9:

1872 Words
NAGING madali kay Yanie na mapasok ang abandonadong bahay dahil kabisado niya ang pasikot-sikot doon. Hindi niya pa nakakalimutan ang poot sa puso niya nang mapuntahan niya ang naturang bahay na iyon noon. Walang paliwanag, basta na lang nang-iwan ang tatay nila. Pagkatapos ng hirap na pinagsamahan nito at ng nanay niya noon sa probinsya, nang makatikim ito ng kapirasong ginhawa ay umalagwa na sa kandungan ng iba. Ah, hindi ito ang tamang oras at lugar para alalahanin ang kabalastugan ng tatay mo! Nasa gitna ka ng mission, Yanie Lachica! "Agent Canny! Sa gilid mo!" Mabilis ang reflexes niya kaya ang pagsigaw na iyon ni Agent Starr sa kaniya ay kasabay na nang pag-ilag niya sa paparating na bala. Sinulyapan pa niya ang pagkakatama ng bala na iyon sa pader bago siya tumayo at harapin ang lalaking bumaril sa kaniya, hindi nga lang sinuwerte. "Malas mo, hindi ako tinamaan," aniya sa isa sa mga goons yata ng abductor ng lalaking may pink na sawa. Hindi bihasa ang goon sa hawak na armas. Nakita niya iyon sa paraan ng pagbaril nito kanina na nailagan nga niya kaya naman nang salubungin niya ito ay walang salitang sinipa niya ang braso at baba nito. Hindi na kailangan na mag-aksaya ng bala, tumumba na ito pagkatapos niyon. "Sige na, ako na ang bahala rito," ani Agent Starr na kaagad dinaluhan ang lalaking napatumba niya. Kapag sinabi nitong ito na ang bahala, alam na nila parehas ang gagawin nito—tuturukan nito ng pampatulog ang pasyente—este, ang nakakalaban nila. Duktor kasi ang babae bukod sa kapwa agent nila ito. Kung hindi siya nagkakamali ay Midazolam ang tawag sa drug na ini-inject nito. Ini-inject lang nito iyon sa nakakalaban kapag may pagkakataon na katulad niyon. Nakahanda na rin kasi ang syringe nito sa tuwing nasa mission sila. Namataan niya pa na hinehele ni Agent Starr ang knock out nang goon sa pamamagitan ng pag-press nito sa wrist niyon. Hindi iyon ang unang beses na nakita niya itong ginagawa iyon pero hindi niya pa rin maiwasan na mapangisi. Naipilig na lang niya ang sariling ulo bago siya tuluyan na tumalikod na. Ililigtas pa niya ang pink na sawa. Mahirap na, nanunuklaw pa naman iyon kapag nakakalimot at nakakatikim na ng panandalian na saya. Pink na sawa ni Grey na minarkahan ng abductor nito kaya madali para sa kaniya na matukoy kung sino iyon—si Martina. Walang record ang babae na may gusto ito sa boss niya o nakipag-flirt ang boss niya sa sekretarya, pero kanina lang ay nalaman niya ang rason nito sa ginagawa kay Grey Henson. Una, sadyang pinakita ni Martina ang anino nito noon sa kaniya nang sundan niya ng tingin ang socialite na si Venus. Ikalawa, sinadya nitong markahan ang pink na sawa—na siyang dahilan kaya pilit niyang pinalalabas kay Grey iyon that time. She's a smart ass b`tch, I must say. "Tatatlo ang goons," si Agent Doll iyon na bigla na lang lumitaw mula sa kung saan habang naglalakad na siya. "Knock out na ang isa, 'yung isa naman ay nakikipaghabulan pa kay Agent Speed." Pagak siyang natawa. "Jusko, kay Agent Speed pa nakipaghabulan, para siyang nagtampo sa bigas." Humagikgik si Agent Doll. "Hayaan mo na, kaya na niya 'yun." "Walang duda." Buti na lang talaga ay naroon ang mga ito at handang tulungan siya. "'Lika na, naiwan daw sa 'taas ang abductor saka ang boss mo." Nagpakayag na siya kay Agent Doll pagkatapos. Sabay nilang hinila ang special rope na nakasukbit sa mga bewang nila nang makarating na sila sa gitna ng bahay kung saan maaari na nilang ihagis iyon upang na-hook sa itaas. Sabay na rin silang umangat sa ere na gamit iyon. Espesyal ang rope na iyon dahil hindi na kasi iyon ang nabibiling karaniwan sa market. Dahil sa mga kasama nilang mga kapwa pulis at mga bumbero, ginawa ng mga iyon na mas accessible especially for them ang ropes nila. NAPAKALMA na ni Grey si Martina, sigurado siya roon. Tulad kasi ng normal na mga babae ay umiyak na ito sa sariling palad—oo, kinalagan na niya ito mula sa kaniyang pag-armlock dito. "That's okay, kung nasaan man ang ate mo ngayon ay siguradong proud siya sa 'yo." Hindi talaga siya mahusay sa comforting words kaya iyon na lang ang sinabi niya. Mukha namang tapos na ang kabaliwan ng babae dahil nalaman na nitong hindi siya nagsisinungaling. Well, masasabi niyang mas okay na rin ang nangyaring ito, sa pamamagitan kasi niyon ay napaalala sa kaniya ang box na ibinilin sa kaniya ni Magdalene. Maibibigay na niya iyon kay Martina. Magkakaroon na ito ng closure sa ate na nagpakamatay. Minsan kasi ay closure lang naman ang kailangan ng isang tao para matanggap ang mga bagay o pangyayari na hirap itong tanggapin. Sa kaso ni Martina ay ang pagkawala iyon ng ate nito at ang katotohanan na nag-iisa na nga lang ito sa buhay. Nang yumakap sa kaniya ang babae ay hinayaan niya lamang ito na umiyak sa kaniyang dibdib. "Aw, mag-jowa ba ang dalawang 'yan? Hindi ito ang inaasahan kong scene pag-akyat natin, in fairness," tanong ni Agent Doll sa kaniya nang makarating na sila sa taas. Naroon na sila sa kuwaro kung saan naroon sila Grey at ang abductor nitong si Martina ay hindi pa rin sila napupuna ng mga ito. Yanie shrugged. "Malandi kasi ang lalaking 'yan, 'yun ang strength niya kaya baka ginamit niya sa abductor niya," balewalang wika niya. Balewala nga ba? Bakit may kirot? Bakit nga ba may kirot e, sanay na siya na nakikipaglandian ang boss niyang ito? "Let's go, hindi na yata tayo kailangan dito. May mga back up naman sa 'baba, paakyatin na lang natin," kayag na lang niya kay Agent Doll. "Are you sure— Agent Canny! Oh my gosh!" Nagulat na bulalas ni Agent Doll bago nito madaling dinukot ang nakasukbit nitong baril sa sariling bewang. Pucha! May isang braso lang naman ng lalaki na umentra sa likod niya at kumalawit ng kaniyang leeg. Hindi lang iyon, may malamig pang nguso ng baril na nakatutok ngayon sa kaniyang kanan na sentido! "Officer!" Parang sa mga pelikula, late na siyang nakita ng magaling niyang boss. Ito lang naman ang tumatawag sa kaniya sa ganoong pangalan. "Pasasabugin ko ang bungo ng kaibigan mo kung hindi mo ibababa ang baril mo," utos ng lalaki kay Agent Doll. But the latter just smirked. "E, 'di subukan mo nang pasabugin, pakialam ko naman?" Pagak na natawa si Yanie. Kahit kailan talaga, ang mga kasama niyang agent ay may kaniya-kaniyang sapak sa tuktok. "Hey! Don't hurt her, please…" "Pa'no ba 'yan? May prince charming naman pala, so, hindi pala ako ang dapat na tinatakot mo," wika ni Agent Doll sa lalaking nasa likod niya. She rolled her eyes. "Sige na, kalabitin mo na 'yan," udyok niya sa kaniyang abductor. Oo, e, ano pa ba ang tawag doon? Nagkapalit na sila ni Grey, siya na ang tinarget ngayon ng pusang gala na dumukot dito dahil nalandi na nito si Martina. Naramdaman ni Yanie ang pressure sa bicep ng kung sinong may hawak sa kaniya kaya naghanda na rin siya sa susunod na galaw niya. Nananatili namang nakatutok ang baril ni Agent Doll sa kaniyang abductor. "Huwag, Dave!" awat ni Martina sa lalaking nasa likod niya. Tumatakbo pa ito na lumapit sa kanila. "Kapatid mo siya. Kapatid mo si Agent Canny sa ama." Wow, kaya naman pala nagamit ng mga ito ang pinasabog niyang bahay ng mahusay niyang ama. Kakilala pala ni Martina ang isa sa anak ng owner ng bahay at lupa niyon. "Kapatid pala kita e, so, mas maaari ko nang gawin 'to sa 'yo." Pinilipit niya ang mga braso ni 'Dave' raw na kapatid niya ayon kay Martina. Pinilipit niya ang dalawang braso nito dahil wala naman siyang pakialam kung kapatid niya ito. Madali naman na naihiga niya ito sa sahig. Mas nagalit lang siya dahil wala siyang nararamdaman na paglaban mula dito. Tila hinayaan na lang siya nito na magawa ang mga gusto niya rito. "Lumaban ka, que lalaki mong tao!" Hamon niya kay Dave, na ngayon ay nakahiga na sa semento habang nakatukod ang takong ng sapatos niya sa leeg nito, handa siyang butasin ang leeg nitong iyon kung magkakamali ito ng galaw. "Yanie, please, I'm sorry! Kapatid mo si Dave, 'wag mong gawin sa kaniya 'to," pakiusap ni Martina, yakap na nito ngayon si Dave. "Patayin mo na 'ko, kung 'yon ang isa sa makakapagpagaan sa loob mo, sige, gawin mo," ani Dave. Naggalawan ang mga panga niya. Nang pagmasdan niya kasi ang mga mata nito ay tila siya nanalamin sa mga mata ng kanilang ama. "Nasaan ang hayup mong ama?" "Yanie, enough," awat ni Grey sa kaniya. Yayakapin sana siya nito sa bewang, inawat lang ni Agent Speed na siyang kadarating lang sa eksena. "Sabi ko na nga ba ay nakita ko na ang mga mata ng lalaking 'yan. Nalito ako, pareho ang mga mata niyo," komento pa ni Agent Speed. Deklarasyon iyon na si Dave ang hinabol ni Agent Speed na isa sa mga goons ni Martina. Wow, mukhang may tinatago rin na bilis ang kapatid niya kumg nagawa nitong matakasan ang kasamahan niya na mahusay sa pabilisan. Ah, hindi niya rin dapat na makalimutan na mahusay man sa pabilisan si Agent Speed ay mahusay rin itong pumalpak dahil sa angkin nitong skill, kaya nga heto si Dave, nakakawala pa sa paghabol nito. Madalas kasi ay nauunahan ng hambog ang mga lalaking tulad ni Agent Speed. "W—Wala na si Dad. Noong mapunta siya kay Mom ay may sakit na siyang TB. Iyon din ang kinamatay niya," tugon sa kaniya ni Dave. Bumalik dito ang atensyon niya. "Kailan pa?" "Last year, around June." Ano ba naman iyan, hindi man lang nagawa ni Yanie ang plano niyang pakikipag-one on one suntukan sa tatay niya at nahimlay na pala ito. Buwisit! "Ilang taon ka na?" patuloy niyang pagkastigo kay Dave. Nginisian siya nito. "Mas matanda ako ng dalawang taon sa 'yo. Ako lang ang anak ni Dad kay Mom. Nagulat ka ba? Oo, Yanie Lachica, isa rin akong Lachica na mas naunang ipinanganak kesa sa 'yo. Kung pinili man ni Dad na sa amin mamatay, iyon ay dahil halos buong buhay niya ay nasa ikalawang pamilya na niya—kayo iyon. The truth is kayo ang ikalawang family ni Dad though kasal ang nanay at tatay mo, si Mom ang una niyang nakilala at mina—" Putok ng baril ang nagpahinto sa rebelasyon ni Dave. Putok ng baril na nanggaling kadarating lang na pulis na isa sa back up nila Yanie. "Yanieee!" Ang sumunod na narinig ni Agent Canny ay ang pagtawag na iyon sa pangalan niya ni Grey Henson. Napangiti siya kahit papikit na ang kaniyang mga mata. At least, ligtas ito at ang pink na sawa nito. At least din ay ligtas ang kapatid niyang si Dave na ninakawan pala nila ng tatay nang wala siyang nalalaman. Ligtas ang kaniyang kapatid dahil sinalo niya ang bala na sana ay tatama rito. Iyon ang bala na basta na lang pinakawalan ng pulis kanina. Tsk, may mga pulpol talaga sa mga ganitong misyon kahit wala namang direktor na nagsabing magpaputok na lang basta ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD