PANG-LABING-SIYAM

3642 Words
Kabaligtaran ng masaya at buhay na buhay na paligid sa bahay ng mga Manalo. Binabalot ngayon ng matinding kalungkutan ang pamamahay ng mga ito, dulot ng balitang maaring wala na si Major Sebastian Manlangit. Tanging ang mag-asawang Manalo lang ang naririto ngayon sa hapag at kahit pa puno ng mga pagkain ang nasa harapan ng mga ito, nawala na ng gana para kumain pa ang dalawa. "Nag-aalala ako kay Richard, mahal." saad ni Aurora sa asawang Heneral. "Ako man mahal ay nag-aalala rin. Hayaan mo muna ang anak natin, alam kong alam mo na hindi madali ang pinag-dadaanan niya ngayon." saad ni Diosdado. "Ako man ay ayokong maniwala na posibleng wala na si Baste, nakausap ko na rin ang mga magulang niya kanina at bukas na bukas ay uuwi na rin ang mga ito." saad ni Aurora. "Lahat tayo mahal ay umaasang hindi nga si Baste ang taong sakay ng sumabog na sasakyan, pero sa nakitang bracelet doon, ayoko man tanggapin pero posibleng si Sebastian nga ang taong lulan ng sumabog na sasakyan." saad ng Heneral. "Kaya nga mahal, gusto ko man palakasin ang loob ni Richard na buhay pa si Sebastian, ayaw ko naman paasahin ang anak natin." malungkot na saad ng ginang. "Ang magagawa na lang natin ngayon ay ihanda ang sarili natin sa pinakamasakit na katotohanan o sana ay maliit man ang tiyansa na hindi si Baste ang taong 'yon, mapatunayan sa resulta ng DNA test sa katawan ng taong sakay ng sumabog na sasakyan." "Tama ka mahal at kung mangyari man ang ayaw nating mangyari, gawin natin ang lahat para sa mga anak natin, lalo na kay Richard." saad ni Aurora. ... Ang loob ng kwarto ni Richard ang piping saksi sa pagtangis ng sundalo sa sakit na posibleng wala na ang pinakamamahal nitong lalaki. Maging ang kumain ay di na nito magawa at ang tanging gusto na lamang ng sundalo ay ang makatanggap ng magandang balita at sabihin sa kanya na buhay at ligtas ang Komandanteng nagbigay ng bagong kulay at buhay sa mga nakalipas na araw sa kanya. At sa suot nitong bracelet na may initials ni Sebastian at ng singsing na kanyang suot na regalo rin sa kanya ng Komandante, pinanghahawakan ni Richard na tutuparin ng una ang mga pangako nito sa kanya. Dala ng pagod sa pag-iyak, nakatulugan na ni Richard ang sakit sa kanyang puso na dulot ng posibleng pagkawala ni Sebastian. ... Paggising ni Richard ay kaagad niyang napansin ang taong katabi niya ngayon sa kama "Ba-baste?" saad ni Richard na ang buong akala'y si Sebastian ang kanyang kasama. "Bunso si Kuya ito." sagot ni Erick at kahit pa masakit sa kanya ang posibleng pagkawala na ng kaibigang si Sebastian, alam ng Komandate na higit na mas masakit ang nararamdaman ngayon ng kanyang bunsong kapatid. Kita rin ni Erick ang parang walang buhay na mukha ni Richard na kabaligtaran sa buhay at masiglang mukhang meron ang kapatid. "Ku-kuya." saad ni Richard at otomatiko na naman na bumagsak ang mga luha nito, na tila ba wala ng katapusan. Kaagad na kinulong sa mga bisig ng Komandante, ang naghihinagpis na bunsong kapatid, sa paraang 'yon, nais ni Erick kahit pa sa katiting lang na sakit ay mabawasan, ang alam niyang higit na nararamdaman ni Richard, sa posibleng pagkawala na ni Sebastian. "Bunso, alam kong masakit ang nararamdaman mo ngayon, pero kailangang magpakatatag ka at ihanda mo ang sarili mo sa posibleng masamang nangyari kay Baste." saad ni Erick. "Hi-hindi kuya, bu-buhay si Baste, hindi ba ang sabi niya magpapakasal pa kami." sumbat ni Richard sa kapatid, sa pangako sa kanya ni Sebastian. "Bunso, makinig ka kay kuya, ako man ay hindi naniniwala na wala na si Baste. Tinawagan ko kanina ang forensic na magsasagawa sa DNA test sa nakitang nasunog na katawan at nalaman ko sa kanila, na apat hanggang sa anim na linggo ang gugugulin bago lumabas ang resulta." saad ni Erick at kwento nito sa mga nalaman. "Ang tagal ng isang buwan kuya, paano kung hindi pala si Baste iyon at kasalukuyang kailangan niya ang tulong natin. Kuya ayokong maghintay dito sa bahay ng walang ginagawa para mahanap si Baste." saad ni Richard na humiwalay na sa yakap ng kapatid. "Alam ko 'yon Chard, kaya nga nandito ako, maghanda ka na at aalis tayo patungo ng Tawi-tawi ngayon din." saad ni Erick. "Sige kuya." maagap na sagot ni Richard at bumangon na, para umpisahan ang walang kasiguraduhang paghahanap, sa lalaking pinakamamahal niya. ... Sakay ng private chopper na pag-aari ng pamilya nila, inumpisahan na ng magkapatid na sundalo ang bihaye patungo sa Tawi-tawi. ... Sa Amerika. Hindi makapaniwala ang mag-asawang Manlangit, sa masamang balitang natanggap nila, mula sa mga kaibigan na mag-asawang Manalo. "Hon, hindi pa tayo siguradong si Sebastian nga ang taong sakay ng sumabog na sasakyan, kaya 'wag kang mawalan ng pag-asa na buhay pa ang unico hijo natin." alo ni Alfredo sa sa asawang si Maritess. "Iyan na nga bang kinakatakot ko, hindi ko kakayanin Fred kapag nawala ang anak ko." emosyonal na saad ni Maritess at muli'y niyakap ang asawa nito habang patuloy parin sa pag-iyak ang ginang. ... Sa Amerika parin. Hindi rin makapaniwala si Rachelle sa masamang ibinalita sa kanya ng imbestigador, na posibleng ang lalaking pinakamamahal niya ay namatay sa isang sumabog na sasakyan. "Hi-hindi! Buhay si Sebastian at bubuo pa kami ng pamilya na magkasama." saad ni Rachelle na habang naluluha ay hinahaplos ang tiyan nito at umaasa na ilang linggo mula ngayon ay ipinagbubuntis na niya ang sanggol na galing sa semilya ni Sebastian. ... Hindi iniwanan ni Lorenzo ang malungkot na Kapitan, na dulot ng posibleng pagkawala na ni Major Manlangit. Bigo rin ang misyon nilang mga sundalo, para mahuli ng buhay o patay ang lider ng teroristang grupo. "Sir kumain ka muna." saad ni Lorenzo na may dalang pagkain para sa kanila ng Kapitan. "Wala akong gana Velasco." sagot ni Vince sa kasamang sundalo. Napabuntong hininga na lamang si Lorenzo, maging siya'y nalulungkot rin sa nangyari sa posibleng pagkawala na ng Komandante, na inaamin niya nung una ay kina-inggitan nito dahil sa pag-ibig ni Richard. Ngunit kalaunan ay hinangaan niya, dahil bukod sa galing nito bilang sundalo, lalo pa sa kabutihan at katapangan na taglay nito. "Kumain ka na Vince, hindi ba ang sabi mo'y hindi basta-basta na lamang mawawala ang Komandante? Malay natin at hindi pala siya ang taong sakay ng sumabog na sasakyan at naghihintay lang na mahanap natin o baka isang oras mula ngayon ay muling samahan tayo." pagbibigay pag-asa ni Lorenzo. "Sana nga tama ka Enzo." sagot ni Vince, na iniisip kung paano haharapin ang mga kapatid, gayung wala itong nagawa para tulungan si Sebastian. "Sir, umasa pa tayo, hanggat wala pang kasiguraduhan na wala na talaga ang Komandante." saad ni Lorenzo at lumapit para akbayan ang Kapitan. ... Matapos ang nangyaring yakap niya ang among sundalo sa sofa, nang mahimasmasan ang Komandante ay humiwalay ito sa kanya at sunod na nakita na lamang ni Hansel ang mabilis na paglabas nito ng bahay at sumakay ito ng sasakyan, papunta sa kung saan ay wala parin kaide-ideya si Hansel, gaya ng wala rin siyang alam kung anong pinagdadaanan ngayon ng lalaking lihim niyang minamahal. Hanggang sumapit ang gabi ay hindi parin umuuwi ang among sundalo at nakatulugan na ni Hansel ang paghihintay sa Komandante. Pagkagising ni Hansel ay bakante rin ang kama ng among sundalo. At paglabas nito sa kwarto ay ni anino ng among sundalo ay hindi rin nakita ni Hansel. Minabuti na lamang ng binata na maghanda na ng almusal, para kung bigla man umuwi ang sundalo ay makakakain kaagad ito. Habang naghihintay sa among sundalo, minabuti rin ni Hansel na tawagin si Mang Popoy at ang dalawang guards para mag-almusal na ang mga ito. At sa naisip na posibleng may alam ang matandang driver ay nauna itong pinuntahan ni Hansel. "Pasok ka sir Hansel." saad ng matanda. Nagtataka man si Hansel kung paano nalaman ng matanda na siya ang kumatok sa pinto ng una, sunud na ipinihit ng binata ang pinto. "Kumain na po tayo." saad ni Hansel pagkapasok nito sa kwarto ng matanda. "Salamat sir Hansel at alam kong may gusto kang malaman tungkol kay sir Erick, hindi ba?" saad at tanong ng matanda sa binata. "Sa totoo ho niyan ay meron nga po." nahihiyang amin ni Hansel. "Halika, maupo ka muna." simula ng matanda at alok nito sa isang upuan kay Hansel. Kaagad naman umupo si Hansel at hinihintay kung anong sasabihin ng matanda. "Bago umalis si sir Erick ay ipinaalam niya sa akin ang nataggap nitong hindi magandang balita sa kanyang kapatid, sa tawag na iyon ng kapatid niyang si Vince, ipinaalam sa kanya na posibleng patay na ang kaibigan nilang sundalo. At dahil sa wala pang kasiguraduhan iyon, minabuti ni sir Erick na puntahan ang kinaroonan ngayon ng mga sundalo, para siya mismo ang kumumpirma kung ano talagang nangyari sa kanilang kaibigan." mahabang kwento ni Mang Popoy. Natigilan si Hansel sa kanyang nalaman at may nalaman siyang mga bagong bagay sa among sundalo. "Napakalapit siguro ng kaibigan ni sir sa kanila." saad ni Hansel. "Tama ka hijo, parang kapatid na ang turingan ng magkakaibigang 'yon sa tatlo, lalo na ngayon at may relasyon ang kaibigan nilang sundalo sa kanilang bunsong kapatid." saad at kwento pa ng matanda. Sa narinig ay gulat na napatingin si Hansel sa matanda, dahil alam ng binata na puro lalaki ang mga kapatid ng among sundalo. "Tama ang nasa isip mo hijo, sa bunsong kapatid nilang lalaki rin umibig ang kaibigan nilang sundalo." saad ng matanda. "Kung ganun po, hindi sila nagalit sa kaibigan nila dahil dun?" tanong ni Hansel. "Sa katunayan, ang kapatid niyang si Vince ay kaagad na natanggap ang nalamang relasyon ng dalawa, pero si sir Erick ay sobrang nagalit sa kanyang nalaman, pero nang makita ng dalawang mata niya kung gaano kamahal na kaibigan niya ang kanilang bunsong kapatid, maluwag sa loob na tinanggap niya ang relasyong meron ang dalawa." "Kung ganun po, siguradong mas masakit ang nararamdaman ngayon ng kapatid ni sir, dahil posibleng wala na ang mahal nito." saad ni Hansel na 'di maiwasan na malungkot rin para sa kapatid na among sundalo. Kung sa kanya siguro mangyari iyon ay baka hindi kayanin ni Hansel. 'Mas gugustuhin ko nang mahalin ng palihim si sir, kesa sa malaman kong hindi ko na siya makakasama pa kahit kailan.' saad sa isip ni Hansel at umaasa rin na sana'y buhay pa ang kaibigan ng among sundalo. ... Hapon na ng makarating sila Richard at Erick sa Tawi-tawi. At 'di na nag-asaya pa ng oras ang dalawa at nagpasama sa kabaro nila, para puntahan ang bangin na mismong kinahulugan ng sumabog na sasakyan, na siya ring pinanghihinalaang sinakyan ni Major Manlangit. Pagkababa sa bangin ng mga sundalo kasama sina Private Manalo at Major Manalo, kita ng magkapatid na sundalo ang parang lata na lang na natira sa sumabog na jeep. Pilit na pinipigilan ni Richard ang kanyang sarili na maluha at pilit rin nitong isinisiksik sa isipan na hindi ang mahal niyang sundalo ang sakay ng naabong sasakyan. Gaya ng kapatid ay ganun rin ang nasa isipan ni Erick, hindi niya matatanggap na sa isang malagim na pagkamatay matatapos ang buhay ng matalik nitong kaibigan. "Bukod sa jeep na nahulog dito sa bangin ay wala na ba kayong nakitang ibang sasakyan na malapit dito sa lugar?" tanong ni Major Manalo sa mga kabaro, na siya rin mga kasama ni Major Manlangit sa misyon. "Wala na sir, tanging itong jeep lang na nahulog sa bangin ang naririto sa area at wala ng ibang sasakyan pa kaming nakita." sagot ng isang sundalo. "Bukod sa pagkakakilanlan ng taong sakay ng nasunog na jeep, kumpirmado na isang improvised explosive device, ang ginamit sa pagpapasabog ng sasakyan sir." dagdag pa ng isang sundalo. Sa mga nalaman ay lalo pang nakumpirma ni Major Manalo, na sinadya ng mga terorista ang pagpapasabog sa jeep at naisip ng Komandante na mukhang plano rin ng mga ito na iwanan ang jeep, at kung masundan man sila ng mga sundalo, makakatakas sila dahil sa itinanim rin nilang bomba sa sasakyan. "Chard alam kong may ideya ka na rin sa posibleng nangyari, ayoko man maniwala, pero malaki ang tiyansa na si Sebastian ang nakatunog sa papatakas na lider ng mga terorista." saad ni Erick sa kapatid. Tama ang kuya Erick niya, hindi tanga si Richard na maaring 'yon nga ang nangyari, pero hanggat walang kasiguraduhan na si Sebastian ang taong sakay ng sumabog na jeep, hindi mawawalan ng pag-asa ang sundalo na buhay parin ang lalaking mahal niya. "Hindi kuya, hindi pa patay si Baste! Kung kailangan kong maghanap sa kung saan-saan ay gagawin ko." sagot ni Richard sa kapatid at mabilis nitong iniwanan ang mga kapwa sundalo. Mabilis naman na sinundan ni Erick ang kapatid bago pa may masama rin na mangyari rito. "Richard, tama ka, na hindi pa tayo sigurado na wala na si Baste at magtutulungan tayo sa paghahanap sa kanya." saad ni Erick ng makalapit ito sa kapatid. "Sa-salamat kuya." saad ni Richard na nagsimula na namang tumulo ang kanyang luha. "Hindi mo kailangan na magpasalamat bunso, kaibigan ko si Baste at kagaya mo, naniniwala parin ako na buhay pa siya." ... At sa gabi rin na iyon, kasama ng ilan pang mga sundalo. Sinimulan ng mga ito ang paghahanap sa walang katiyakan, kung matatagpuan pa nila ang Komandante. Madaling araw na at pagod na ang mga sundalo, pero wala silang nakita kahit bakas lang ng posibleng kinaroroonan ng Komandante. "Chard, pagod na ang mga kasama natin, hayaan mo na magpahinga na rin muna tayo." payo ni Erick sa kapatid. "Sige kuya, magpahinga ka na rin, pero itutuloy ko parin ang paghahanap kay Baste." saad ni Richard. "Chard makinig ka kay kuya, kahit ilang minuto lang ay magpahinga ka rin." saad ni Vince, na bukod sa nasasaktan sa posibleng wala na ang kaibigan, naaawa rin ito sa pinagdadaanan ng bunsong kapatid. "Ayos lang ako, kaya ko pa naman." sagot lang ni Richard. "Hindi, magpahinga ka na muna. Gusto mo ba na pagbalik ni Baste ikaw naman ang hindi okay?" giit ni Vince. "Kung maging hindi man ako okay ang tatanggapin ko kuya, basta makasiguro lang akong babalik sa akin si Baste." sagot ni Richard sa kapatid, na ayaw man nitong aminin sa sarili ay nawawalan na rin ito ng pag-asa, na makikita muli si Sebastian. "Sige mga sir, ako na munang sasama kay Richard, kahit papaano ay nakapagpahinga na rin ako." saad ni Lorenzo, na minabuti ng sumali sa usapan ng magkakapatid, dahil alam nito kung saan nanggagaling ang bawat-isa at alam rin nitong hindi mapipigil ang determinadong kaibigan para hanapin ang lalaking minamahal. "Sige Enzo, Chard susunod rin kami kaagad." sang-ayon ni Erick. ... Kasalukuyang nagtatrabaho na sa cafe si Hansel, na inihatid kanina ni Mang Popoy dahil sa hindi parin umuuwi ang amo nitong sundalo. "Hans, hindi mo naman sinabi sa akin na may amo ka pala na ubod ng guwapo." kinikilig na saad ni Alona na piniling kausapin ang katrabaho, habang wala pang gaanong kostumer ang cafe. "Sinong guwapo? Yung sumundo kay Hans kagabi? Sus eh ang tanda na nun at mukhang tatay na nga natin." sali sa usapan ni Terrence. "Tse! Hindi ikaw ang kausap ko kaya 'wag kang sumabat, tsaka anong matanda eh ang hot nga nung amo ni Hansel at bukod pa dun ay siguradong sobrang yaman din." saad ni Alona at muli nitong inalala ang nakitang makisig at guwapong lalaki kagabi. Kahit papaano'y nakalimutan ni Hansel ang pag-aalala sa among sundalo, sa tulong na rin ng mga makukulit nitong katrabaho. ... Hanggang sa ang ilang araw na paghahanap ng mga sundalo kay Major Sebastian Manlangit ay umabot na ng isang linggo. ... At ngayon nga ay mag-iisang buwan na ang lumipas, ngunit bigo ang mga sundalo na walang pagod at sawang naghanap sa posibleng buhay pang Komandante. Abala parin sa paghahanap kay Sebastian ang mga sundalo, nang isang tawag ang matanggap ni Major Erick Manalo at ito'y ang tawag ng mga forensic, na sumuri sa DNA ng natagpuang nasunog na labi sa loob ng sumabog na jeep. "Tumigil na tayo sa paghahanap kay Major Manlangit, ngayong araw ay lumabas na ang resulta sa ginawang DNA tests sa bangkay." simula ni Erick. "Ikinalulungkot kong sabihin, si Major Sebastian Manlangit nga ang taong sakay ng sumabog na jeep." nakayukong lahad ni Major Manalo, na pinipigilan rin ang maluha dahil sa masamang balitang kanyang nalaman. "Hindi! Hi-hindi pa patay si Baste kuya! Hindi ako naniniwala!" saad ni Richard na parang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig sa kapatid. "Chard." saad ni Vince na nilapitan na ang kapatid. "Sa-sabihin mo kuya Vince, hi-hindi totoo ang sinabi ni ku-kuya, buhay pa si Baste hindi ba, kuya Vince! Sabihin mo sa akin na buhay pa si Baste!" saad nang puno na ng luhang si Richard at niyuyugyog ang katawan ng kuyang si Vince. Mabilis na kinulong sa bisig ni Captain Manalo ang luhaang kapatid, na alam nitong pinakanasasaktan sa masamang balitang kanilang natanggap. "Bunso, nandito lang kaming lahat para sa'yo." saad ng naluluhang si Vince sa patuloy parin na tumatangis na bunsong kapatid. "Ku-kuya hi-hindi ko kayang wala na si Baste." saad ni Richard na patuloy parin ang masaganang luha sa mga mata. "Bunso, alam naming masakit, maging kami ni kuya Erick ay nasasaktan, pero nandito pa kaming pamilya at kaibigan mo." saad ni Vince. "Pe-pero ang sabi niya sa akin babalikan niya ako, ang sabi ni Ba-baste magpapakasal pa kami." sumbat ng lumuluhang si Richard sa kapatid at dala ng sobrang pagod at emosyon sa nakalipas na buwan, nawalan ng malay ang bunso ng Heneral. "Ku-kuya tumawag ka ng medic! Hinimatay si bunso!" alalang sigaw ni Vince. ... "Hinde!! Fred hindi pa patay ang anak kooo!!!" histerikal na saad ni Maritess na kagaya ng mga sundalo ay nalaman na rin ang resulta ng DNA test. "Hon. Ayoko rin tanggapin pero iyon ang lumabas sa ginawang pagsuri sa nasunog na bangkay." saad ni Alfredo at niyakap nito ang asawa. "Baste!! Anak ko huhuhu. Ang anak ko huhuhu." at matapos ang pag-iyak ng histerikal na ginang ay nawalan rin ito ng malay. "Hon! Pare tumawag ka ng ambulansya!" saad ni Alfredo sa nakitang nahimatay na asawa at pakiusap nito kay Heneral Manalo. Kaagad naman tumawag ng ambulansya ang Heneral matapos ang narinig nito sa kaibigan. At gaya ng mag-asawang Manlangit ay malungkot rin ang mag-asawang Manalo, dahil sa nataggap nilang masamang balita, na ang anak ng mga kaibigan na si Sebastian Manlangit, ang lumabas sa DNA test na sakay ng sumabog na jeep. ... ... Matapos ngang makumpirma na ang anak nila ang namatay sa sumabog na sasakyan sa Tawi-tawi. Inumpisahan na ni Alfredo, ang paghahanda para sa magiging burol ng kanilang unico hijo. Nalaman na rin nilang mag-asawa ang relasyon ng kanilang anak sa anak ng mga kaibigan at nanghihinayang ang mga ito, na hindi man lang nila nakita ang masayang mukha ng anak sa piling ng taong mahal nito. "I'm sorry pare, kung hindi sa akin, baka iba sana ang naging landas ni Sebastian at sana'y buhay pa siya ngayon." saad ni Diosdado at niyakap nito ang kaibigan. "Wala kang kasalanan pare, hindi lang ang buhay ko ang utang ko sa'yo pati na ang pamilya ko. Kung hindi mo ako nailigtas noon sa mga terorista, posibleng wala na rin ang mag-ina ko at masaya akong ikaw ang naging idolo ng anak ko at sinundan niya ang propesyon ng bayaning nagligtas sa papa niya." saad ni Alfredo. "Basta nandito lang kami pare, para sa inyo ni mare." saad ni Diosdado. "Alam ko 'yon pare at alam kong hindi lang kami ang nagluluksa sa pagkawala ni Baste." saad ni Alfredo. ... Unang gabi ng lamay ni Sebastian at bumuhos ang mga nakikiramay sa pagkawala ng bayaning sundalo. Pinilit ng mag-asawang Manlangit na magpakatagtag, kahit pa isang malaking puwang sa puso ng mga ito ang nawala sa pagkawala ng kanilang unico hijo. Bukod sa hindi umalis sa kanilang tabi na mga kaibigan na mag-asawang Manalo. Naroroon din ang mga sundalong nakasama at mga kaibigan ng anak nilang Komandante. Sa pangunguna ni Major Manalo at Captain Manalo. ... Samantala, nanatiling tulala lang si Richard na ilang minuto palang ang nakalilipas ng magkamalay ito, nalaman rin ng sundalo sa nagbabantay sa kanyang si Lorenzo, na kasalukuyan ng nakaburol ang katawan ni Sebastian. Hanggang sa ngayon ay ayaw parin harapin ni Richard ang katotohanan na wala na at 'di na muli niyang makakasama ang lalaking pinakamamahal niya at sa isiping 'yon, kumawala na naman ang mga luha sa mga mata ng sundalo na hindi na yata mauubos pa. Kita ng dalawang mga mata ni Lorenzo ang nagdadalamhating sitwasyon ngayon ng kanyang kaibigan, maging siya ay ayaw parin niyang paniwalaan ang nangyari sa matapang na sundalo. At ang tanging magagawa niya lamang ngayon ay samahan ang kaibigan, na alam ng sundalo na hindi basta-basta matatanggap ang pagkawala ng minamahal nito. ... Sa Amerika. "Uuwi na tayo baby at sana bago kita isilang ay tuluyan ng magising ang daddy mo." kausap ni Rachelle sa isang buwan ng nasa sinapupunan nito. Gaya ng plano ng babae, ipinagbubuntis na niya ang anak nila ni Sebastian, na hindi man dulot ng kanilang pagtatalik at gawa lang ng artificial insemination, na galing sa semilya na itinago nito ng lihim sa kasintahang si Sebastian noong magkasama pa sila. Nang malaman kasi ni Rachelle na isang sundalo ang propesyon ng unang naging kasintahan, naisipan ng babae na maaaring hindi na makakabalik pa ng buhay ang sundalo, lalo na kapag sumabak muli ito sa misyon. At doon pumasok sa isip ng babae na kumuha ng semilya na galing sa sundalo at nagawa nito ng palihim ng minsan na magtalik sila ng kasintahan at piringan nito ang mga mata ng lalaki. Gamit ang kilalang ospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay naging matagumpay ang planong iyon ni Rachelle. At pinabilis pa ng malaman nitong may iba ng minamahal ang sundalong pinakamamahal niya. Ilang linggo na rin ang lumipas ng malaman niya sa mga magulang na may isinugod na lalaki sa ospital ng mga magulang niya. Isinugod doon ang lalaki, dahil alam ng mga nakakita rito na mas matutulungan ang taong 'yon, kapag sa kilalang ospital ito idinala. At sa naisip ng babae na hindi ang kagaya ng matapang na sundalong nakilala niya ang basta-basta na lamang mamamatay, doon na naisipan ni Rachelle na tawagan ang mga magulang, para makita ng dalawa niyang mga mata ang itsura ng lalaki at gumulantang sa kanya ang malaman na si Sebastian nga ang taong 'yon. Doon na rin naisipan ng babae ang mga magiging plano, para muling mapasakanya ang sundalong pinakamamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD