HALLEJAH'S POV Mabining awit mula sa pamilyar na tunog ng mga dahon at sanga ng mga halaman at puno ang nagpamulat sa aking mga mata. Unti-unti ay bumalik sa'kin ang mga pangyayari bago ako nawalan ng lakas sa ikalawang pagkakataon simula nang umapak ako rito sa mundo ng mga tao. Ang mabining pintig at masuyong daloy ng enerhiya mula sa hinihigaan ko isang indikasyon na kasalukuyan akong nakahiga sa lupa. Sapat na ring kumpirmasyon ang mabagong amoy ng lupang kamakailan lang nadiligan ng tubig ulan na nanunuot sa aking ilong sa una kong hinala. Saglit kong ipinikit ulit ang aking mga mata upang namnamin ang masarap na dulot ng naririnig kong tunog mula sa aking paligid pero kunot-noo akong nagmulat nang di maramdaman ang sinag ng araw na dapat ay tumatama sa'king mukha. Tsaka