chapter 3

1251 Words
MARCUS' POV Mainit ang ulo ko dahil naabutan ako ng bagyo habang bumabyahe papunta sa Hacienda Esciaver. Pagmamay-ari ng pamilya Esciaver ang hasyendang tinutukoy ko kung saan kasalukuyang naninirahan ang matandang Esciaver na matagal ko nang sinusuyo upang ibinta sa'kin ang kabundukan sa likod ng hasyenda niya. Pagmamay-ari ko ang isa sa pinakamalaking construction company na namayagpag sa pagpapatayo ng mga condominium unit at pagdedevelop ng mga subdivision sa bulubunduking lugar ng buong bansa at balak kong tayuan ng subdivision ang kabundukang gusto kong bilhin. Mabait si Don Gregorio Esciaver at malugod niya akong pinatuloy sa tirahan niya pero ilang linggo na akong pabalik-balik sa tahanan niyang iyon pero hindi pa rin namin nabubuksan ang usapin tungkol sa pagbili ko sa kabundukang pagmamay-ari niya. Nauubos ang oras ko sa paglilibot sa buong hasyenda kasama ang matandang Don. Walang anak si Don Gregorio at ang tanging malapit na kamag-anak na kasama nuya ngayon sa Hacienda Esciaver ay iyong anak ng pamangkin niyang si Justine Esciaver. Isa pa ang lalaking iyon na pasakit sa ulo ko dahil mas gusto pa ng isang iyon na hayaang maging kasukalan ang likurang bahagi ng hasyenda kaysa gawin itong isang subdivision. Ayokong bitiwan na lamang ang nasimulan kong panunuyo kay Don Esciaver kaya pinaunlakan ko ang paanyaya niya sa aking makisaya sa selebrasyon ng anibersaryo ng Hacienda Esciaver. Naantala ang pagpunta ko sa hasyenda dahil marami akong tinapos na mga gawain sa kompanya upang wala na akong iisipin pa sa susunod na mga araw dahil balak ko sa pagkakataong ito na hindi uuwi nang hindi madadala ang titulo ng lupaing gusto kong bilhin. Wala pa akong ginusto na hindi ko nakukuha pero mukhang hindi sumasang-ayon sa'kin ang panahon sa kasalukuyan. Habang binabagtas ang kalsada papunta sa Hacienda Esciaver ay bumuhos ang malakas na ulan senyales na dumating na nga ang napapabalitang bagyo na sa mismong lugar na pinuntahan ko tatama. Ang ganda pa ng panahon kanina nang umalis ako mula sa lungsod pero biglang nag-iba nang papasok na ako sa lupain ng mga Esciaver. Sa gitna ng mabilis kong pagpapatakbo ay may naaninag akong taong nakatayo sa gitna ng kalsadang tinatahak ko. "F*ck! Sh*t!" Mabilis kong naapakan ang preno bago ko pa masagasaan ang taong hindi man lang natinag sa kinatatayuan. Masyadong malakas ang buhos ng ulan upang maaninag ko kung lalaki ba o babae ang taong iyon. Pabalibag kong binuksan ang pinto ng sasakyan ko at sumisingasing sa galit na lumabas. "What the f*ck are you doing?!!!" nanggagalaiti kong sigaw sa walang kakilos-kilos na -babae? Di alintana ang buhos ng ulan na bumabasa sa akin ay nayayamot kong pinagmasdan ang babaeng nasa harapan ko na nakatunganga lsng na nakatitig sa akin. "Are you listening to me?" muli ay pabulyaw kong tanong sa kanya nang hindi man lang siya nagsalita. Sobra ba siyang nagulat sa muntikan ko nang pagkasagasa sa ksmya kaya hindi siya makapagsalita? Napipilitan akong humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Basang-basa na ako ng ulan at nanunuot na rin sa suot ko ang lamig pero mas nangingibabaw iyong galit at pagkairita ko kaya balewala kong nilapitan ang babae. Napahinto ako sa balak kong paglapit nang maaninag ko nang tuluyan ang hitsura ng babaeng wala pa ring kakilos-kilos na nakatayo sa harapan ng liwanag ng headlights ng sasakyan ko at kasalukuyang nakatitig savakin na para bang pinag-aaralan ako. "What the hell?!" di ko napigilang bulalas. Pinasadahan ko ng tingin ang manipis niyang kasuotang halos nakadikit na sa basa niyang katawan kaya wala na talagang naitatago mula sa mga mata ko. Bigla ay nagbago ang temperatura ng paligid dahil iyong lamig mula sa ulan at hangin ay napalitan ng mainit na pakiramdam na nagmula pa sa aking kaibutuuran. D*mn that body! Para akong kinakapos ng hininga habang pilit na iniignora ang init na nabubuhay sa loob ko pero kahit anong pilit ki ay hibdi ki maialis iyong paningin ko sa magandang katawan na nakahain sa harapan ko. Nahigit ko ang hininga ko nang dahan-dahangvhumakbang palapit sa akin ang babae na para bang mangha-mangha ito sa akin. Ou, aminado akong halos sambahin ako ng mga kababaihan dahil sa yaman at kakisigan ko pero kailanman ay hindi ko pa nakikita sa sinumang babaeng nakilala ko ang nakikita kong pagkamangha sa itim na itim na mga mata ng babae. Lihim akong napamura nang mas malinaw kong napagmasdan ang buo niyang mukha. Para akong namalikmatang napatitig sa pinakamagandang mukhang nakita ko buong buhay ko. Bilog na bilog ang mapupungay niyang mga mata na masyadong kapansinpansin dahil sa napakakinis niyang pisngi na animo isang babasaging kristal, walang kamintis-mintis. Bumagay din sa maamo nitong mukha ang pagkakahulma ng matangos nitong ilong. Isang maamong mukha na may mga labing mapupula na animo'y nanghihikayat na halikan ko. Parang nanunuyo ang lalamunan ko habang pinagmamasdan ang kaperpektuhang nasa harapan ko. "T-tao—," usal nito. Hindi lang dibdib ko ang nanikip dahil sa mabining boses na nagmula sa mapupula niyang mga labi dahil ramdam ko ang psninikip ng pantalong suot ko. Ipinagdarasal ko na lamang na hindi niya mapapansin ang pamumukol ng hinaharap ko. "N-nilalamig ako," paos nitong anas. Mabilis ang ginawa kong pagkilos kasabay ng malulutong kong mga mura nang bigla itong nawalan ng malay sa mismong harapan ko. Naagapan ko ang pagbagsak sana nito sa lupa at walang pagdadalawang-isip ko itong kinarga pasakay sa kotse ko. Sa kabila ng kalagayan ng babae ay hindi ko pa naiwasang pagmasdan ang kagandahan niya sa malapitan. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil mas lalong naging salaula ang nararamdaman ko dahil sa malambit na pagkakalapat ng katawan nito sa katawan ko. Upang hindi tuluyang magkasala ay mabilis kong ibinaba ang babae sa front seat at agad akong lumayo dito. Wala na ngang malay pero nagawa ko pang pagnasahan! Parang gusto kong mahiya sa sarili ko. Nang makontrol ko na ang hormones ko ay agad akong sumakay sa sasakyan upang mabilis na madala ang babae sa bahay ni Don Gregorio kung saan talaga amg una kong destinasyon. Ayokong maging dahilan ng pagkamatay ng isang ito kaya mas makabubuti kung may mahihingan ako ng tulong. Di ko maiwasang mag-alala dito. Kinuha ko ang hinubad kong coat kanina na nasa backseat upang ikumot sa kanya. Mabuti na ang ganito, matakpan iyong katawan niya mula sa lamig at mula sa mapagsamantala kong mga mata. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko habang maya-mayang dinusulyapan ang walang malay kong pasahero. Saan ba galing ang babaeng ito at bakit gano'n ang suot niya sa kabila ng malamig na panahon? Nagtagis ang bagang ko nang masulyapan ang mga paa nitong walang suot na sapin. Ilang oras na siyang nagpaulan habang kapiranggot iyong suot at wala man lang sapin sa paa? Napahigpit ang kapit ko sa manibela nang maisip ang posibilidad na ibang rao ang makakita sa babaeng ito at hindi ako. Ano na lang ang maaaring kahihinatnan ng babaeng ito sa kamay ng iba kung sakali? Hindi ko alam kung saan galing ang paghihimagsik na nararamdaman ko habang naiisip na may ibang tao maliban sa akin na makakita sa babaeng ito sa ganitong ayos. D*mn it! I am Marcus Castillionez! And never na nangyaring may isang babaeng pumupukaw sa pagiging possessive ko. Isang ngiti ang namutawi sa mga labi ko matapos ko muling sulyapan ang walang malay na babae. Well, sabi nga nila finders keepers kaya kung sinuman ang babaeng ito ay sa akin lang ang bagsak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD