagawa sa 'kin 'to?" Ganoon ang script ng mga nadudukot sa mga napapanood niya, maano bang gayahin niya? Pero hindi siya galit. Pinanatili lamang niyang patas ang facial expression niya. Malayo sa galit ang tono niya dahil alam naman niyang matatakasan niya rin ang kinasadlakan na sitwasyon. "Wala akong natatandaan na atraso ko sa 'yo. Pilit pa nga kitang iniwasan," mariin pa na sambit ni Grey sa babae. The lady laughed. "Nakakatawa ang salitang pilit mo akong iniwasan gayong alam mo naman sa sarili mo na hindi 'yan totoo. Napakarupok mong lalaki. Gustong-gusto mo nang niluluhuran ka." He scoffed. "At sa tingin mo ba ay maaabswelto ka sa ginawa mong 'to? Sinayang mo lang ang tiwala sa 'yo ng pamilya ko. Sinayang mo lang ang trabaho mo, Martina." Ito nga ang abductor niya. Ang babae rin ang nakita niya sa sementeryo kanina. Nakakasuka lang isipin na ang kotseng gamit nito ay galing pa sa mga Henson. Regalo ni Blue rito ang kotse na iyon nang mag-sampung taon na ito sa service sa huli. "Ten years is long enough. Nakapag-ipon na rin ako and besides, ito lang naman ang rason kaya ako napunta sa kumpanya niyo," mapang-asar na sabi ni Martina sa kaniya. "Pero ibibigay ko ang salitang nakakahinayang na mawala sa paninilbihan kay Sir Blue. Napakabait niyang boss. Dangan lang at may pinsan siya na tulad mo. Isa kang malaking mantsa sa pamilya niyo, Lexus Grey Henson." Pagak siyang natawa. "Wala akong natatandaan na atraso ko sa 'yo, Martina. Ni hindi kita naka-one night stand, damn you!" Hinaplos ng babae ang pisngi niya. Nakangiti rin ito nang nakakaakit na paraan gaya ng ngiting ibinigay sa kaniya nito noong nakaraan na luhuran siya't bigyan ng pagpapala ang pagitan ng kaniyang hita. "Life is unfair lover boy, at isa ka sa mga nagpapatunay sa akin niyon sa araw-araw. Ang g'wapong mukhang 'to ay napakaraming babae ang nabaliw at patuloy na nababaliw." "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero 'wag na 'wag mo akong hahalikan, please lang," aniya, pinilig niya ang ulo dahil sa takot na baka sunggaban siya ng halik ng babaeng baliw. Kahit nasa ganoong sitwasyon siya ay hindi siya papayag na mahalikan—nakakadiri iyon! Siya at siya lang ang may choice sa buhay niya pagdating sa kaniyang katawan. Tumawa si Martina. Napaingos siya dahil gasgas na gasgas siya sa mga pinagagagawa nito. Ang tawa nito ay patingala pa, hindi niya sure kung saan nito kinopyang telenobela iyon. Napuna rin niyang kinulang sa goons ang babae—tatatlo lang. Kung sakaling makakuha siya ng tiyempo ay kaya na niyang patumbahin ang mga iyon—kung wala lang sanang mga baril ang mga ito… "Magdalene San Jose," ani Martina sa kaniya nang bigla itong naawat sa pagtawa. Nanlilisik din ang mga nito sa kaniya. "Sigurado akong sasabihin mo sa akin ngayon na hindi mo na siya maaalala kaya ipapaalala ko sa 'yo, Grey Henson. Siya lang naman ang ate ko na nabaliw sa 'yo. Nag-suicide siya dahil sa kabaliwan niyang 'yon sa hindi ko malaman na rason. Ano ba ang meron sa 'yo bukod sa napatunayan kong malaki nga ang kargada mo?" Lukot ang mukhang wika sa kaniya ng babae. Pilit na inaalala ni Grey kung sino ang sinasabi nitong Magdalene San Jose. Ate raw nito and that was obvious dahil magkaapelido ang dalawa. Tsk, wala na bang bago? Kinaiinipan na niya ang bawat minuto na lumilipas. Kinasasabikan niya na rin ang oras na lilipas. Gusto na niyang makita si Officer Yanie Lachica. Nasa ganoong tagpo na ang utak niya nang may maalala siya… "Si Magdalene na nakuha ko sa waiting shed noon— naaalala ko na! Pero mukhang nagkakamali ka, Martina. Hindi—" hindi na niya natuloy ang kaniyang sinasabi, napaamang na siya nang maglabas ang babae ng isang kutsilyo na halatang pinasadya pa nito. "Espesyal ang kutsilyo na 'to. Espesyal din kasi ang paggagamitan. Sabi ko sa gumawa ay panghiwa ko sa sausage na seven inches ang haba." Naku, baliw na nga ang babaeng ito at kung ano-ano na ang sinasabi! Lihim na napalunok si Grey nang mamataan niya ang pagkislap ng talim ng kutsilyong tangan nito. Hindi niya puwedeng ipakita rito na natatakot siya. Hindi puwedeng bumaba ang depensa niya dahil kabaligtaran niyon ang mararamdaman ng babae. "Martina, hindi ako nananakit ng babae. Nagkakamali ka—" Makakapagsalita pa ba siya kung itinutok na nito sa leeg niya ang talim ng kutsilyo?! Dama niya nang marahan na bumaon ang tulis niyon sa leeg niya… "Ide-deny mo pa ngayon sa akin ang kabalastugan na ginawa mo e, alam naman nating lahat kung paano ka maglaro ng babae!" gigil at paanas na wika sa kaniya ni Martina. "Listen, sa Orbit Club lang ako kumukuha ng babae. Gaya ng sinabi ko, ang ate mo ay nakilala ko noon sa waiting shed sa España, umuulan no'n, mag-isa siya at umiiyak…" Naudlot ang pagpapaliwanag niya, napamura na lang siya nang matindi sa isip nang warakin ni Martina ang suot niyang shirt gamit ang kutsilyo na hawak nito. "P—Pakinggan mo muna ako…" Natatakot siya sa maaaring maganap sa kaniya any minute by now but still, Grey vividly knew what's going on around them. Kahit pa nakatingin siya sa kutsilyong hawak ni Martina at kahit busy siya sa unti-unting pagkalag sa tali na nasa kaniyang pulso ay malinaw niyang nakitang nagkagulo ang tatlong tauhan ni Martina. Mayroong dumating sa lugar at hindi man lang napupuna iyon ng sekretarya ni Blue. Wala mang saysay na magsalita pa siya dahil kinain na si Martina nang kung anong espiritu na sinasamba nito kaya nagagawa ang ganoong bagay ay kailangan pa rin niya itong libangin. "Hindi kami lumabas ng ate mo. Tinulungan ko lang siya that night dahil baha na sa España, mapapaano siya ro'n, nag-iisa siya at babae pa." "Wala akong dapat na pakinggan sa 'yo, Grey Henson! Pangalan mo ang binabanggit ng ate ko no'ng madatnan namin siya na may buhay pa habang… habang…n—nakabigti siya sa kuwarto niya!" Nanginginig ang mga labi na turan sa kaniya ni Martina. Kahit kanino naman mangyari ang nasaksihan nito, maalala mo lang iyon ay talagang nakakapagpa-freak out na. Naaawa siya rito, sa totoo lang. "Tinapos ng ate ko ang buhay niya nang gano'n na lang. Ni hindi niya pa nahintay na mabayaran ko sa kaniya ang hirap niya sa pagpapalaki sa akin…" Bumuntonghininga si Grey. Nakalas na niya ang tali na nakapulupot sa kaniyang mga pulso. Noon pa ay pinatinuruan na sila ni Don Vladimir ng mga dapat gawin kung sakaling ma-abduct sila dahil nga mayaman ang abuelo nila. Kaya rin nga kalmado niyang kinakaharap ang sitwasyon na ito ngayon. "Sa tingin ko ay may misunderstanding tayo rito, Martina," pasensyoso pa rin na wika ni Grey sa babae. Si Magdalene ay isa sa mga estranghero na nakilala lang niyang talaga. Maganda ito kaya nga napukaw nito ang atensyon niya nang gabing iyon sa España. Malungkot ang mga mata ng ate ni Martina, halatang may dinadalang problema. Problema na nakakasiguro siyang rason kaya kinitil nito ang sariling buhay. "Nalulungkot ako sa nangyari sa ate mo pero mali ka sa hinala mo na niloko ko siya. Na isa siya sa mga babaeng nailabas ko. Kung may pagkakamali man ako kay Magdalene ay 'yon ang hindi pagseryoso sa mga bilin niya. Binanggit niya ang pangalan ko hanggang sa huli para ako ang magsabi sa 'yo ng tunay na dahilan ng kaniyang pagpapakamatay." Mabalasik siyang tinapunan ng tingin ni Martina. Walang salitang itinutok muli sa leeg niya ang talim ng kutsilyo. "Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa 'yo?!" galit nitong sambit pagkuwan sa kaniya. Grey swallowed. Gusto man niyang isipin na ayos lang, nakaligtas si 'Junior' nang muling iangat ng babae ang kutsilyo sa leeg niya ay hindi niya naman magawa na magdiwang. Isang laslas lang kasi nito ay siguradong kawawa ang mga litid niya sa leeg! "Dapat kang maniwala sa akin. May ipapakita ako sa 'yo. Galing 'yon sa ate mo, ibinilin niya 'yon sa 'kin. I'm sorry if I didn't take it seriously, masyado pa akong bata sa mga gano'n kaseryosong bagay nang mga panahon na makilala ko siya. Hindi ko pa lubos na nauunawaan na kakayanin pala talagang kitlin ng isang tao ang buhay niya." That was sad, really. "Martina, kaya ako binabanggit ng ate mo bago siya nawalan ng buhay ay dahil may binigay siya sa akin na box, naitabi ko pa 'yon—" natigil na sa pagsasalita si Grey nang mabilis na bumaba ang palad ni Martina upang wasakin naman ang belt niya! Fuck! Huli man ay napaigtad pa rin siya. Naidipa niya ang magkabila niyang mga palad patalikod. Nanlaki ang mga mata ng babae nang mapagtantong nakalag niya na ang tali na ginawa ng mga tauhan nito sa mga pulso niya. "Boys!" gigil na tawag ni Martina sa mga tauhan. Mas nagalit ito nang mapunang wala roon ang mga lalaking tinatawag. Siya naman ay kaagad nang nakahuma, nakatayo na siya kaya nang lumingon sa likuran nito ang abductor niya upang matawag ang tatlong tauhan ay mabilis niyang hinawakan ito sa pulso nito. Maingay na napahiyaw si Martina nang pilipitin niya ang braso nitong may tangan na kutsilyo. Iyon ang unang goal niya—mabitawan nito ang patalim na sisira sa pink na sawa ni Yanie.Hindi man angkop sa kasalukuyan na sitwasyon ay hindi niya maiwasan na mapangisi nang maalala ang babaeng pulis. Pagkatapos nito ay para na rito ang pink na sawa niya. "Hayup kang talaga, Grey Henson!" angil sa kaniya ni Martina nang sa wakas ay mapilipit na niya ang mga pulsuhan nito. Dahil lalaki siya ay mas malakas siya rito, nagawa niyang mapilipit ang mga braso ng babae sa likuran nito. Hindi niya itinali, iniwasan lang niya ang mga sipa nito. Kaya naman niya kahit na isang kamay lang niya hawakan ang manipis naman kasing braso nito. "Hindi na ako nagtataka kung paano kang nakapasok sa condo unit ko at nakalusot nang walang aberya, Martina. Pinagkatiwalaan ka ni Blue. Pinagkatiwalaan ka ng mga Henson kasama ng mga sekyu namin," ani Grey sa babae, nananatili man itong pumapasag sa pagkaka-arm lock niya rito. "Hindi ko gustong masaktan ka, hindi ako nananakit ng babae." Tinawanan na naman siya nito. "Sabihin mo 'yan sa mga babaeng niloko mo!" "Ang mga babae na sinasabi mo ay alam kung hanggang saan lang ang namamagitan sa amin, hindi mo dapat na isinasali ang ate mo sa kanila. Ikaw sana ang mas higit na nakakakilala kay Magdalene sa ating dalawa." Natigagal ang babae. Ginamit naman niya ang pagkakataong iyon para masabi niya sa abot ng kaniyang makakaya ang lahat. Sana lang ay wala siyang makaligtaan na detalye para maniwala ito. "Sa sandaling pagkakakilala namin ni Magdalene ay nakuwento niya sa 'kin na namatay sa pagkalunod ang mga magulang niyo. Na may kapatid siyang hindi niya nais na malaman ang lihim niyang sakit. Cancer sa bituka. Nang mga panahon na 'yon ay hirap na hirap na siya't unti-unti nang pinapatay ng sakit niya. Martina, ang kahon na ibinigay niya sa 'kin ay naitago ko pa at hindi ko kahit kailan na binuksan." "H—Hindi 'yan totoo!" anang babae, patuloy na nagpupumilit ito na makaalpas mula sa pagkakahawak niya. "Naniniwala ang ate mo na kung sa estranghero niya masasabi ang lahat ay mas makakagaan 'yon sa kaniya kesa sa isang kakilala. Hindi niya gustong mas mahirapan pa kayong dalawa kaya tinapos na niya ang paghihirap niya, Martina. Palayain mo na rin ang ate mo. Hindi ito ang ginusto niyang mangyari sa 'yo. Sa kulungan ka babagsak kung patuloy kang magmamatigas." "Hindi 'yan t—totoo…" Sa pagkakataon na iyon ay nanginginig na ang boses ni Martina. Naiiyak na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD