chapter 5

2572 Words
Eksaktong nabigyan ko ng sapat na distansya ang pagitan namin ng babae ay iniluwa ng pinto si Aling Martha. "Oh, gising ka na pala." Nakangiting bumaling ito sa babae. "Isa na namang tao!" namamanghang usal ng babae habang titig na titig kay Aling Martha. Sa gitna nang pagpapakalma ko sa sariling katawan na hatid ng magandang salarin ay di ko mapigilang mapaisip sa mga lumalabas na salita mula sa kanya. Lalo akong naguluhan nang tinawanan lang ni Aling Martha ang sinabi niya at 'di man lang ito nabaghan sa mga narinig. "Pagbati mula sa akin." Di ko alam kung sino ang mas nagulat sa aming dalawa ni Aling Martha nang walang babalang lumapit sa kanya ang babae at hinalikan siya sa mga labi. Mabilis lang ang halik na iyon at bago pa kami maka-react ay parang walang nangyaring nakalayo na ng ilang pulgada kay Aling Martha ang babae habang nakapaskil pa rin sa mukha ang masayang ngiti. "M-mukhang paraan niya nang pagbati iyon," napakamot sa ulong saad ni Aling Martha na parang sarili lang ang kinakausap. Mabilis kong hinamig ang sarili at mapanuring pinanood ang babaeng halatang tuwang-tuwa habang sinisipat ang suot na damit ni Aling Martha. "Nakakatuwa talaga ang mga kasuotan ng mga tao." Heto na naman siya sa nakakalito mga salitang namutawi sa kanyang mga labi . Wala naman siguro siyang problema sa pag-iisap 'di ba? "Ano pala ang pangalan mo iha?" tanong ni Aling Martha sa kanya. "Ako si Hallejah, isang Himadi... mula sa kaharian ng Diwali na tirahan ng mga Diway." Matapos sabihin iyon ay bahagya pa siyang yumukod habang naka nakadipa sa bawat gilid ang kanyang mga braso. Napapantastikohan ko siyang pinanood hanggang sa umayos na ulit siya sa pagkakatayo. "Matutuwa nito si Don Gregorio," masayang pahayag ni Aling Martha. Lalo tuloy akong naguluhan dahil parang walang nakitamg mali si Aling Martha sa sinasabi at kinikilos nitong nagpakilalang Hallejah. Nasa tamang pag-iisip pa ba ako gayo'ng umiiba ang temperatura ng katawan ko dahil sa isang babaeng sa tingin ko ay may deperensiya sa pag-iisip? "Aling Martha, narinig ko dumating na raw iyong hinihintay ni —" Nabitin ang kung anumang sasabihin sana ng bagong dating na si Justine nang mamataan ang babaeng katabi ni Aling Martha. Awang ang bibig nitong pinasadahan nang tingin ang kabuuan ng babae. Pilit kong nilalabanan ang naramdaman kong paghihimagsik ng kalooban habang malayang sinusuyod ng mga mata ni Justine ang may kaliitang babae na sa tantiya ko ay 5'3" ang tangkad. Kumpara sa aking humigit kumulang anim na talampakan ay mas maliit ang babae pero tuwing naalala ko kung paano magdikit ang mga katawan namin kani-kanina lang nababalewala ang malaking agwat ng height namin. Hindi ko gusto ang mga titig ni Justine sa babaeng inangkin ko na simula pa kanina nang una kong masilayan ang maamong mukha. Parang gusto ko siyang takpan mula sa paningin ni Justine. Tanging isang masayang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Hallejah habang inosenting tinutumbasan din ang panunuring ginawa ni Justine. "Isa na namang tao! Talaga ngang nasa mundo na ako ng mga tao!" God! Saan ba siya sa akala niya? Kung makapagsalita siya parang hindi siya tao. Naalala ko di pala tao iyong pagpapakilala niya kanina kundi ay isang Himadi. Kung ano man iyon ay siya lang siguro ang nakakaalam , maliban na lang kong may alam ang mga nanirahan dito sa villa. Pailalim kong pinasadahan ng tingin sina Aling Martha at Justine. Masama ang kutob sa parang pambabalewala nila sa kakaibang kinikilos ni Hallejah. Kusang tumaas ang kilay ko habang pinagmasdan ang wari pagkaaliw ni Justine sa babae. The grumpy Justine that I've known looked so smitten by this little lady. "Pagbati mula sa a—" Bigla akong naging alerto at mabilis na kumilos upang iniharang ang sarili sa pagitan nilang dalawa ni Justine bago pa matapos ni Hallejah ang anumang sasabihin niya dahil sigurado akong kasunod no'n ay ang panghahalik niya katulad nang ginawa niya sa aming dalawa ni Aling Martha. F*ck, I'm almost late! "Ayaw mo bang batiin ko ang kauri mo?" May pagtataka niya akong tiningnan at pilit na sinilisip si Justine na natatakpan ng katawan ko. Kuyom ang kamaong pinapakalma ko ang pagtatagis ng aking mga bagang habang may pagtataka at inosenti siyang nakatingala sa'kin. Pigil na pigil ko ang sarili upang hindi siya bulyawan dahil sa binabalak niya sanang gawin kay Justine. "Tulad nga nang sinabi mo, nasa mundo ka ng mga tao at iba ang paraan ng pagbati namin dito," mahina pero may kariinan kong sagot. Gusto kong mapangiwi dahil sa mga pinagsasabi ko. Bakit ko nga ba sinakyan ang pinagsasabi ng babaeng ito? Isa lang ang malinaw na sagot, ayaw kong may iba siyang hinahalikan kaya di bale nang magmukha rin akong katawa-tawa basta hindi lang lalapat ang mga labi niya sa iba. "Akoy nagagalak at ikaw ay aking natagpuan." Nangunot ang noo ko dahil sa panibagong nakakalitong salita niya na ngayon ay patungkol na sa akin. May nakaligtaan ba akong pangyayari na maaaring dahilan nitong mga pinagsasabi niya? "Ikaw ang sinasabi ng mga kaninunoan ng Himadi na gabay papunta sa Deritos! Ikaw ang aking tagabantay dito sa lupain ng mga tao!" Gusto kong matawa sa mga narinig mula sa kanya. Gabay? Tagabantay? Mas angkop sa'kin ang tawaging tagasalakay dahil kung kami lang dalawa ngayon ang nandito ay tiyak kanina pa kami nagpambuno sa gitna ng malaking kama, at hindi mapipigilan iyon ng mga nakakalitong salitang pinagsasabi niya. Tabingi ang ngiting ibinigay ko sa kanya habang nagtatanong na sumulyap kay Aling Martha. Mukhang ito kasi ang mas nakakaintindi sa mga pinagsasabi ni Hallejah. "Tanging si Don Gregorio lang ang makasagot sa mga katanungan mo," mahinahong sagot ni Aling Martha sa tanong na hindi ko maisaboses . "Kahit ako ay hindi makapaniwalang totoo pala talaga ang nakasaad sa journal ng mga ninuno ko. My God, fairies are real." Namamanghang usal ni Justine habang hindi ihinihiwalay ang mga mata kay Hallejah na inosenting nakangiti sa'kin. Napantastikuhan akong napatitig kay Justine. Hinahanap ko sa mukha nito ang maliit na senyales nang pagbibiro. "I'm serious, so start believing now. " Umingos ito sa'kin nang mapansin ang paninitig ko. Hindi kami magkasundo ni Justine dahil sa maraming bagay, maliit man o malaki ay magkaiba ang mga paniniwala namin pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na may saltik ang lalaking ito maliban na lang ngayon dahil sa mga pinagsasabi nito. Kahit noong bata pa lang ako ay hindi ako naniniwala sa mga fairy. Masyado naman yatang matanda itong si Justine upang magpapaniwala sa mga imposibleng bagay. "If this is your scheme upang itigil ko ang planong pagbili sa bahagi ng lupain ng Lolo mo ay mas nakabubuting itigil mo na ito," walang emosyon kong sabi sa kanya habang nakaramdam ako nang matinding galit sa loob. Bakit nga ba hindi ko naisip na maaaring isang palabas itong nangyayari at pakana ni Justine kung paanong nagsanga ang landas namin ni Hallejah? Naalala kong laging bukambibig nitong lalaking ito ang tungkol sa mga diwatang naninirahan sa bibilhin kong bundok. At heto na nga ngayon, muntik na akong naloko! Nang-aakusa ang mga matang lumipat ang tingin ko kay Justine papunta kay Hallejah na walang kakurap-kurap na nakatingin pa rin sa akin. Pilit kong binalewala ang damdaming binubuhay ng itim niyang mga mata na puno nang kamanghaang nakatitig sa'kin upang luminaw iyong pag-iisip ko. Kasabwat ni Justine ang babaeng ito! Ang galing, humaling na humaling ako sa pain dahil sa galing nang pag-arte nito. "There's no scheme Castillionez. Pero nasisiguro ko ngayong hindi na matutuloy ang plano mo." Lalo akong nairita sa ngising nakapaskil sa pagmumukha ni Justine. Ang sarap bangasan ng gago! "Bigyan mo man ako ng sampung diwata ng kabundukan ay sinisiguro ko sa'yong tatayo at tatayo sa bundok na iyan ang pinakamalaking Castillionez Condominiums," puno nang kumpyansa kong pahayag. "Why don't you use the term diway instead of diwata? Para naman maintindihan ng bisita natin." Lalong lumaki ang nakakainis na ngisi ni Justine at nangangati iyong kamao ko na alisin iyon sa mukha niya. "Diwata man o diway ay hindi mapipigilan ang pagpatag ko sa bundok na iyan. Kaya sumuko ka na sa patuloy mong paghadlang sa mga plano ko. " "Papatagin mo ang bundok?" Gulat na singhap ni Hallejah ang umagaw sa atensiyon ko mula sa nakakimis na mukha ni Justine. Natural na natural ang gulat sa kanyang mukha at kung hindi ko lang alam na kasabwat siya ni Justine ay tiyak mapapaniwala talaga ako dahil sa galing niyang um-acting. "Oo, papatagin ko ang bundok, bubunutin lahat ng mga puno at ipapatayo ko doon ang isang malaking building." Deretso akong nakatitig sa itim na mga mata ni Hallejah kaya di nakaligtas sa pansin ko ang pagguhit nang gimbal sa mga iyon. Nangunot ang noo ko dahil wala akong nababasang pagkukunwari nang pumalit sa pagkagimbal na iyon ay ang matinding galit na ngayon ay nakatutok na sa'kin. "Hindi! Hindi mo gagawin iyon!" Kasabay nang malakas na sigaw ni Hallejah ay kumudlit ang kidlat at dumagundong ang malakas na kulog. Hindi ko masabi na ang dahilan ba nang pagdidilim ng paligid ay ang tuluyang paglubog ng araw o ang muling pagbabanta ng unos na paparating. Mukhang hindi pa tapos ang bagyo. Sa kabila ng mga nangyayari sa paligid ay hindi ko naman maalis-alis ang mga mata sa galit na galit na kaharap ko. "Bilang Himadi na isa sa mga pinuno ng mga Diway ay ipanagbabawal ko ang anumang kalapastanganang binabalak mo!" Napakurap-kurap ako habang pinoproseso ang maawtoridad niyang pag-uutos sa akin na nangibabaw sa kabila ng malakas na pagkulog. "Great! Nakakuha ka ng isang magaling na artista." Salubong ang kilay ko habang mapaklang ngumiti sa dereksiyon ni Justine at binalewala ang pinagsasabi ni Hallejah. Nadagdagan ang nararamdaman kong inis dahil wala sa akin ang atensiyon ni Justine kundi ay naroon sa madilim na kalangitan. The b*stard is not taking me seriously! "Sa tingin ko ay mas mabuting manahimik ka na lang muna," kunot na kunot ang noo nitong sabi at hindi man lang ako tinapunan ng tingin at nandoon pa rin kalangitan ang buong atensiyon. "Oh Dios ko po." Bigla ay bulalas ni Aling Martha. Mabilis akong napatingin dito. Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa dereksiyon ni Hallejah. Nang lingunin ko ang tinitigan nito ay halos lumuwa ang mga mata ko. Hallejah is glowing from head to foot! Nagliliwanag siya at lalong lumutang ang taglay niyang kaputian kaya pakiramdam ko ay lulusot sa katawan niya ang mga kanay ko kung hahawakan ko siya. "Hangga't nandito ako ay hindi mo pwedeng galawin ang kalikasan!" Mariin ang bawat pagkakabanggit niya nang bawat salita habang deretsong nakatitig sa'kin ang maitim niyang mga mata. "What the f*ck is this?" pasigaw kong tanong. Gusto kong makuha ang sagot mula kay Justine dahil siya ang kasabwat ng babaeng ito pero katulad ko ay gulat na gulat din itong nakatitig kay Hallejah. Hindi ba niya pakana ito? "Himadi!" Sabay-sabay kaming napalingon sa malakas na nagsalitang si Don Germio. "Maligayang pagdating sa Villa Esciaver!" Unti-unting nawawala ang liwanag na lumalabas sa katawan ni Hallejah. "G-Gregorio...," paanas na namutawi sa mapupulang labi ni Hallejah ang pangalan ni Don Gregorio at kasabay niyon ay ang unti-unting pagbuwal ng katawan niya. Mabilis kong naagapan ang pagbagsak niya sa sahig. Ilang mura rin ang lumabas sa bibig ko habang kalong sa mga bisig ko ang walang malay na babae. Kung hindi naging mabilis ang pagkilos ko ay tiyak tuluyan na siyang bumagsak sa sahig at mas masaklap pa ay tiyak tatama ang ulo niya sa matigas na tiles. "Hindi siya ang inaasahan kong darating," kunot ang noong usal ni Don Gregorio habang nakatunghay kay Hallejah na nasa mga bisig ko. "Wala ba siyang ibang kasama?" tanong ng Don. Hindi ko alam kung para ba sa'kin iyon o para sa aming lahat na nandito. "Natapos po ang unang ulan nitong buwan at lumubog na po ang araw pero siya lamang po ang dumating," mahinahong sagot ni Aling Martha. "Nakapagtataka, hindi ko nabasa sa kahit na anong journal ng mga ninuno ko na isang bata ang dumating mula sa Diwali." Nahulog sa malalim niyang iniisip ang Don habang nakatitig sa walang malay na babae. "Nagkakamali ka Don Gregorio, maliit lang po siya pero nasisiguro kong hindi na siya bata," di ko napigilang sabat. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa wala sa sarili kong pagsabat. "Pero hindi siya mukhang sunod na pinuno," giit ng Don. "Kanina pa po ako nalilito sa mga nangyayari. Can anyone explain to me what's really happening, " puno ng frustration kong pahayag. Matamang tumutok sa'kin ang mga ni Don Gregorio bago muling sumulyap kay Hallejah na kalong ko pa rin. "Kailangan niya ng lakas. Ihiga mo siya sa lupa." Napapalatak akong napatitig kay Don Gregorio dahil sa iniutos niya. "S-sa lupa?" gilalas kong tanong . "Kailangan niya ang kahit na anong lakas na nakukuha niya sa kalikasan. Kawawang Himadi, napakabata niya pa para sa isang malaking resonsibilidad." Hindi ko kayang gawin ang iniutos niya. Wala akong balak na ihiga sa maduming lupa si Hallejah! "Sir Marcus, ikabubuti po ni Hallejah ang paghiga sa lupa," mahinahong pukaw ni Aling Martha sa nagrerebelde kong isipan. Wala na akong pakialam kung magkakasabwat si Justine at si Hallejah upang gumawa ng isang palabas na magpapabago sa isip ko tungkol sa lupaing gusto kong bilhin. Kahit totoo man o hindi ang pinapalabas nila tungkol kay Hallejah ay hindi ko maatim na ihiga siya sa basang lupa. "Magtiwala ka Marcus, ikabubuti niya ang gagawin mo," snserong pahayag ni Don Gregorio na nagpatibag sa matigas kong pagtanggi. Labag man sa loob ay sa huli sinunod ko ang kagustuhan ni Don Germio na ihiga sa lupa si Hallejah. Pinili ko ang mismong lugar kung saan ko siya kanina nakitang nakahiga. Maingat ko siyang inihiga at para akong namalikmatang napatanga sa mga tumutubong damo na parang yumuyuko sa presensiya ni Hallejah. Maging ang malalapit na mga halaman ay sumabay sa ihip nang mabining hangin na wari ay inaabot ang kinalalagyan ni Hallejah. Parang gusto kong tumawa nang malakas dahil sa kung anu-anong tumatakbo sa isip ko dahil lang sa mga narinig ko tungkol sa katauhan ni Hallejah. Akmang tatayo ako mula sa pagkakaluhod sa tabi niya nang biglang umihip ang hangin kasabay nang paglalaglagan ng mga talulot ng bulalak at maliliit na dahon ng mga puno na nasa paligid. Napanganga ako habang itiningala ang mukha sa pinagmulan ng mga umuulang petals at maliliit na dahon pero ang maliwanag na buwan ang tanging nakita kong nakatunghay sa kinaroroonan namin habang patuloy ang mabining bagsakan ng mga talulot at maliliit na dahon. "Wini-welcome ng kalikasan ang pagdating ni Hallejah sa mundo ng mga tao." Isang payapang ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni Don Gregorio habang katulad ko ay tinatanaw rin ang umuulan na talulot ng mga bulaklak. "Totoo ang alamat," mahinang usal ni Justine. Kahit pilit kong tinatanggi ay may bahagi ng pagkatao ko ang naniniwala sa mga sinasabi nila. I can't believe this, I really meet a real fairy, a f*cking real fairy! A very beautiful fairy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD