PANG-LABING-WALO

3550 Words
Gaya nga ng sabi ng among sundalo, paglabas ni Hansel sa cafe kasabay ng mga katrabahong sina Terrence at Alona, kaagad niyang napansin ang mamahaling sasakyan ng Komandante. "Wow! Si boss siguro ang may-ari ng sasakyang iyan." saad ni Terrence na manghang-mangha sa sasakyan na malapit sa kanila. "Hindi kay boss 'yan, ilang buwan na tayong nagtatrabaho dito ay hindi mo pa kilala ang sasakyan ni boss." saad ni Alona. Samantala, hindi alam ni Hansel kung ano ang kanyang gagawin. Sigurado kasing magtataka ang dalawang katrabaho, kapag nakita siyang sumakay sa sasakyan ng Komandante. Abala si Hansel kung ano ang gagawin ng bumukas ang pinto ng sasakyan ng Komandante. Ilang minuto pagdating ni Erick sa cafe na pinagtatrabahuan ni Hansel, sunod na nakita nito ang paglabas na ng huli at kasama pa ang dalawang tao na sa isip ng Komandante ay kasamahan sa trabaho ni Hans. Minabuting hayaan na lang ni Erick na puntahan siya ni Hansel sa kanyang sasakyan, pero ilang minuto pa siyang naghintay dahil hindi parin siya pinupuntahan ng huli. At sa nakita ng Komandante na pag-akbay ng lalaki kay Hansel, doon na naisipan lumabas ni Erick sa kanyang sasakyan. "Hans!" Kaagad na napatingin ang tatlong magkakatrabaho, sa lumabas na sa saksakyan na si Erick. Si Hansel na kinabahan sa seryosong mukha ng Komandante matapos nitong tawagin ang pangalan niya. Pansin rin ni Hansel ang nagtatanong na mukha ng mga kasama, na matapos tumingin sa Komandante ay sa kanya naman bumaling ng tingin. "Kilala mo siya Hans?" 'di na napigilang tanong ni Terrence na naka-akbay parin kay Hansel. Si Alona naman ay natahimik at inaamin ng dalaga na nagwapuhan ito sa makisig na lalaki, na siya palang may-ari ng magarang sasakyan at hinihintay rin nitong malaman kay Hansel, kung kaanu- anu ng kasama sa trabaho ang guwapong lalaking na nasa harapan nila ngayon. "Ah a-ano kasi." saad ni Hansel na 'di alam kung paano ipapakilala ang sarili at kung kaanu-ano niya ang among sundalo. "Totoy, tanggalin mo ang kamay mo sa balikat ni Hans." seryosong utos ni Erick na nakalapit na sa kinaroroonan ng tatlo. Napakunot-noo naman si Terrence sa utos ng lumapit na lalaki. "Anong sabi mo? Bakit sino ka ba?" sagot na tanong ni Terrence sa lalaki. Sa nakitang mukhang mag-aaway nang itsura ng dalawag lalaki, kaagad na tinanggal ni Hansel ang braso ni Terrence sa kanyang balikat. "Ah Alona, Terrence. Siya nga pala si Kuya Erick at amo ko siya sa isa ko pang trabaho." pakilala ni Hansel sa Komandante sa mga katrabaho. "Ku-kuya, si Alona at Terrence mga katrabaho ko dito sa cafe." kabang pakilala ni Hansel sa dalawa sa kanyang among sundalo na nanatiling seryoso parin ang mukha. "Si-sige mauna na kami ni kuya." baling ni Hansel sa dalawang katrabaho, na alam nitong kanina pa gustong mangyari ng among sundalo. At dala ng kaba ni Hansel ay hinawakan na nito ang kamay ni Erick para pumunta na sila sa sasakyan ng huli. "Bye Hans." sigaw ni Alona. "Bye Hansel, yung sinabi kong manliligaw ako!" sigaw naman ni Terrence. At sunod na naramdaman ni Hansel na tumigil sa paglalakad ang among sundalo at humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. "Si-sir, nagbibiro lang po si Terrence." kabang saad ni Hansel na baka may masamang isipin na naman sa kanya ang Komandante. Doon na lumuwag ang hawak sa kanyang kamay ng sundalo at tumuloy na rin ito sa paglalakad papunta sa sasakyan. ... Magmula pa kaninang makasakay sila sa sasakyan, hanggang ngayon na malapit na silang makarating sa bahay ng among sundalo, nanatili lang na tahimik ang Komandante at kahit pa wala naman siyang ginawang masama ay kinakabahan si Hansel na baka galit na naman sa kanya ang sundalo. Pagdating sa bahay ay kaagad silang pinagbuksan ng gate nang isa sa kanilang guard, na kung 'di nagkakamali si Hansel ay ang nagngangalang Jojo. Pagkahinto ng sasakyan ay hinayaan na muna ni Hansel na maunang bumaba ang among sundalo, matapos ang ilang segundo, dala ang bag na lalagyan niya ng uniporme sa trabaho ay bumaba na rin si Hansel. Pagpasok ni Hansel sa bahay ay wala na sa sala ang Komandante at inisip ng una na marahil ay dumiretso na ito sa kwarto para matulog. Dala ng hindi pa naman inaantok ay minabuti ni Hansel na tignan ang sala at ang kusina para linisin ang mga ito. Pagdating sa sala ay inayos lang ni Hansel ang mga throw pillow sa bago rin na sofa. Halos lahat ng mga dating gamit nila ng kanyang ate ay pinamigay ng among sundalo sa mga kapit-bahay nila, liban na lang sa mga personal na gamit nila ng kanyang ate na kasalukuyang nasa bodega. Pinalitan rin ng mas bago at mas maganda ng among sundalo ang mga kagamitan dito sa bahay at alam rin ni Hansel na siguradong mamahalin rin ang mga ito. Itinabi rin ni Hansel ang remote ng tv at ang ilang magazine na hilig basahin ng kanyang amo. Nang makasigurong malinis na ang sala ay ang kusina naman ang kanyang pinuntahan. Bahagya pang natigilan si Hansel ng makita nito ang malinis na kusina, inaasahan kasi nito na may mga dadatnan siyang mga maruming pinagkainan ng amo at ng tatlo pang kasama rin nila ngayon sa bahay. Inayos na lang ni Hansel ang mga upuan sa hapag at matapos nun ay pumunta na siya sa kwarto ng amo. Gaya nga na inaasahan ni Hansel, pagkapasok niya sa kwarto ay mahimbing ng natutulog ang among sundalo na tanging brief lang ang suot. Minabuti ni Hansel na dito sa banyo na naririto sa kwarto ng among sundalo na lang maligo bago matulog. Matapos kumuha ng mga damit at tuwalya ay tumungo na rin siya ng banyo. Matapos maligo ay nagpatuyo na muna ng buhok si Hansel at habang ginagawa niya iyon ay nagbrowse siya ng mga unibersidad na maari niyang aplayan ng scholarship, dahil malapit na ang pasukan at unang taon niya ngayon sa college. Dala ng pagod sa trabaho sa cafe at sa nangyari na kasama ang among sundalo sa mall, nakatulugan na ni Hansel ang paghahanap ng mga unibersidad sa kanyang cellphone. ... Pagkagising ni Erick ay kaagad nitong tinignan ang kasama nitong si Hansel. Bahagya pang napangiti ang Komandante sa nakitang maamong mukha ni Hansel, kita rin ng sundalo ang cellphone na nasa isang kamay ng huli. Bumangon na si Erick at minabuting itabi ang cellphone ni Hansel baka mahulog pa ito sa kama. Pagkakuha sa cellphone ay nakita nitong umiilaw iyon dulot ng mga messages na dumating, dala ng kuryosidad at baka kasi may balita na rin tungkol sa kapatid ni Hansel ay pinakialaman na ng Komandante ang cellphone. Pagkabukas ni Erick sa cellphone ni Hansel ay text messages nga ang mga ito at galing ito sa mga may pangalan na Alona at Terrence. Pero bago pa mabuksan ng Komandante ang mga mensahe ng dalawa ay 'di sinasadya nitong napindot ang window button ng cellphone at nahagip ng matalas na mga mata ng sundalo ang tungkol sa paghahanap ng unibersidad ni Hansel. Lihim na napangiti ang sundalo, lingid sa kaalaman ni Hansel ay wala ng dapat pa siyang problemahin. Kahapon matapos niyang ihatid sa trabaho si Hansel, ang Komandante mismo ang nag-ayos sa papasukang unibersidad ng una. 'Anything for you Hans.' saad sa isip ni Erick at gaya ng palagi nitong ginagawa gamit ang isang kamay, ginulo ng sundalo ang buhok ng natutulog parin na si Hansel. ... Naging maingat ang sumunod na mga hakbang ng mga sundalo, sa lokasyon ng pinag-tataguan ng lider ng mga terorista na si Husami Muhamad. Ngunit bago pa ang tuluyan na pag-atake ng mga sundalo, natunungan ng mga bantay ng mga terorista ang papalusub na mga mortal nilang mga kalaban. Sumunod ang palitan ng mga putok sa magkabilang panig, hanggang sa nagawa pang maisakay paalis sa lugar ng mga terorista ang kanilang lider. Natunugan ni Major Manlangit ang pagtakas na 'yon ng lider ng mga terosista at ginawa nito ang lahat ng kanyang makakaya para mahuli ang madulas na terorista. Sa kanyang pagsunod sa papatakas na lider ng mga terorista, magaling na nakipagpalitan ng putok si Major Manlangit sa mga ilang teroristang humahadlang at nagnanais na mapatumba siya. Ilang pang pakikipagpalitan ng putok ang ginawa pa ng Komandante at nagtagumpay itong maubos ang mga tauhan nang lider ng mga terorista na pumipigil sa kanya. Sa mga oras na 'yon, sakay ng isang truck ay nagsimula ng itakas ng mga terorista ang kanilang lider na si Husami Muhamad. Ilang sandali matapos ang papaalis na lider ng mga terosrista, sinundan naman kaagad iyon ni Major Manlangit na hindi makakapayag na hindi mahuli ng buhay o patay ang lider ng mga terorista, sakay ng isang jeep na pagmamay-ari rin ng mga terorista mabilis na hinabol niya ang mga ito. Sa nakitang humahabol sa kanila na sundalo, mabilis na inutusan ni Muhamad ang mga tauhan para patayin ang Komandante. "Patayin ninyo ang gagong sundalong 'yon!" saad ng galit na galit na lider ng mga terorista. "Yess boss!" sagot ng isa sa mga tauhan nito at mabilis na nagpakawala ng mga bala papunta sa sundalo. Alam ni Sebastian na hindi magiging madali ang pakikipaglaban niya sa mga terorista, sa pagpapaulanan ng bala sa kanya ng mga kalaban, mabilis na umilag ang Komandante at gumanti rin ng putok sa mga terorista. Nababahala na sa oras na 'yon si Husami Muhamad dahil kita ng dalawang mga mata niya ang pagkatumba ng mga kasama niyang tauhan, na nasa likod ng sasakyan na dulot ng magaling na sundalo. Habang nababahala ang lider ng mga terorista ay bumaling ito sa nagmamaneho at nakita nito ang nakangising mukha ng kanyang kanang kamay. "Anong nginingisi mo Roko?" tanong ng nababahalang lider sa kanang kamay, na mukhang masaya pa sa kanilang sitwasyon. "Magbilang ka ng hanggang sa lima boss." sagot ng nakangisi parin na si Roko. Naguguluhan man, sinunod ni Muhamad ang utos na 'yon ng kanyang kanang kamay. "Isa." unang bilang ni Muhamad. "Dalawa." "Tatlo." Sa ikatlong bilang ng kanyang boss ay lalong lumaki ang ngisi sa mukha ni Roko. "Apat." sa pang-apat na pagbilang ni Muhamad ay naguguluhan parin itong napatingin sa kanyang kanang kamay. "Lima." pagtatapos sa pagbilang ni Muhamad. Sumunod ang gumulat na malakas na narinig ng lider ng mga terorista at nanlalaking mata itong napatingin sa kanilang likuran at muli ay napatingin ito sa kanyang kanang kamay na tanging may alam sa nangyari. "Hahahahaha!!!." umalingawngaw na malakas na pagtawa ni Roko sa lugar. At iniwan ni Roko kasama ng lider ng mga teroristang si Husami Muhamad. Ang sumabog na sasakyan ng Komandanteng si Sebastian Manlangit, na nahulog rin sa bangin sa mga oras na iyon. ... Samantala sa kinaroroonan ni Richard. Abala ito sa pag-aalmusal kasama ng mga magulang, nang dumulas sa kanyang kamay ang hawak nitong baso na may lamang tubig na iinumin niya sana. Kasunod nito ang maingay na pagkabasag ng babasaging baso at pagkalat ng tubig sa makintab na marmol ng sahig. 'Baste.' saad sa isip ni Richard at ibayong kabog sa kanyang dibdib ang sumunod na naramdaman nito. "P-pa? Ma-mayroon na bang balita tungkol sa misyon ng AFP sa Tawi-tawi?" tanong ni Richard sa Amang Heneral. "Wala pa anak." sagot ng Heneral. "Ayos ka lang ba anak?" nababahalang tanong ni Aurora sa nakitang 'di mapakaling si Richard. "A-ayos lang po ako ma, si-sige lilinisin ko muna ang mga ito." sagot ni Richard na minabuting may gawin, dahil matapos mabasag ang baso ay ibayong kaba hanggang sa ngayon ang kanyang nadarama. "Hayaan mo na at ipapalinis ko na lang kay manang." saad ni Aurora at  nag-aalala ito sa bunsong anak. ... Sa Tawi-tawi. "May nakakita ba inyo kay Major Manlangit?!" sigaw ni Captain Manalo sa kasamahang sundalo na abala ngayon sa paghuli sa mga sumukong miyembro ng mga terorista. "Sir nakita ko si Major Manlangit kanina, na paalis sakay ng jeep na pagmamay-ari ng mga terorista sir!." sagot ni Private Samonte. "Sigurado ka? At saan ang direksyon na tinahak niya?" tanong muli ng Kapitan sa kasamang sundalo. "Siguradong-sigurado sir! At sa kanang lupang daan ang tinumbok ng sinasakyang jeep ni Major Manlangit sir!" sagot ni Private Samonte sa Kapitan. "Sir sasamahan kita." saad ni Private Velasco na alam kung anong susunod na gagawin ng Kapitan. "Sige Velasco, kayo ng bahala dito, susubukan naming sundan si Major Manlangit." saad ni Captain Manalo sa mga iiwanang sundalo. "Sir, yes sir!" magalang na sagot ng mga sundalo. Mabilis naman na kumuha ng jeep na gamit ng mga AFP si Private Velasco at ng tumigil ito sa harapan ng Kapitan ay itinuro ng huli ang sinabing daan ng kasama nilang sundalo na nakakita sa pag-alis ng Komandante. ... Sandaling pinahinto ni Captain Manalo ang jeep na minamaneho ni Private Velasco, nang makita ng Kapitan ang usok na nanggagaling sa malapit lang na bangin sa kanila. Kaagad na bumaba si Captain Manalo sa jeep at minabuting lumapit sa pinanggagalingan ng usok na kanyang nakita. Sandaling natigilan si Captain Manalo na nasa gilid na ng bangin at kita nito na mukhang isang uri ng jeep ang kasalukuyang patapos ng lamunin ng apoy at tsaka muling naalala ng Kapitan ang narinig nito sa kasamahang sundalo na si Private Samonte. "Sir nakita ko si Major Manlangit kanina, na paalis sakay ng jeep na pagmamay-ari ng mga terorista sir!." "Hi-hindi. Hindi maaaring mangyari ito! Hi-hindi ito totoo!" nanlulumo at 'di makapaniwalang saad ni Captain Manalo na napaluhod na rin sa mga oras na 'yon. "Si-sir." saad ni Velasco na nag-aalala na sa kilos ng Kapitan. "Tol! Baste!!!" sigaw ni Captain Manalo na may mga masaganang luha na rin sa mga mata sa mga sandaling iyon. ... Natigilan si Private Velasco, matapos ang pagsigaw na 'yon ni Captain Manalo sa pangalan ni Major Manlangit. Kaagad rin nitong nilapitan ang malapit sa bangin na kinalalagyan ng Kapitan. "Si-sir huminahon ka muna, hindi pa tayo sigurado kung nandoon nga si Major Manlangit, maaring kasalukuyan parin niyang tinutugis ang lider ng mga terorista." saad ni Private Velasco na umupo na para samahan ang nakaluhod parin na Kapitan. "Hi-hindi mo naiintindihan Velasco. Ang sabi ni Samonte ay nakita niya si Baste na umalis at gamit niya ang isang jeep ng mga terorista. A-ayokong maniwala, pero ka-kailangan kong makatiyak na hindi nga si Baste ang nandoon." saad ng Kapitan at pababa na sana sa bangin. "Sa-sandali sir, hayaan mong tumawag tayo ng mga makakasama natin sa pagbaba sa kinalalagyan ng sumabog na sasakyan, masyadong delikado kung dalawa lang tayong bababa sa bangin at baka may mga terorista pang nakaabang para tambangan tayo." pigil ni Private Velasco sa Kapitan. "Tama ka Velasco, sige bumalik na muna tayo." saad ng Kapita ng mahimasmasan ito. ... Ilang minuto matapos ang pagbalik nila sa mga kasamahang sundalo. Sa pangunguna ni Captain Manalo ay maingat nilang binaba ang nasabing bangin para puntahan ang sumabog na sasakyan. Pagkarating sa kinalalagyan ng nasabing sasakyan. Dalawa sa kasama nilang eksperto ang kaagad na naghanap ng mga sample, para matukoy kung may tao ngang lulan ang sumabog na sasakyan at kung anong naging dahilan ng pagsabog nito. "Sir! Kumpirmado na may taong lulan nga ang sumabog na jeep. Base na rin sa nasunog na katawan ng taong kaagad namin nakita. Kumuha na rin kami ng DNA sample rito para matukoy ang pagkakakilanlan ng tao." saad na isa sa mga forensic. Kinabahan naman si Captain Manalo sa nalaman, ngunit umaasa parin ito na maaring hindi iyon ang kanyang kaibigan. "Sir! May nakita akong isang silver bracelet." tawag ng isa pang forensic sa Kapitan. Sa sandaling 'yon ibayong kaba na ang nararamdaman ni Captain Manalo, dahil alam ng Kapitan na may suot rin na bracelet ang Komandante, na ipinagmalaki pa sa kanya ng kaibigan na regalo daw 'yon sa kanya ni Richard. "Ma-maari bang tignan ko ang bracelet." saad ng Kapitan na nanalangin na sana'y mali ang kanyang nasa isip. Pagkaabot sa bracelet ay kaagad na tinignan ng malapitan iyon ng Kapitan. At sa nakitang dalawang letra na R.M. na naroon na nakaukit sa pulseras, sumunod na sumikip ang dibdib ng Kapitan kasabay ng pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata nito. "Ka-kay Baste ito." mahinang saad ni Captain Manalo, ngunit sapat na para marinig ng mga kasama niyang sundalo. Nagulat si Private Velasco sa narinig na iyon sa Kapitan, maging ang mga kasama rin nilang iba pang mga sundalo. Sa sandaling iyon, iisa ang saloobin ng mga magkakabaro at ito'y ang labis na kalungkutan sa nalaman na wala na ang kanilang Komandante. "Si-sir." saad ni Private Velasco at lumapit sa kinaroroonan ng nagpapakatatag na Kapitan. "Hi-hindi ito totoo Velasco." saad ng nakayuko ng Kapitan. "I'm sorry sir." tanging naging sagot ni Private Velasco sa nagdadalamhating Kapitan. "Hi-hindi ang kagaya ni Baste ang basta-basta na lamang mamatay." saad muli ng Kapitan. "Sir magpakatatag ka, hindi pa tayo siguradong si Major Manlangit nga ang taong 'yon, mas makakatiyak tayo kapag lumabas na ang resulta ng DNA test." pagbibigay pag-asa ni Private Velasco. Sa narinig kay Velasco, hindi man sigurado ay pinanghawakan iyon ng Kapitan. ... Ang pagsama ni Richard para sana sa gagawin nilang pagsalubong sa paparating na Presidente ng Amerika ay hindi na nito nagawa. Tinawagan niya si Major Guzman kanina at humingi ito ng paumanhin sa hindi nito pagtuloy para sa kanilang misyon. Nadismaya man sa kanya ang Komandante ay ipinagsawalang bahala na lang 'yon ni Richard. At ngayon nga ay kasalukuyan itong naghihintay ng balita sa naging misyon ng mga sundalo sa Tawi-tawi. "Pa, wala pa bang balita kila Kuya at kay Baste." nag-aalalang tanong ni Richard sa Amang Heneral. Hindi na ikinagalit pa ng Heneral ang basta na lamang pagpasok sa kanyang opisina ng bunsong anak. Bago ang pagpasok ni Richard sa kanyang opisina, isang tawag ang nataggap ng Heneral sa isa sa mga sundalong naroon sa Tawi-tawi. "Maupo ka anak." saad ng Heneral. Sumunod naman si Richard sa ama at umupo ito kaharap ang seryosong Heneral. "May dapat kang malaman tungkol sa naging misyon ng mga sundalo sa Tawi-tawi." simula ng Heneral. Ang kabang kanina pa nasa dibdib ni Richard ay lalo pang tumindi sa paraan ng pagsasalita ng Amang Heneral. "Hindi pa sigurado anak, pero ikinalulungkot kong sabihin na maaring wala na si Sebastian." paglalahad ng Heneral sa mga nalaman nito sa tawag na natanggap niya kanina. Parang bombang sumabog ang dating ng balitang 'yon kay Richard na galing sa kanyang Amang Heneral. "P-pa. A-anong i-ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Richard na ayaw paniwalaan ang narinig nito sa Amang Heneral. "Anak.. alam kong mahirap paniwalaan, pero alam kong alam mo na kalakip ng pagiging sundalo ay  itong hindi magandang maaaring mangyari sa atin." mahinahon na saad ng Heneral. "Hi-hindi pa. I-imposible ang sinasabi ninyo, makakauwi ng ligtas si Baste." giit na saad ni Richard at hindi nito matatanggap ang sinabi ng ama. "Anak. Isang taong sakay ng sumabog na jeep na nahulog rin sa bangin ang ngayon ay sinusuri kasama ng mga sundalo at bukod sa katawan ng tao, natagpuan din sa sasakyan ang isang bracelet na may initials ng pangalan mo." saad muli ng Heneral. Sa narinig ni Richard, lalo na ang tungkol sa bracelet na natagpuan sa sumabog na sasakyan, parang tinakasan ng kaluluwa ang sundalo, kasunod ang pagsikip ng kanyang dibdib at ang masaganang paglandas ng mga luha nito sa mga mata. "Hi-hindi pa, uuwi si Baste. Uuwi siya sa a-akin, nangako siya sa akin pa, a-ang sabi niya papakasalan pa niya ako." saad ng naluluhang sundalo na para bang sinusumbat nito sa ama, na tutuparin ng lalaking mahal niya ang pangako niya sa kanya. Sa tatlong anak, si Richard ang pinakapinoprotektahan nilang mag-asawa at ang makita ngayon ito sa ganitong kalagayan, parang pinapahirapan din ang Heneral. "A-anak alam kong mahirap tanggapin, pero sana ihanda mo ang sarili mo sa masakit na katotohanan, maging ang Kuya Vince mo na kaibigan ni Baste ay nasasaktan din sa mga oras na ito, sinisisi pa ngayon ng Kuya mo ang sarili niya, dahil hindi niya nasamahan at natulungan ang kaibigan niyang sundalo." "Hi-hindi pa, i-ibang tao ang nandoon sa sasakyan, makikita ninyo, tatawag sa akin si Baste o kaya'y uuwi siya dito mismo sa atin, hindi totoong wala na siya, hindi niya ako iiwan pa." saad ng naluluha parin na si Richard, na animo'y sa paraang ito'y makukumbinsi niya ang sarili na imposibleng wala na ang lalaking mahal niya. Minabuti nang lapitan ng Heneral ang emosyonal na bunso niyang anak. "Anak, ayos lang ang umiyak, alam kong masakit, alam kong mahirap tanggapin, pero lahat ng hirap at sakit ay kayang mawala sa paglipas ng mga panahon." saad ng Heneral at niyakap nito ang bunsong anak. Doon na pinakawalan ni Richard ang hindi maubos-ubos na mga luha niya. Sa edad niyang 21, heto ang unang beses na umiyak ito sa piling ng Amang Heneral. ... Abala sa panonood ng telebisyon si Major Manalo ng makatanggap siya ng tawag sa kapatid na si Vince. "Kamusta Kapitan, tapos na ba ang misyon ninyo sa Tawi-tawi?" masayang bungad ni Erick sa kapatid. "Kuya, si Baste." Hindi alam ni Erick kung bakit sa pagbanggit pa lang ng kapatid sa pangalan ng kanilang kaibigan ay sobrang kaba, ang sumunod na naramdaman ng Komandante. "A-anong tungkol kay Baste, Vince?" "Ku-kuya, posibleng wala na si Baste." saad sa basag na boses ni Vince. Nabitawan ng Komandante ang hawak na cellphone, matapos ang narinig nito sa kapatid. Napatingin naman si Hansel sa gawi ng Komandante dahil sa nangyari at nabahala ito ng makitang napaupo ang among sundalo, kasunod nito ay ang pagpipigil na maiyak ng Komandante. Wala man kaide-ideya sa nangyayari sa among sundalo, may nagtulak kay Hansel na tabihan sa sofa ang Komandante. At kita ng dalawang mata ng binata, ang unang beses na makita nitong lumuluha ang among sundalo. "Si-sir." saad ni Hansel at 'di na nito napigil ang kanyang sarili na yakapin ang lumuluhang sundalo. "Hindi totoong wala na siya." saad ni Erick, na sa balikat ni Hansel inilabas ang sakit, sa nalamang balita sa kanyang kapatid. "Sige lang kuya, nandito lang ako." sagot ni Hansel sa emosyonal na amo. At ilang sandali rin na magkasama sa sofa ang dalawa. Si Hansel na dinamayan ang among sundalo, kahit na wala parin kaalam-alam sa mga nangyari at si Erick na ayaw parin maniwala na wala na ang matalik na kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD